Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gladys Guevarra addresses critics of her objection to mass testing 

by Rachelle Siazon
May 25, 2020
Comedienne Gladys Guevarra on netizens debating over the importance of mass testing: "Magkakaiba man opinyon natin, pare-pareho lang tayo walang gusto ma-harm."
PHOTO/S: Gladys Chuchay Guevarra Facebook

Aminado ang comedienne na si Gladys Guevarra na umani ng batikos ang kanyang pagtutol sa mass testing.

Tingin ni Gladys, walang saysay ang mass testing dahil hindi raw nito mapupuksa ang COVID-19.

Bahagi ng Facebook post niya noong May 19 (published as is):

"Ano ba kase ang magagawa rin ng Mass testing? Matanong ko lang.

"eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin?

"Isusupot yung mga infected?"

Dagdag ni Gladys, "Baka ba pag nalaman natin kung sino mga infected, pwede na lumabas, tapos ihiwalay yung mga pila at nakalagay...

"Pila ng mga Infected at Pila ng hindi infected. Ganire ba?"

Naniniwala rin ang ang dating Sunday PinaSaya mainstay na mas mahalagang pagkagastusan ng gobyerno ang pamimigay ng ayuda kaysa sa mass testing.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

HOT STORIES

WHAT HER CRITICS SAY

Na-trigger ang netizens ng May 19 Facebook post na iyon ni Gladys.

Anila, mismong medical experts ay nagsasabing malaki ang maitutulong ng mass testing para masugpo ang COVID-19.

Bukod sa maaagapan ang pagkalat ng virus, ang mass testing ang isa sa nakikitang solusyon para makapagpatuloy na magtrabaho ang work force na malusog at walang sakit.

Patunay nito ang Vietnam, na tinaguriang isa sa mga "benchmark" sa mundo pagdating sa paglunsad ng mass testing para hindi kumalat ang virus.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay may 1,700 comments na sa post ni Gladys.

"WAG NA KAYO MAGALIT"

Ipinakita naman ni Gladys na nakangiti pa rin siya sa kabila ng pangongontra sa kanyang pananaw sa mass testing.

Pahayag ni Gladys sa kanyang Facebook post noong May 21:

"Sending this smile to everyone [smile emoji] Tama na yan.

Continue reading below ↓

"Wag na kayo magalit, wala na away away. Para wala stress. Peace na lahat.

"Here’s a goodnight smile para sa inyong lahat."

Giit ng 43-year-old comedienne, wala siyang masamang intensyon sa kanyang post. Nagkataon lang daw na iba-iba ang opinyon ng tao sa isyu.

"Magkakaiba man opinyon natin, pare-pareho lang tayo walang gusto ma-harm.

"Mali lang siguro mga pagkakaintindi natin.

"Peace to you all! Tuloy natin lahat ang laban, sa pakikipag tuos sa laban ng buhay."


Continue reading below ↓

PH'S TESTING CAPACITY

Sa kaso ng Pilipinas, nilinaw ni Presidential Spokesperon Harry Roque na mas angkop ang salitang "expanded targeted testing" upang ilarawan ang programa ng gobyerno.

Ang target ng gobyerno, by May 30, ay makapagsagawa ng 30,000 tests kada araw.

Sabi ni Roque sa press briefing noong May 19, "Now that we have opened up the economy, we need really to isolate, locate, and cure those with COVID-19 before the economy opens any further."

Nagbigay rin ng datos si Vince Dizon, chief deputy implementer ng National Task Force COVID-19, nang makapanayam siya ni Karen Davila ng ABS-CBN News.

As of May 8, nakakapagsagawa na raw ng 7,300 COVID-19 tests kada araw ang Pilipinas.

Nasa 20 raw ang bilang ng accredited lab facilities, na may kakayahang mag-test ng hanggang 12,000 katao kada araw.

Magdadagdag pa raw ito ng 50 labs by the end of May.

Nga lang, sa Metro Manila pa lang, 12.8million na ang tao.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Gladys Guevarra on netizens debating over the importance of mass testing: "Magkakaiba man opinyon natin, pare-pareho lang tayo walang gusto ma-harm."
PHOTO/S: Gladys Chuchay Guevarra Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results