Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jaya opens up about being “most bashed” Tawag Ng Tanghalan hurado

by Bernie V. Franco
May 25, 2020
Jaya close up
Jaya thankful to ABS-CBN ang Tawag ng Tanghalan for reviving her career: "I’ve gained new and younger fans."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Ang akala ni Jaya ay magiging madali lang ang trabaho nang tanggapin niya ang offer na maging hurado sa "Tawag Ng Tanghalan" (TNT).

Pero nagkamali ang 50-year-old singer.

Ang "TNT" ay ang singing competition sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Ang pagiging hurado sa "TNT" ang unang naging regular stint ni Jaya sa Kapamilya network.

Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2016 pagkatapos ng higit 16 taon sa GMA-7.

Pero inamin ng Queen of Soul na hindi niya inasahan ang matatanggap na batikos sa pag-upo bilang hurado.

“My gosh, Tawag Ng Tanghalan… I accepted right away when I went in.

“Akala ko madali lang siya.

"I was, like, the most bashed... I am the most bashed hurado.

“I’m not mean. I’m very honest,” saad ni Jaya sa Facebook Live interview niya sa RX 93.1 FM station noong May 20.

"TERROR HURADO"

Pero ang pagiging honest ni Jaya ang dahilan para mabansagan siyang “terror hurado.”

Continue reading below ↓

Inalala ni Jaya ang mga pagkakataong pinag-usapan siya at naging trending topic sa Twitter dahil sa malalang pamba-bash sa kanya.

“I think because, one time, I gonged three contenders all in the same day.

"And it was a Valentine’s Day, so I will never forget it."

Ang tinutukoy niyang episode ng It’s Showtime ay noong February 14, 2018, kung saan hindi pumasa sa kanya ang performances ng lahat ng daily contenders.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kapag nakatatlong mali ang performer, nagsesenyas ang punong hurado na patunugin ang gong para itigil na ang performance.

Jaya TNT hurado

Continue reading below ↓

Ikinuwento rin ni Jaya ang semifinals round noong May 2018, kung saan naglaban ang dalawang contenders.

Sa Facebook Live, hindi pinangalanan ni Jaya ang dalawang contestants, pero ang nagharap noon ay sina Aila Santos at Ato Arman.

Si Jaya ang naupo bilang punong hurado at nasa kamay niya ang pagdedeklara ng mananalo.

Pinaboran noon ng mga hurado si Ato, bagamat para sa maraming nakapanood ay si Aila ang dapat nanalo.

Nag-trending ng ilang araw si Jaya dahil binatakos siya nang husto ng fans ni Aila.

“I was trending for hatred for two days, two to three days. That was the worst ever,” sabi niya.

Lubos na naapektuhan si Jaya kaya hindi siya pumasok kinabukasan.

Pero ipinagtanggol siya ng main host ng It's Showtime na si Vice Ganda.

Sa isang episode ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Jaya na mahirap ang trabaho bilang hurado, pero tanggap niyang "You cannot please everybody."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JAYA IS STILL GRATEFUL FOR THE SECOND CHANCE

Magkagayunman, malaki pa rin ang pasasalamat ni Jaya dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataong manumbalik ang sigla ng kanyang career.

“Joining TNT, of course, ABS-CBN and Showtime, it really catapulted me again into another level, and parang there’s much respect again.

“For a while I felt, again, like I said, quitting was one of them. Wala naman na, e.”

Sa dati niyang interviews bago lumipat sa ABS-CBN, inamin ni Jaya na nag-iisip na siya noong iwan ang showbiz.

“I almost quit just for the fact na gusto ko na lang to quietly leave for the United States.

"Kasi, first and foremost, I’m a mom and I was just really losing direction.

“I really didn’t know what I was gonna do and work,” sabi niya sa interview ng PEP.ph at ilang press noong May 2017.

Pero hinikayat daw siya nina Kyla at Erik Santos na lumipat sa kanilang kinabibilangang talent management arm, ang Cornerstone Entertainment, Inc.

Continue reading below ↓

Iyon daw ang turning point para muling magkaroon ng sigla ang kanyang career.

Balik sa kasalukuyan, sinabi ni Jaya na bukod sa muling pagsigla ng career ay nagkaroon muli ng appreciation sa kanya ang publiko.

“There’s this love that I really felt from colleagues, people that watch, the fans.

"I’ve gained new and younger fans.

“A new beginning, love, my co-hurados.

“Honestly, the people I sit with and work with on that stage, I have much love and respect for all of them.”

Kabilang sa mga seasoned fellow hurados ni Jaya sa TNT ay sina Gary Valenciano, Randy Santiago, Louie Ocampo, at Rey Valera, pati na si Ogie Alcasid, na matagal niyang nakasama sa GMA-7.

“It’s really fun, it’s the best that landed on my lap, so I was thankful.

"Very, very thankful,” sambit ni Jaya.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaya thankful to ABS-CBN ang Tawag ng Tanghalan for reviving her career: "I’ve gained new and younger fans."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results