Coco Martin on ABS-CBN franchise woes: “Lalaban kami at maninindigan!!!"

by Arniel C. Serato
May 27, 2020
Kapamilya star Coco Martin promises to go on fighting for ABS-CBN franchise renewal.
PHOTO/S: Courtesy: @mr.cocomartin on Instagram

“Lalaban kami at maninindigan!!!

Ito ang matapang na mensahe ni Coco Martin sa kanyang muling pagpaparamdam sa kanyang mga tagahanga sa Instagram kagabi, May 26.

Ang kanyang post ay may kinalaman sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Makikita rito ang isang quote card tungkol sa Kapamilya network.

Nakasulat dito:

“ABS-CBN

“ITINATAG AT PINAPATAKBO NG MGA PILIPINO.

“NAGBIBIGAY TRABAHO PARA SA MGA PILIPINO.

“NAGLILINGKOD PARA SA MGA PILIPINO.

"#IbalikAngABSCBN.”

Mensahe naman ni Coco sa kanyang caption, “Lalaban kami at maninindigan!!!”

Continue reading below ↓

Sa isa pang post, hinikayat ng Ang Probinsyano star ang kanyang mga tagasuporta na pirmahan ang online petition para sa pagpa-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Kalakip nito ang logo ng ABS-CBN.

Nag-post din siya ng larawan ng magkakapit-bisig na mga kulay ng ABS-CBN—pula, berde, at bughaw.

Ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng Kapamilya network sa gitna ng pagsubok na pinagdaraanan nito.

Continue reading below ↓

Sa isa pang larawan, makikita ang mga tagapamahala ng ABS-CBN na sina Carlo Katigbak (President and CEO), Cory Vidanes (COO of Broadcast), at Martin "Mark" Lopez (Chairman).

Nakasulat na mensahe rito: “God gives his toughest battles to his strongest soldiers.”

Continue reading below ↓

Caption ng 38-year-old actor-director sa post: “Lumaban para sa karapatan at manindigan para bayan!!!”

HOT STORIES

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Bago ito, huling nag-post si Coco sa kanyang Instagram noong May 10, 2020, Araw ng mga Ina.

Itinaon ni Coco ang kanyang pagbabalik sa Instagram sa ABS-CBN franchise renewal hearing ng Kongreso kahapon, May 26.

Continue reading below ↓

Sa pagdinig, ang ABS-CBN President at CEO na si Carlo Katigbak at main oppositor na si House Deputy Speaker at SAGIP Party List Congressman Rodante Marcoleta lamang ang nakapagsalita.

Muling nanindigan si Katigbak na walang nilabag na anumang batas ang ABS-CBN.

Nakikiusap din siyang maibalik ang prangkisa ng istasyon para sa kapakanan ng 11,000-plus nilang talents at empleyado.

Sa kabilang banda, naglatag si Congressman Marcoleta ng paglabag daw ng ABS-CBN sa dating prangkisa.

Ilan daw sa mga ito ay ang foreign ownership, tax avoidance, unfair labor practices, at iba pa.

Karamihan sa mga ito ay matagal nang nasagot at nalinaw ng ABS-CBN.

Sa Lunes, June 2, gaganapin muli ang pagdinig para sa prangkisa ng network.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Coco Martin promises to go on fighting for ABS-CBN franchise renewal.
PHOTO/S: Courtesy: @mr.cocomartin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results