Heart Evangelista guilty about not being able to help more people: “Di balon iyong aking pera.”

by Jet Hitosis
May 26, 2020
Heart Evangelista on helping more people get medical treatment: ““Sometimes you feel guilty... I wish I could have saved more for this time that I could help more, instead of, you know, [buying] stuff.”
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Nakukulangan ang actress-social media influencer na si Heart Evangelista sa ginagawa niyang pagtulong sa mga naghihikahos ngayong may pandemic.

Dahil dito, aminado si Heart, 35, nagi-guilty siya.

Hindi niya raw kasi magawang maabutan ng tulong ang lahat ng nagpapasaklolo sa kanya.

Simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus pandemic, dagsa ang humihingi ng tulong pinansiyal kay Heart.

Nagpo-post ang mga nangangailangan sa social media—kadalasan ay sa Twitter—at tina-tag ang visual artist-fashion icon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Karaniwang pambili ng gamot ang pakiusap kay Heart ng mga kababayan nating walang kinikita dahil sa ECQ.

At sa abot ng makakaya ay pinagbibigyan ni Heart ang mga ito.

Continue reading below ↓

Ngunit may mga pagkakataon daw na hindi iisang beses lang siya sumasaklolo sa kanyang natulungan.

“May mga taong kailangan ng tulong,” sinabi ni Heart sa video interview sa kanya ng GMA-7 broadcaster na si Jessica Soho.

“It’s very hard kasi may mga cases na more than once kailangan mo silang tulungan.”

Gayunman, hindi naman daw “endless” ang pinanggagalingan ng perang maibibigay niya.

Ang pondo sa ginagawa niyang pagtulong ay kinita niya sa pagtatrabaho, ayon kay Heart.

“But people don’t understand na nagtatrabaho po ako.

“Hindi balon iyong aking pera, na… endless.”

RELATED STORY

HEART IS NOT INTO FUNDRAISING

Maraming ibang celebrities ang aktibong tumutulong din sa mga apektado ng pandemic sa nakalipas na mga buwan.

Pero ang kaibahan ni Heart, hindi siya nangangalap ng donasyon para sa kanyang charity efforts.

Bilang asawa ng isang pulitiko, ayaw raw ni Heart na mabigyan ng kulay ang pagtulong niya.

Kasal si Heart kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Continue reading below ↓

“I don’t do fundraising,” aniya.

“I don’t do that because I just feel it also gets complicated when you’re married to a politician.

“I don’t want it to have color.

“My husband doesn’t want it to have color.

“So, he says kung ano ang kaya kong ibigay.”

Aminado si Heart na mahirap ang ginagawa niya, pero may obligasyon daw ang lahat sa kanilang kapwa.

Patuloy ni Heart, “Mahirap po talaga siya.

“But sa awa ng Diyos, we have been helping a lot of people.

“I think it would be selfish if people won’t do that.

“And I think it would be selfish for me not to do that.”

Napanood ang interview kay Heart sa Kapuso Mo Jessica Soho nitong Linggo, May 24.

Continue reading below ↓

“I WISH I COULD HAVE SAVED MORE”

Sa parehong panayam, naging prangka si Heart sa mga realizations niya.

Ayon kay Heart, nakakaramdam daw siya ng guilt sa naging paggastos niya noon para sa mga bagay-bagay.

Kung noon pa raw niya na-realize iyon, mas marami raw sana siyang perang maipantutulong.

“I have a lot of realizations,” ani Heart.

“Sometimes you feel guilty.

“There are things that I already have, that I would cherish for, like, when I’m old and I would celebrate, maybe my love for fashion…

“But I feel that I won’t do certain things, or I won't spend [for] certain things in excess, because I feel that it would help someone.

“I didn’t realize that before.

“I wish I could have saved more for this time that I could help more, instead of, you know, [buying] stuff.”

Lahat naman daw ay maaaring tumulong, gaano man kaliit o kalaki ang magiging kontribusyon.

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Heart na nanghihinayang lang siya sa pagkakataong mas marami sana siyang naabutan ng tulong ngayong may krisis.

“Everybody can help, big or small, it will make such a huge difference.

“I just wish that I had more time to save for this budget.

“I feel that I could’ve done things a little bit differently.

“It gives me guilt that I could do more.”

“I CAN’T HELP EVERYONE”

Sa puntong ito, sinabi ni Jessica kay Heart na kung tutuusin, sobra-sobra na nga ang naitulong ni Heart sa mga tao.

Hindi na raw dapat mag-“guilt-trip” pa ang aktres.

Paliwanag ni Heart: “Nakaranas na ako na dalawa kong [tinulungan ay] namatayan, o tatlo na namatayan, after the dialysis, or after the cancer treatment.

“You have to cremate.

“Cremation is eighty thousand [pesos], so…”

Dito na napaiyak si Heart sa awa sa mga taong patuloy na nangangailangan ng tulong.

Pero limitado nga lang daw ang kaya niyang gawin para sa mga ito.

Continue reading below ↓

“This is what troubles me sometimes… that I wish I could do more.

“I can’t help everyone.

“Can’t do it all by yourself.”

Bukod sa pag-aabot ng financial help sa netizens, namahagi rin ng mga personal protective equipment (PPE) at face shields si Heart sa healthcare frontliners at sa mga taga-Sorsogon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Namigay rin si Heart ng vitamins sa iba pang frontliners, tulad ng mga security guard at delivery riders.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on helping more people get medical treatment: ““Sometimes you feel guilty... I wish I could have saved more for this time that I could help more, instead of, you know, [buying] stuff.”
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results