DJ Mo Twister proposes to Angelicopter via live podcast

by Jet Hitosis
May 25, 2020
DJ Mo Twister sets up a fake caller to stage his surprise wedding proposal to his live-in partner and fellow disc jockey Angelika Schmeing. Of course, Angelika said yes!
PHOTO/S: @djmotwister on Instagram

Ginamit ni Mo Twister ang kanyang live radio-show podcast upang mag-propose sa kapwa disc jockey na si Angelicopter.

Mohan Gumatay, 42, ang tunay na pangalan ni DJ Mo; si Angelicopter ay si Angelika Schmeing, 34.

Parehong dating DJ ng Magic 89.9 sina DJ Mo at Angelika.

Kapwa sila matagal nang naninirahan sa Amerika.

Biyernes, May 22, 2020, nang nag-propose si DJ Mo kay Angelika.

Pero nitong Sabado, May 23, inianunsiyo ni DJ Mo sa Instagram ang engagement nila ng kanyang live-in partner sa nakalipas na limang taon.

Ipinost ni DJ Mo ang litrato ni Angelika habang nakasalang sa podcast.

Walang kaayos-ayos si Angelika, pero lutang pa rin ang kanyang mestiza beauty dahil sa ganda ng ngiti niya.

Sa picture, kitang suot ni Angelika ang diamond engagement ring.

Kinuhanan ni DJ Mo ng litrato si Angelika, ilang minuto matapos itong umoo sa kanyang wedding proposal.

Sulat ni DJ Mo sa caption: “She woke up like this.

Continue reading below ↓

“Early morning GTWM Podcast episode with the rock of our family, the prized jewel of my heart, the beauty with the diamond eyes @angelicopter on GTWM Season 7 Episode 45, out on Spotify now.”

THE ACCOMPLICE: A FAKE CALLER

Guest ni DJ Mo sa kanyang Good Times With Mo podcast nitong Biyernes si Angelika.

Continue reading below ↓

Ang tema ng podcast ay katulad din sa dating radio program ni DJ Mo sa Magic 89.9 na may parehong titulo.

Tumatawag sa radio show ang mga problemadong caller para humingi ng payo kay DJ Mo.

Sa podcast nina DJ Mo at Angelika, tumawag ang isang "Karla" mula sa Pilipinas.

Ang hindi alam ni Angelika, si Karla ay si Anj, ang producer ng podcast.

Kinasabwat ni DJ Mo si Anj sa gagawin niyang wedding proposal.

Nagpanggap ang caller na binabagabag siya ng katotohanang hindi pa rin sila kasal ng kanyang live-in partner, kahit pa may mga anak sila.

Sa kabuuan ng tawag ng caller, kapansin-pansing malaki ang pagkakahawig ng sitwasyon ni Karla sa current set-up nina DJ Mo at Angelika.

May puntong nakahalata na si Angelika na kopyang-kopya ng kuwento ng caller ang kuwento nila ni DJ Mo.

HOT STORIES

“OF COURSE, BABE…”

Hanggang sa sabihin ng caller kung ano lang ang partikular na mga salita na gusto niya sanang marinig mula sa kanyang partner.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Karla/Anj: “You know, I just want him to say one thing.

“I just wish he'd say this line, you know…”

Dito na malinaw at mabagal na binanggit ni Karla/Anj ang proposal ni DJ Mo kay Angelika.

“Angelika, would you take this ring and say yes to being Mohan's wife?”

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan hanggang sa marinig ang mahinang “Ha?” ni Angelika.

Sumabad na si DJ Mo at sinabing ginamit niya ang podcast upang alukin ng kasal si Angelika.

Basag na ang boses ni Angelika nang muli siyang magsalita.

“Nakakainis ka, I knew it!

“It sounded like us,” sabi ni Angelika.

Umiiyak na nagpatuloy si Angelica: “Of course, babe, you know that naman… I'm crying na naman.”

Ibinuking na rin ni DJ Mo kay Angelika na ang caller na si Karla ay ang producer nilang si Anj.

Nagpasalamat si Angelika kay Anj sa pakikipagsabwatan para sa proposal ni DJ Mo.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Angelika kay Anj na naisuot na ni DJ Mo ang engagement ring sa kanyang daliri.

DJ MO AND ANGELIKA HAVE A DAUGHTER

May isang anak na babae sina DJ Mo at Angelika, si Amsterdam.

Anak din kung ituring ni DJ Mo ang panganay ni Angelika na si Lucas.

Anak ni Angelika si Lucas sa dati niyang asawa.

May anak naman si DJ Mo kay Bunny Paras, si Moira.

Tatlong Filipina actresses ang nakarelasyon noon ni DJ Mo.

Ito ay sina Bunny Paras, Janet McBride, at Rhian Ramos.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Mo Twister sets up a fake caller to stage his surprise wedding proposal to his live-in partner and fellow disc jockey Angelika Schmeing. Of course, Angelika said yes!
PHOTO/S: @djmotwister on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results