John Prats's old photo confirms Sam Milby and Catriona Gray have been together for months

by Jet Hitosis
May 27, 2020
John Prats (extreme left) posts a photo of his bestfriend Sam Milby (right) while holding hands with girlfriend Catriona Gray (center). His caption reads: “Sa wakas may photo na hindi ikaw ang third wheel!!!"
PHOTO/S: @johnprats, @samuelmilby, @catriona_gray on Instagram

Masayang-masaya si John Prats para sa bestfriend at kapwa aktor na si Sam Milby.

Kaugnay ito ng pag-amin ni Sam sa mismong birthday niya nitong Sabado, May 23, na girlfriend niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa Instagram kinumpirma ng 36-year-old Kapamilya actor ang matagal nang nababalitang romantic relationship nito sa 26-year-old Filipino-Australian beauty queen.

Ipinost ni Sam ang sweet photo nila ni Catriona.

Maikli pero nakakakilig ang caption ni Sam:

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet.”

Continue reading below ↓

Inulan ng pagbati sina Sam at Catriona.

Maraming kaibigan, kapwa celebrities, at fans ang masayang-masaya para sa kanila.

Kabilang sa kanila si John, 36.

RELATED STORY

JOHN POSTS OLD PHOTO WITH SAM, CATRIONA

Sa sobrang saya ni John, napa-post din siya ng sariling litrato kasama sina Sam at Catriona.

Sa picture, magkakasama sina Sam, Catriona, at John habang kumakain sa isang mistulang dinner party.

Pero maliit na bahagi lang ng mukha ni John ang makikita sa picture.

Naka-focus kasi ang shot sa magkakahawak na kamay nilang tatlo.

Nakaupo si John sa dulong kaliwa habang pabiro at tumatawa siyang nakahawak sa kaliwang kamay ni Sam.

Ang kanang kamay naman ni Sam ay ka-holding hands si Catriona.

Sa caption, nagbitaw ng birong-totoo si John.

Masaya raw siya dahil finally ay hindi na “third wheel” si Sam sa picture nila.

Tinataguriang third wheel ang isang tao na kasa-kasama ng isang couple.

At gaya ng inaasahan, nagpahayag ng pagmamahal at suporta si John para kina Sam at Catriona.

Continue reading below ↓

Sulat ni John sa caption: “Sa wakas may photo na hindi ikaw ang third wheel!!! Hahahaha!

“Congratulations @samuelmilby and @catriona_gray [hugging face emoji] mahal na mahal ko kayo!!!

“May God bless you guys! [clinking glasses emoji] Cheers!!!”

RUMORED ROMANCE

Bagamat walang detalye kung kailan at saan kuha ang picture, mahihinuhang matagal na ito.

Continue reading below ↓

Malinaw na kinumpirma ng litrato na matagal nang magkarelasyon sina Sam at Catriona.

Mahigit isang taon na rin silang nali-link sa isa't isa.

Ito ay makaraang kumalat ang ilang litrato nila habang magkasama sa isang Rizal farm noong December 2018.

Kapapanalo lang noon ni Catriona bilang 67th Miss Universe at saglit siyang nagbakasyon sa Pilipinas.

Kahit pa parehong umiiwas na mapag-usapan ang pagkaka-link nila sa isa't isa, hindi humupa ang romantic issue kina Sam at Catriona.

Noong January 6, 2020, sa surprise birthday celebration ni Catriona, iginiit ng fans ng beauty queen na naroon sa party si Sam.

Sa polaroid photos na kuha sa party at ipinost ni Catriona sa Instagram, napigurahan ng netizens na si Sam ang lalaking katabi ng dalaga sa isang natatakpang picture.

Continue reading below ↓

SAM GETS “SUPER KILIG” BIRTHDAY MESSAGE

May 22, isang araw bago kumpirmahin ni Sam ang relasyon kay Catriona, nagbigay ng surprise birthday greeting ang beauty queen sa kanya.

Nangyari ito sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars.

Bukod kay Sam, naroon din sa show si John at ang komedyanteng si Pooh.

Pagkatapos ng pagbati ni Catriona, tinukso na nang tinukso ni John si Sam.

Napilitan tuloy umamin si Sam na “super kilig” siya sa pagbati ni Catriona.

“Very special” daw kasi sa kanya ang dalaga, sabi ni Sam.

RELATED STORY

CATRIONA STILL MUM ABOUT RELATIONSHIP WITH SAM

Matapos ang pasabog na pag-amin ni Sam—at pagsegunda ni John—wala pa ring anumang pahayag mula kay Catriona hanggang ngayon.

Sa Instagram at Twitter, hindi rin nagre-react ang dalaga sa mga nagkokomento tungkol kay Sam.

Malinaw na pinipili ni Catriona na panatilihing pribado ang kanyang love life, lalo na at celebrity din si Sam.

Continue reading below ↓

Naitago na nila ng ilang buwan ang kanilang relasyon, kaya marahil walang magiging problema kung piliin nila ang kaunting privacy para protektahan ito.

Ang model-turned-actor na si Clint Bondad ang huling boyfriend ni Catriona.

Tumagal ng anim na taon ang kanilang relasyon.

Ang TV host-model na si Mari Jasmine ang huling nakarelasyon ni Sam.

Naging girlfriend din ng aktor ang aktres at It’s Showtime host na si Anne Curtis, at ang YouTube sensation na si Marie Digby.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Prats (extreme left) posts a photo of his bestfriend Sam Milby (right) while holding hands with girlfriend Catriona Gray (center). His caption reads: “Sa wakas may photo na hindi ikaw ang third wheel!!!"
PHOTO/S: @johnprats, @samuelmilby, @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results