Sam Milby admits to feeling "threatened" by bestfriend John Prats

by Rachelle Siazon
May 26, 2020
John Prats (right) recalls he was heartbroken over ex-girlfriend Shaina Magdayao when he became close friends with Sam Milby (left) in late 2009. Prior to that time, he says, "Hate ako ni Sam dati!"
PHOTO/S: @samuelmilby / @johnprats Instagram

Hindi raw akalain nina Sam Milby at John Prats na umabot na sila ng 10 years bilang best friends.

Una silang nagkakilala bilang co-mainstays sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP.

HIndi raw sila agad naging magkaibigan dahil tila pinagseselosan ni Sam si John.

Natatawang sabi ni John, "Hate ako ni Sam dati!"

Paglilinaw naman ni Sam, "I didn't hate you. I felt threatened lang."

Humirit si Sam na "close" kasi si John sa isang babaeng tinatangi niya.

Biro ni John, pareho raw kasi silang "heartthrob" ni Sam.

Kuwelang hirit pa ni John, "Siyempre, sabi ni Sam noong na-threaten siya, 'Maliit ito, pero pogi rin, a!"

Hindi tuwirang binanggit ni Sam ang pangalan ng babaeng ka-close ni John.

Pero tila ang tinutukoy niya ay si Toni Gonzaga, na malapit na kaibigan noon ni John.

Si Toni ay dating niligawan ni Sam.

Naging magkatambal sina Toni at Sam sa mga pelikulang You Are The One (2006), You Got Me! (2007), at My Big Love (2008).

Continue reading below ↓

Bihira raw magpansinan sina Sam at John noong panahong iyon.

Pag-amin ni Sam, "Nung nag-a-ASAP kami, we've been sitting next to each other, pero hindi kami friends.

"But it wasn't until parehas kami may pinagdadaanan, end of 2009, dun kami naging close."

Pagpapatuloy ni John, "Totoo yung sinabi niya.

"Nagkikita kami sa ASAP, pero we just say, 'Hi.' Minsan nga hindi, e. As in, lalampasan lang namin bawat isa."

Inihayag ito nina John at Sam sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars noong Biyernes, May 22.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

HOW SAM AND JOHN BECAME FRIENDS

Bago ang insidente noong "end of 2009," nagkaroon daw ng grupo kung saan nagkakahalubilo na sina Sam at John.

Kasama raw sa grupo ang "ex-girlfriend" ni John at "ex-girlfriend" ni Sam.

Hindi binanggit ni John, pero ang tinutukoy niya ay ang ex-girlfriend niyang si Shaina Magdayao at ang ex-girlfriend ni Sam na si Anne Curtis.

Hindi pa rin daw close noon sina John at Sam.

Hanggang sa noon ngang December 2009, naghiwalay sina John at Shaina matapos ang dalawang-taong relasyon.

Si Sam daw ang naging takbuhan ni John.

Hindi inaasahang magkaroon sila ng heart-to-heart talk habang nasa isang birthday party.

Kuwento ni John, "Yun ang first time na lumapit si Sam sa akin.

"Umiinom ako. Tapos lumapit siya. 'Hi, bro. How are you?'

"Yun lang sinabi niya. Sa sobrang lasing ko siguro, nag-open up ako."

Sobrang "heartbroken" at "down na down" daw noon si John.

Continue reading below ↓

Nang sumunod na buwan, si Sam naman ang dumanas ng breakup.

Tukoy ni John kay Sam: "After a month ng breakup ko, siya naman ang nakipag-break.

"So, dun kami naging close.

"Every day we're together. Sabay kami nag-move on."

November 2008 nang inanunsiyo ni Anne na nakipaghiwalay sa kanya si Sam.

Pero "on and off" ang relasyon ng dalawa sa loob ng apat na taon.

Huli silang naugnay nang gawin nila ang pelikulang Babe I Love You, na ipinalabas noong March 2010.

Continue reading below ↓

JOHN'S RELATIONSHIPS, SAM'S SINGLEHOOD

Kuwento pa rin ni John, malalim ang pinagsamahan nila ni Sam.

"Mapapatunayan ko na it's more than friendship. It's more on brotherhood, family," ani John.

Saksi raw si Sam sa mga sumunod na naging karelasyon ni John na sina Rachelle Ann Go at Bianca Manalo.

Naging magkasintahan sina John at Rachelle Ann mula November 2010 hanggang June 2011.

Sumunod na nakarelasyon ni John si Bianca, pero naghiwalay rin sila noong May 2012.

Balik-tanaw ni John, mas "consistent" ang pagkakaibigan nila ni Sam kaysa sa kanyang love life noon.

"Single kami, single ako—lagi kami magkasama.

"And then, nagka-girlfriend ako, tapos naging single ako, siya single pa rin.

"Tapos nagka-girlfriend ulit ako, siya single pa rin.

"Tapos ako nakipag-break, single pa rin siya.

"Ang dami nangyari sa buhay ko, si Sam for the longest time, single lang siya."

January 2013 nang maging girlfriend ni John si Isabel Oli. Nagpakasal sila noong May 16, 2015.

Continue reading below ↓

Pero matibay pa rin ang samahan nina John at Sam.

Naalala pa raw ni John na si Sam ang nasa tabi niya sa ospital habang hinihintay na manganak ang asawang si Isabel noong April 2016.

Balik-tanaw ni John, "Mula 12 midnight... until 11 A.M. natutulog siya sa waiting area. Akala mo siya yung ama."

Si Sam daw ang nakakaalam kung gaano kasaya si John na maging first-time daddy sa panganay niyang anak na si Feather.

Continue reading below ↓

ON SAM'S LOVE LIFE

Sa kabilang banda, saksi naman si John sa pagiging single ni Sam sa matagal na panahon.

"Si Sam, siya yung tipo ng tao na hindi siya papasok sa relationship until he is sure na talagang love yung nararamdaman niya.

"Ang dami kong naging relationship. Siya, for the longest time, single.

"Careful siya na pumasok sa isang relationship. Kailangan 100 percent sure siya."

Huling nakarelasyon ni Sam ay ang model/host/blogger na si Mari Jasmine.

Bandang September 2017 nang maghiwalay sina Sam at Mari matapos ang humigit-kumulang dalawang-taong relasyon.

Back to the present time, hiling daw ni John ay matagpuan ni Sam ang "The One" nito.

Pahayag ni John: "Ang wish ko lang talaga, yung finally mahanap na niya yung makakasama niya habambuhay.

"Magkaroon siya ng little Milbys. Si Sam, sa mga pamangkin niya, very loving siya.

"And I'm sure magiging magaling siyang ama."

Sa puntong ito ay humirit si Sam, "I hope so. Ikaw ang idol ko."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni John, "Bro, ikaw ang idol ko sa kabaitan. Walang mas babait sa 'yo."

Base pa rin sa Facebook Live video ng Cornerstone, halatang excited si John para kay Sam nang ipinalabas ang birthday greeting ni Miss Universe Catriona Gray.

Pilit na pinaamin ni John si Sam kung ano ang nararamdaman nito para sa beauty queen.

Saka inamin ni Sam na "very special" sa kanya si Catriona.

Kinabukasan, noong Sabado, May 23, tuluyang kinumpirma ni Sam na magkarelasyon na sila ni Catriona.

Sakto iyon sa kanyang 36th birthday.

Caption ni Sam sa larawan nila ni Catriona, "Worth every second of the wait. Most special birthday yet."

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Prats (right) recalls he was heartbroken over ex-girlfriend Shaina Magdayao when he became close friends with Sam Milby (left) in late 2009. Prior to that time, he says, "Hate ako ni Sam dati!"
PHOTO/S: @samuelmilby / @johnprats Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results