Julia Barretto and mom Marjorie explain how they deal with a family crisis

by Bernie V. Franco
May 28, 2020
marjorie and julia
Marjorie Barretto (left): "I feel, like, when there is crisis, we’re calm, we face it right away. And then saka na kami magpa-panic. We just have to take charge right away of the situation." Julia Barretto (right) is her child who is active in showbiz.
PHOTO/S: YouTube (Marjorie Barretto)

Nagsalita si Julia Barretto, 23, at ang ina nitong si Marjorie Barretto, 46, kung paano nila hinaharap ang mga krisis na dumarating sa kanilang pamilya.

Hindi lingid sa publiko ang pagiging kontrobersiyal ng pamilya Barretto.

Ilang beses na silang naging laman ng balita, at ilan sa mga ito ay dahil sa away nila sa loob ng pamilya—partikular na si Marjorie at ang mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine Barretto.

Ayon kina Julia at Marjorie, support system nila ang isa’t isa.

Si Marjorie ay may limang anak.

Ang panganay ay si Dani, 27, na anak niya sa dating karelasyong si Kier Legaspi.

Anak naman ni Marjorie sina Julia, Claudia, 20, at Leon, 17, sa dating asawang si Dennis Padilla.

Ang bunsong si Erich, 8, ay anak ng dating aktres kay former Caloocan City Mayor at Congressman Enrico “Recom” Echiverri.

JULIA SPEAKS ON SUPPORT SYSTEM

Nakapanayam si Marjorie, at mga anak na sina Dani, Julia, at Claudia sa YouTube video ni Tim Yap noong May 26, Martes.

Continue reading below ↓

Inusisa ang mag-iina kung paano sila nananatiling matatag kapag may kontrobersiyang sangkot ang pamilya.

Unang sumagot si Julia.

Aniya, “I think we are each other's rocks. I think we are each other’s anchors.

“That why it’s so hard for the waves to take us with it.”

Sabi pa ng Star Magic actress, sinusunod nilang magkakapatid ang ehemplong ipinapakita ng kanilang ina.

“I think this was instilled in us, or mom just sets a good example.

“I think we’ve just also learned how to clearly compartmentalize things, like, things that really matter, and the things that don’t really matter, opinions or backlash, or bad feedback, or the bad criticisms."

Hindi raw sila nakikinig kung ang puna sa kanila ay galing sa mga taong hindi naman sila kilala.

“The bashings, technically, those things don’t really matter, especially if they come from people who don’t really know, don’t know the story, don’t know us personally," ani Julia.

Continue reading below ↓

Paliwanag pa niya, ang opinyon lang ng kanyang ina at mga kapatid ang binibigyan niya ng importansiya.

“I think the ones that really matters is, like, for me, it’s my mom, it’s my siblings.

"It’s what they feel, it’s what they think, it’s their opinions.

“And I think we’re like each other’s safe place…”

HOT STORIES

MARJORIE ON DEALING WITH CONTROVERSIES

Sinegundahan ni Marjorie ang sinabi ng anak.

Solid daw sila kapag may isyung kinasangkutan ang pamilya.

“I don’t know how to say it. Kami, we’re given a bubble.

"I feel, like, when there is crisis, we’re calm, we face it right away.

“And then saka na kami magpa-panic.

“We just have to take charge right away of the situation,” paliwanag ni Marjorie.

Sinasamahan daw nila ito ng dasal at suportahan ng isa't isa.

“It’s a lot of things put together, but basically we’re six of us.

“We know we’ll never be alone, so we just have to be just strong and we know that everything will pass.”

Continue reading below ↓

marjorie barretto daughters
dani barretto wedding

Sabi pa ni Marjorie: “So I’m not saying… that’s why I don’t like na, “Bring it on, bring it on,’ you know, provoking, or what will happen…

“I feel, like, everything that happens to us just makes us stronger.

“That’s the goal, that’s the end goal.

Continue reading below ↓

"‘Okay, this happens to us. Basta we have to come out of it stronger and better people.’

"Whatever happens, basta positive ang kalalabasan nito.”

BASHING ON SOCIAL MEDIA

Nausisa rin si Marjorie at ang kanyang mga anak kung paano nila hinaharap ang matinding bashing sa kanila sa social media.

Sagot ni Marjorie, “It’s really important na strong ang family system namin. Kami-kami lang.

“Okay, I have five kids, and then ako lang.

“We’re each other’s best friends na, e. You have people at home with you, you can trust, so that’s important.

“And then, I always tell my kids, ‘block and delete’ when we have bashers.

“When we have bashers, and we see umpisa pa lang na hindi naman constructive yung criticism, don’t give them the power anymore.

"Then block and delete."

Humupa rin daw ang pakikipag-away ni Dani sa kanilang mga kritiko sa social media.

Ani Dani, “Through the years, I’d fight bashers.

Continue reading below ↓

"Whether it’s Julia’s, Claui’s, my mom’s, or mine, I’m always the first to attack.

“I don’t know, I have that thing.

“When I had Millie, I stopped doing that.

"Now, I just don’t want it anymore kasi naaapektuhan lahat.”

Isinilang ni Dani si Millie, ang panganay nilang anak ng asawang si Xavi Panlilio, noong September 2019.

“Not that I don’t want to defend. Of course, I will defend my family to death, but it’s just more of, like, now they’re more aggressive,” aniya tungkol sa bashers.

Sagot naman ni Claudia, “I think the most important part is really, it starts with yourself.

“If you strengthen your self-awareness, it becomes easier to differentiate what people say about you is real and what is not.

“And what I’ve always done is if there was something they said, is constructive and a little bit hurtful, it’s time to do some self-reflections.

“But if it's self-desctructive, and it’s just to hurt you on purpose, I leave it to myself to reflect and think about who I am.

Continue reading below ↓

“And when I remember who I am, it’s kind of easy to just block off the negativity.”

BARRETTOS' RECENT CONTROVERSIES

Nasangkot sa ilang malaking kontrobersiya ang pamilya ni Marjorie noong nakaraang taon.

July 2019, inakusahan ang anak niyang si Julia na diumano’y third party sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Itinanggi ito ni Julia.

Ipinagtanggol din siya ni Gerald, na sinabing walang kinalaman si Julia sa paghihiwalay nila ni Bea.

Pero matinding pambabatikos ang tinamo ni Julia, sa puntong pati sina Marjorie at Dani ay nakipagsagutan sa social media sa maraming bashers/trolls.

Pagkalipas ng ilang buwan, nasangkot silang muli sa malaking kontrobersiya, na kinasangkutan ng mga kapatid ni Marjorie na sina Claudine at Gretchen.

May hidwaan si Marjorie sa dalawa niyang kapatid na magkakampi.

Nangyari ito sa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City, noong October 16, 2019.

Tinangka ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa burol, na pag-ayusin sina Gretchen at Marjorie, pero nauwi ito sa komosyon na kinasangkutan ng iba pang miyembro ng kanilang angkan.

Continue reading below ↓

At press time ay hindi pa naaayos ang kanilang hidwaan.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto (left): "I feel, like, when there is crisis, we’re calm, we face it right away. And then saka na kami magpa-panic. We just have to take charge right away of the situation." Julia Barretto (right) is her child who is active in showbiz.
PHOTO/S: YouTube (Marjorie Barretto)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results