Ellen Adarna has witty advice for someone ghosted by an ex

by Rachelle Siazon
May 28, 2020
Will Ellen Adarna say yes to an ex-boyfriend begging for a second chance?
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

Kuwela ang solusyon ni Ellen Adarna sa isyu ng ghosting.

"Ghosting" ang millennial term sa aktong bigla na lang hindi nakipag-usap o nagparamdam ang isang tao hanggang sa nawalan na ng komunikasyon.

Sa mga magkarelasyon, karaniwang senyales ito ng pagputol ng ugnayan.

Isang question sender ang dumulog kay Ellen hinggil sa ghosting.

Tanong nito: "Pano kung ung ex mo nagpaparamdam pa kahit sya naman nan ghost?"

Dedmahin na raw ang magulong ex, ayon kay Ellen.

Kuwelang payo ni Ellen, "Ghosts—they don't exist in a physical world.

"Huwag ka na mag-black magic. Huwag mo na buhayin ang patay.

"Let them stay in the their realm and pray for them."

Continue reading below ↓

Isa lang ito sa mga love advice ni Ellen sa kanyang masugid na followers sa Instagram kahapon, May 27.

IMPORTANCE OF SELF-WORTH

May nagtanong pa kay Ellen kung dapat bang bigyan ng second chance ang ex na nagmamakaawang makipagbalikan.

Sagot ni Ellen, ang totoong pag-ibig ay hindi dapat pinipilit.

"Tanang mga taong pugos for love and attention, wala silang self-worth. Why would you want to be with a person like that?"

May nagtanong naman kay Ellen kung "high-maintenance" girlfriend siya.

Sagot ng sexy star, "Arte ko. But I maintain myself."

Ayaw na ayaw rin daw niya iyong mga pa-victim sa isang sitwasyon.

May nagtanong kasi kung ano ang dapat ipayo sa mga taong "feeling victim."

Ani Ellen, "You can always tell them that it's sad that you're always the victim of your life and choices, and always feel sorry yourself. So you'll always be miserable."

Continue reading below ↓

Dati nang nasabi ni Ellen na mabilis siyang nag-move on sa mga dinanas niyang heartbreak.

Bibigyan lang daw niya ng "two weeks" ang sarili upang magmukmok, at pagkatapos ay back to her usual bubbly self na siya.

HOT STORIES

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Sa kasalukuyan, si Ellen ay nauugnay sa isang Spanish fellow na nagngangalang Carlos Lemus.

Unang ipinakita ni Ellen ang litrato nila ni Carlos nang magbakasyon ang sexy star sa Madrid, Spain, noong Enero.

Patuloy ang komunikasyon ng dalawa.

Pinadalhan pa ni Ellen ng virtual hug si Carlos sa 32nd birthday ng aktres noong April 2.

Kinabukasan, April 3, kinumpirma ni Ellen na "long-distance relationship" sila ng isang "afam" o foreigner.

Nakatakda sanang magbakasyon si Ellen sa Spain mula May 13 hanggang May 26.

Pero nakansela ang kanyang booked flights noon pang March 23 dahil sa COVID-19 pandemic.

CO-PARENTING WITH JOHN LLOYD

Huling nakarelasyon ni Ellen ay ang premyadong ABS-CBN star na si John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Kasabay nito ay naging media magnet na si Ellen.

Nasubaybayan ng publiko ang kanilang high-profile romance mula September 2017 hanggang sa napabalitang hiwalayan nila noong August 2019.

Isang source ang nagsabing may lamat na ang relasyon nina John Lloyd at Ellen bago pa ang first birthday ng anak nilang si Elias noong June 27, 2019.

Hanggang sa nagdesisyon silang mag-"co-parenting" sa anak nila.

Naiulat ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 5, 2019.

Makalipas ang halos siyam na buwan, kinumpirma ni Ellen na "co-parenting" na nga lang sila ni John Lloyd.

Inanunsiyo niya iyon sa comments section ng kanyang Instagram account noong April 28, 2020.

Ani Ellen, nasa poder niya ang anak na si Elias.

Pero "twice a week" daw ay nag-i-sleepover ang anak kasama ni John Lloyd.

Si John Lloyd ay nakabase sa Cebu mula pa nang mag-umpisa ang enhanced community quarantine noong Marso.

Kung anuman ang dahilan ng hiwalayan nina John Lloyd at Ellen, parehong tikom ang bibig ng dalawa.

Continue reading below ↓

Sabi lang ni Ellen, si "God" lang ang makakasagot kung ano ang nangyari sa kanila ni John Lloyd.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ellen Adarna say yes to an ex-boyfriend begging for a second chance?
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results