Detach Video
Remember when Mikael Daez referred to Andrea Torres as "love of my life"?
May 26, 2020

"Love of my life" ang pagkategorya ni Mikael Daez sa screen partner niya noon na si Andrea Torres.

Mikael Daez in black shirt and cap. Andrea Torres in gray blouse.

Ito ang sinabi ng Kapuso hunk sa kanyang 2015 interview sa online showbiz talkshow ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na PEP Talk.

Unang nagkasama sina Mikael at Andrea nung 2012 sa Sana Ay Ikaw Na Nga ng GMA-7.

Muli silang nagtambal sa Kapuso shows na With A Smile (2013) at Ang Lihim ni Annasandra (2014).

Naging regular cast members din sila ng GMA-7 gag show na Bubble Gang kalaunan.

WHY IT DID NOT HAPPEN

Patok kasi noon sa Kapuso fans ang love team nina Mikael at Andrea.

Maging sa kanilang foreign fans na nakakapanood ng shows nila abroad, may kilig din silang dulot.

Ipinapalabas noong 2014 sa ilang Southeast Asian countries, tulad ng Cambodia at Vietnam, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Pero sa kabila ng magandang "chemistry" sa pagitan nilang dalawa, bakit nga ba hindi natuloy sa totohanan ang kanilang relasyon?

Andrea Torres, Mikael Daez in GMA-7 presscon.

"Personally, Andrea is a very, very, very good friend. Someone I can really talk to," sagot ni Mikael.

"At work though, one of my best friends. Siguro nasa top two, top three siya.

"But on TV, love of my life.

"So yun ang categories namin. And I guess, it just worked out that way.

"Wala naman kaming inayaw, e. It just didn't happen, " paliwanag pa ng aktor at vlogger.

Wala rin daw silang naisip noon na dalhin para mas lumalim ang level ng kanilang onscreen partnership.

Focused lang daw talaga sila sa trabaho.

"Yun yung chemistry namin nung una, e.

"Siyempre, nung first time naming magkita, hindi naman namin kilala yung isa't isa, e.

"Pero yung chemistry namin was that we're both focused on our work.

"Alam ko, kitang-kita ko sa mata niya na gusto niyang galingan ang project. And I'm sure nakita niya sa mata ko na gusto ko ring galingan yung project na 'to.

"So iyon yung common ground namin, na gusto naming galingan dito, magtutulungan kami para gumaling ang isa't isa.

"And from there, I guess dun lumabas yung friendship, and I guess walang romantic spark na lumabas dun.

"Pero a very sincere friendship, definitely," patuloy pa ni Mikael.

MIKAEL LIKES "WORLDLY WOMEN"

Tanong naman sa actor-TV host-vlogger, hindi kaya dahil naka-focus sa ibang babae ang pagtingin niya kaya rin hindi sila nagkagustuhan ni Andrea?

Pabirong sagot ni Mikael, "Posible naman... Ako naman mahilig ako sa 'worldly women.'"

Nung panahong iyon kasi ay nali-link si Mikael kay Megan Young.

Video: null.

Nung 2017 ay inamin ni Mikael na anim na taon na ang kanilang relasyon ni Megan.

Inilihim lang nila ito dahil abala noon si Megan sa kanyang duties bilang Miss World 2013, at ka-love team naman ni Mikael si Andrea.

Megan Young as Miss World 2013

Sa podcast kamakailan nina Megan at Mikael, inamin ng beauty queen at Kapuso actress na pinagselosan niya si Andrea.

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results