Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Janus del Prado defends Angel Locsin against bashers, attests to her generosity 

by Arniel C. Serato
May 25, 2020
Janus del Prado to Angel Locsin: "Wag mo na lang sila pansinin. Kilala ka naman ng mga taong malalapit sayo at yung pagtingin namin sayo ang importante.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram

Pinatotohanan ng aktor na si Janus del Prado, 35, ang pagiging matulungin ng kaibigang si Angel Locsin, 35.

Ginawa ito ni Janus sa gitna ng pambabatikos na natatanggap ni Angel.

Isa si Angel sa mga nanguna sa pagtulong sa mga frontliners at sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kung gaano kasigasig si Angel sa pagtulong sa ating mga kababayan, ganoon din kasigasig ang aktres sa pagpapahayag ng saloobin sa mga isyu sa lipunan.

Gaya na lamang ng pagsasalita niya kaugnay ng pagsasara ng ABS-CBN.

Dahil sa paghahayag siya ng opinyon, binatikos siya ng mga pabor sa ABS-CBN shutdown at mga tagasuporta ng Duterte administration.

May nagbanta pa sa buhay ni Angel at iba pang Kapamilya stars na nakikipaglaban upang maibalik sa ere ang Kapamilya network.

Pero marami rin ang nagtatanggol sa Kapamilya actress, kabilang na ang mga kaibigan nito sa showbiz.

Isa sa kanila si Janus.

JANUs'S TESTIMONIAL

Sa kanyang Instagram post kahapon, May 24, pinaalalahan ng aktor si Angel na huwag na pansinin ang mga bumabatikos sa kanya.

Continue reading below ↓

Sabi ni Janus (published as is): “Sa mga bumatikos sayo at gusto kang tapusin, paps.

“Wag mo na lang sila pansinin.

“Kilala ka naman ng mga taong malalapit sayo at yung pagtingin namin sayo ang importante.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pinasinungalingan din ni Janus ang sinasabi ng ilan na pakitang-tao lamang ang mga ginagawa ni Angel.

Upang patunayan ito, ikinuwento ni Janus ang ginawang pagtulong sa kanya ni Angel anim na taon na ang nakalilipas.

Published as is: “Sabi ng mga trolls at bashers, pakitangtao ka lang daw.

“Pero di nila alam na madami ka natutulungan na di nababalita. Gaya ko paps.

“Naalala ko dati nung nagka tigdas ako way back 2014, ikaw lang sa mga kakilala ko sa industria ang nag offer ng tulong at malasakit.

“Sinagot mo na nga hospital bill ko, nagpupumilit ka pa dumalaw kahit bawal kasi naka quarantine ako sa hospital. Hehe.

“Baliw ka talaga. Salamat sa malasakit at sa pagkakaibigan."

Continue reading below ↓

Nagkatrabaho sina Janus at Angel sa ABS-CBN primetime series na Lobo.

Dagdag pa ni Janus, “Sa mga nagsasabing NPA ka, di lang nila alam ang totoo, na NBA ka.

“Turn around fade away dunk! Labyu paps!"

Ang tinutukoy ni Janus ay ang bintang ng ilang netizens na miyembro raw ng New People's Army, isang grupo ng armadong rebelde.

Ang NBA naman ay ang National Basketball Association ng Amerika.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ANGEL THANKS JANUS FOR “TRIBUTE” POST

Na-touch naman si Angel sa aniya'y “tribute” post sa kanya ng kaibigan.

Saad niya, “Naiyak naman ako sa pa-tribute mo, paps!

“Salamat sa pagtatanggol”

Tanging linya naman sa sikat na kantang "'Wag Ka Nang Umiyak" mula sa seryeng Ang Probinsyano ang sagot ni Janus.

@therealangellocsin kung walaaa ka naaa maintiiindihaaan”

Continue reading below ↓

Ngayon lang isinapubliko ni Janus ang ginawang pagtulong sa kanya ni Angel noong 2014.

Kaya naman marami ang naglagay ng “heart” emojis sa post na ito ni Janus bilang paghanga at pagsaludo sa aktres.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado to Angel Locsin: "Wag mo na lang sila pansinin. Kilala ka naman ng mga taong malalapit sayo at yung pagtingin namin sayo ang importante.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results