Raquel Pempengco posts throwback photo of Jake Zyrus when he was still Charice

by Arniel C. Serato
May 28, 2020
Sa throwback photos ni Raquel Pempengco (far left & third from left), nag-post ito ng larawan nila ng anak na si Jake Zyrus (far right), noong nagdadamit-babae pa si Jake at kilala pa sa pangalang Charice (second from left).
PHOTO/S: Courtesy: Pempengco Relucio Racky on Facebook / @jakezyrusmusic on Instagram

Mukhang nangungulila si Raquel Pempengco sa anak na si Jake Zyrus.

Noong Martes, May 26, nag-post si Raquel sa Facebook ng throwback picture nila ng singer-performer.

Kuha ang larawan ni Jake noong teenager pa ito, nakadamit pambabae, at kilala pa sa pangalang Charice.

Nakalagay sa caption ni Raquel: “Mirror, mirror on the wall, who's the prettiest of them all...

"Sino ang mas maganda....salamin , salamin...??”

Continue reading below ↓

Sa comments section, magkakahalo ang sagot ng followers ni Raquel.

May nagsabing si Charice ang mas maganda, at may iba namang nagsabi na si Raquel.

May ilan ding nagkomento na nami-miss na raw nila ang boses ni Charice.

Continue reading below ↓

Pero sa huli, nagbiro si Raquel: “Ako na po maganda kc gwapo n xa now...”

Continue reading below ↓

Si Charice ay isa nang trans man at kilala na sa pangalang Jake Zyrus.

HOT STORIES

THE BIRTH of JAKE ZYRUS

June 2017, inanunsiyo ni Charice sa kanyang Instagram ang pagpapaalam niya sa dating katauhan.

Dahil sa hiwalayan nila ng dating live-in partner na si Alyssa Quijano, mukhang gusto na niya noong ibaon sa limot ang mga alaala nila, kasabay ng pag-aangat sa kanyang pagbabagong anyo.

Dahil doon, isinilang si Jake Zyrus.

Pahayag niya sa kanyang post noong June 15, 2017: “From the bottom of my heart, thank you for the love and respect.

"I love you back and I'm sending peace to everyone.”

Kasunod ng kanyang desisyong mamuhay bilang isang trans man, lumamlam ang singing career ni Jake, na tinagurian noong “The Most Talented Girl in the World."

Dahil dito at dahil na rin sa mas malalim na mga isyu ng mag-ina, nagkaroon ng matinding hidwaan sa pagitan ni Jake at ni Raquel.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang sigalot sa pagitan nila.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa throwback photos ni Raquel Pempengco (far left & third from left), nag-post ito ng larawan nila ng anak na si Jake Zyrus (far right), noong nagdadamit-babae pa si Jake at kilala pa sa pangalang Charice (second from left).
PHOTO/S: Courtesy: Pempengco Relucio Racky on Facebook / @jakezyrusmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results