Vice Ganda takes a swipe at lawmaker for using Quiboloy "joke" in Congress hearing

by Arniel C. Serato
May 26, 2020
During the House of Representatives' hearing on the ABS-CBN franchise renewal, Deputy Speaker Rodante Marcoleta (left) shows an old video of Vice Ganda (center) poking fun at Pastor Apollo Quiboloy (right).
PHOTO/S: Courtesy: DZMM / @praybeytbenjamin on Instagram / Pastor Apollo Quiboloy on Facebook

“Take the congressman as a joke.”

Ito ang tugon ni Vice Ganda—kasabay ng isang malutong na tawa—sa paggamit ng isang mambabatas sa kanyang biro kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ang biro ni Vice sa live episode ng It’s Showtime ay nag-ugat sa sinabi ni Quiboloy na napatigil daw niya ang lindol sa Mindanao.

Si Quiboloy ang pinuno ng religious group na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name Inc.

Sa hearing sa Kongreso ngayong hapon ng Martes, May 26, tinapos ni Deputy Speaker at SAGIP Party List Congressman Rodante Marcoleta ang kanyang talumpati kontra sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-playback ng video ni Vice.

Nag-react dito sa Vice sa pamamagitan naman ng Twitter ngayong gabi.

Aniya: “Hahahhaah!!!! Take the joke seriously.

“Take the congressman as a joke. Chugug!!!”

Continue reading below ↓

Hindi man niya tuwirang pinangalanan ang mambabatas, tinukoy ito ng mga followers ni Vice sa Twitter.

Continue reading below ↓

Si Marcoleta ang pangalawang speaker sa hearing sa Kongreso ngayong hapon ukol sa ABS-CBN franchise renewal.

Sinundan niya ang talumpati ni Carlo Katigbak, ang presidente at CEO ng broadcast giant.

HOT STORIES

THE VIRAL JOKE

Sa live episode ng It’s Showtime noong November 5, 2019, nagbiro si Vice tungkol sa sinabi ni Pastor Quiboloy na pina-"stop" niya ang malakas na lindol sa North Cotabato.

Continue reading below ↓

"Naku, kabahan si Cardo," pagtukoy ni Vice sa karakter ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.

“Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol.

"Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

"So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e.

"Napakayabang niyo pala!"

Hamon pa ni Vice kay Quiboloy: "Sabi niya daw, stop!

"Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun!

"Iba ka Quiboloy!"

Ilang araw ang nakalipas, noong November 7, sinagot ng religious leader ang hamon sa kanya ni Vice.

Sabi ni Quiboloy, “Bakit naman dumating tayo diyan, parang lindol lang yung pina-stop ko, e, dumating pa yung challenge na ipa-stop ko daw yung Probinsyano o kaya yung sa EDSA."

Pero paghahamon din niya, “Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano?

“Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?

Continue reading below ↓

"Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan?

"Apat na buwan? Ikaw, pili ka.

“Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo stop na ‘yan.”

Ginagamit ngayon ni Quiboloy ang nangyaring COVID-19 pandemic upang kutyain si Vice.

Dahil sa enforced quarantine, natigil ang trapik sa Edsa at nahinto ang taping ng Ang Probinsiyano.

Dala naman ng matagal na nakabinbing franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso, napaso ang prankisa ng network at tuloy pinasara ng National Telecommunications Commission.

Si Quiboloy ay isang milyonaryo, solid Duterte supporter, at self-anointed son of God.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
During the House of Representatives' hearing on the ABS-CBN franchise renewal, Deputy Speaker Rodante Marcoleta (left) shows an old video of Vice Ganda (center) poking fun at Pastor Apollo Quiboloy (right).
PHOTO/S: Courtesy: DZMM / @praybeytbenjamin on Instagram / Pastor Apollo Quiboloy on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results