Kim Chiu waives comparison to friend Heart Evangelista

by Rachelle Siazon
May 27, 2020
Kapamilya actress Kim Chiu (left) remains unfazed by basher pitting her against Kapuso actress Heart Evangelista (right).
PHOTO/S: @chinitaprincess / @iamhearte Instagram

Tinawanan lang ni Kim Chiu ang kanyang detractor na minaliit ang kakayahan niya kumpara sa talento ni Heart Evangelista.

Nag-ugat ito sa video ni Kim kung saan sinayaw niya ang "Bawal Lumabas" song.

Agaw-pansin naman ang life-sized painting na nasa likod ni Kim.

Gawa pala ito ng Kapuso actress na si Heart Evangelista, na trademark ang makulay at abstract paintings.

Continue reading below ↓

Napa-comment si Heart sa Instagram post ni Kim ngayong Miyerkules, May 27.

Ani Heart, "Love that painting."

Sumagot si Kim na isa pala siya sa mga unang nakabili ng artwork ni Heart.

Sabi ni Kim kalakip ng lovestruck mojis, "@iamhearte me too!!!! Lucky to be one of the first to get your artwork."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

KIM REPLIES TO HER DETRACTOR

Sa comments section, isang netizen ang sumingit para batikusin ang sayaw ni Kim.

Mas may dating daw ang painting ni Heart kaysa sa "Bawal Lumabas" song-dance video ng Kapamilya actress.

Kalakip ng laughing with tears emoji, comment ng detractor: "yung sa painting ka nakatingin hindi kay KIm.

"May sense pa yung painting kaysa sa kanta at dance step mo."

At kung hindi pa malinaw na pro-government ito at anti-ABS-CBN, sinabi nito, "Stop spreading stupidity."

Continue reading below ↓

Hindi nagpatinag si Kim at tinawag pang "classmate" ang kanyang kritiko.

Bungad ni Kim na may tongue sticking out emoji, "relax classmate"

Dagdag niya, "hindi nakakasayaw ang painting! Char!!!"

Isa si Heart sa mga artistang humanga sa pagbangon ni Kim matapos putaktihin ng bashers dahil sa kanyang viral "Law ng Classroom" quote.

Continue reading below ↓

Ani Heart, "Congrats @prinsesachinita You just showed everybody how to turn lemons into lemonade!!!"

Noong May 19, ni-repost ni Kim ang tweet ni Heart na tinawag niyang "lodi forevs" o idol forever.

THE VIRAL "BAWAL LUMABAS" SONG

Ang kantang "Bawal Lumabas" ay bunga ng pakikipag-collab ni Kim kina DJ Squammy, isang music producer, at Adrian Crisanto, isang songwriter.

Sa latest Instagram post ni Kim, ginamit niya ang original dance steps na binuo naman ng DJ-dancer-producer na si DJ Loonyo.

Ito ang lightbulb moment ni Kim upang balikan ang bashers na, di sinasadya, ay nagpa-popular sa "Law Ng Classroom" quote niya.

Pinaglaruan ang bahaging iyon ng kanyang pahayag sa "Laban Kapamilya" Facebook Live na pinangunahan ni Kim at ng ibang Kapamilya stars noong May 8.

Marami sa bashers na nanghiya kay Kim ay trolls at bashers na masugid na followers ng administrasyong Duterte.

Galit ang mga ito sa sinumang dumedepensa sa ABS-CBN, dahil tingin nila'y paninira ito sa gobyernong nagpasara sa network.

Continue reading below ↓

Napaiwas sa social media si Kim dahil sa dami ng natanggap na panlalait.

Pero makalipas ang sampung araw, nagdesisyon si Kim na hindi siya padadaig sa mga naninira sa kanya.

Siya na mismo ang kumanta ng "Bawal Lumabas," na ang chorus ay galing sa tinuran niya sa "Laban Kapamilya" video.

Tagumpay ang Kim Chiu!

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Kim Chiu (left) remains unfazed by basher pitting her against Kapuso actress Heart Evangelista (right).
PHOTO/S: @chinitaprincess / @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results