Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

GMA-7 writer Suzette Doctolero gets back at ABS-CBN comedian-radio host Ogie Diaz

by Arniel C. Serato
May 29, 2020
Suzette Doctolero (left): “Ogie, basa. Simulan mo na ring umihi sa salawal mo. Di mo nga mapagtanggol yang kompanya mo tapos may kapal ka pa ng fez na magpa blind item at manira." Ogie Diaz (right): "Antatanda nyo na para isubsob pa ang nakadapa nang kalaban ninyo imbes na ibangon nyo, kahit ibangon nyo lang. O kahit deadmahin nyo na lang kung ayaw nyong ibangon."
PHOTO/S: Facebook

“Huwag mo akong diktahan kung anong ipo-post ko.”

Ito ang parunggit ng GMA-7 creative writer na si Suzette Doctolero sa isang talent manager na hindi niya pinangalanan.

Base sa mga pahayag ng manunulat, ang tinutukoy niyang tao ay mula sa rival network na ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes ng gabi, May 28, kinastigo ni Suzette ang talent manager na gusto raw diktahan ang ipo-post niya sa kanyang social media account.

Ayon kay Suzette, normal lang na magkaroon ng magkakaibang opinyon kaya huwag daw dapat “pikon at bitter.”

Sabi niya sa tao ng ABS-CBN, “Napaka ironic na ‘yang 'nyetang freedom of expression ang binabandera ninyo pero pikon at bitter ka sa anumang dissenting opinion dyan sa inyong narrative na drama drama."

Ikinagalit ni Suzette ang tingin niya'y panlalait ng talent manager sa shows ng GMA-7.

Buwelta niya, wala raw inutang na pera ng gobyerno ang GMA-7 at maayos itong nagbayad ng buwis.

Continue reading below ↓

“Huwag mo ring kutyain ang mga shows namin.

“Yes, mas magastos nyong nagagawa ang inyo kasi ‘di kami nangungutang sa gobyerno o pera ng bayan tapos ipapa write off.

“Nah, di namin gawain yan. Wala kaming utang.

“Galing sa malinis na paraan ang pera ng kompanya ko kaya t*ngina, sobrang proud ako.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Tapos disente at honest na nagbabayad pa ng tax kaya sobrang wow!”

Hindi naman malinaw ang saloobin ng GMA-7 management sa naging istilo ng pagpuri ng writer sa sariling istasyon at ang istilo ng panlait nito sa kalabang istasyon na under fire ngayon.

Hindi ito ang unang banat ng veteran Kapuso writer sa Kapamilya network ngayong naka-shut down ang ABS-CBN.

Sa naunang Facebook post ni Suzette noong May 26, inulit nito ang mga sinabi ni Rodante Marcoleta, ang congressman at deputy House Speaker na kontra sa pagbigay ng bagong prankisa sa ABS-CBN.

Sa hearing sa Lower House noon ding May 26, kinumpara ng mambabatas ang binayarang buwis ng dalawang top networks gamit ang isang graph.

Continue reading below ↓

Ayon sa graph, noong 2017 ay nagbayad ang GMA-7 ng P1.09 billion, kumpara sa P421 million na ibinayad ng ABS-CBN.

Noong 2018 naman ay P1.08 billion ang binayarang tax ng GMA-7, samantalang hindi nagbayad ang ABS-CBN dahil ginamit ng network ang tax credits nito.


Sa ngayon, hindi pa tuwirang sinasagot ng ABS-CBN ang mga datos ni Marcoleta—isang miyembro ng PDP-Laban, na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte; at kilalang malapit sa Iglesia Ni Cristo, isang religious group na matagal nang may isyu sa Kapamilya network—tungkol sa mga binayarang buwis.

Ngunit makailang beses nang sinabi ng CEO at president ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak na walang reklamo sa kanilang taunang bayad ang Bureau of Internal Revenue, ang pangunahing ahensiya para sa pangongolekta ng buwis.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“AMBOBO AT CULTURALLY INSENSITIVE”

Sa pagpapatuloy ng Facebook post ni Suzette kagabi, ipinagmalaki niyang ang GMA-7 lamang daw ang nagpapakita ng matitinong palabas na may kaugnayan sa gender at history.

Saad niya, “Ipapamukha ko din sa iyo na Kami lang ang nagpapalabas ng matinong lgbt, historical at historical fiction soaps na hindi nilalait ng mga akademiko."

Ang LGBT ay acronym para sa Lesbian Gay Bisexual Transgender.

Kabilang sa mga tinutukoy ni Suzette na programa ng Kapuso network ay ang My Husband's Lover (2013) at Amaya (2011), kung saan siya ang chief writer.

Patutsada pa niya, “First and last time na gumawa kayo, kumusta ba?

“Hindi ba’t naghuramentado ang mga indigenous people?

“Nakatikim rin ng talak sa akin yung headwriter nun.

“Oh wait, manager ka nga pala nung main cast nun kaya no wonder, gigil ka sa akin.”

Ang tinutukoy ni Suzette ay ang ABS-CBN primetime series na Bagani (2018), na binatikos ng isang commissioner ng Commission on Higher Education dahil ito raw ay "culturally insensitive."

Continue reading below ↓

Dahil dito, nagkaroon ng social media squabble noon si Suzette at ang headwriter ng show.

Nakisali rin noon sa parinigan ang ABS-CBN comedian-radio host at talent manager na si Ogie Diaz.

Siya ang co-manager ng bida ng Bagani na si Liza Soberano.

Patuloy ni Suzette, “To be fair, magaling naman silang artista.

“Ambobo at culturally insensitve lang nung palabas.

“So huwag kang magyabang at manglait ha?”

Ilan sa mga dekalibreng katha ni Suzette sa telebisyon ay Encantadia (2005-2006), Amaya (2011-2012), My Husband's Lover (2013), The Rich Man's Daughter (2015), at Sahaya (2019).

HOT STORIES

“I DON’T MINCE WORDS”

Kasunod na inungkat ni Suzette ay ang problema ng ABS-CBN sa prangkisa.

Nagpaalam sa free-to-air television at radio ang ABS-CBN Corporation noong May 5, 2020, isang araw matapos mapaso ang 25-year legislative franchise nito.

Pagsunod ito ng network sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission, na kamakailan lang ay umamin sa senado na na-pressure sila dahil sa quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida, ang tumatayong abugado ng administrasyon.

Continue reading below ↓

Tuloy-tuloy si Suzette, “At ibabalik din sa iyo. Alalahanin, ‘di kayo perpekto. Kaya nga may mga kaso at issue now e ‘no?

“Pasensya na ha, i dont mince my words.

“Anyway, nakikiisa ako sa inyo sa totoo lang.”

Ayon pa kay Suzette, pumirma siya sa ABS-CBN online petition upang hikayatin ang mga mambabatas na #IbalikAngABSCBN sa ere.

“Atin atin lang ha pero pumirma din ako doon sa signature campaign ninyo.

“So Huwag kami ang awayin mo.

“Awayin mo ang kompanya mo kung bakit napunta kayo sa ganyang sitwasyon.

“Yan na lang muna.

“Ps. Huwag kang manakot ha. Mali iyan.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“JUST BE NICE”

Ngayong Biyernes ng umaga, May 29, diretsahan nang pinangalanan ni Suzette ang taong pinaringgan niya sa kanyang post kagabi.

Kahit hindi niya nilagyan ng apelyido, matutumbok na si Ogie Diaz ang kanyang tinutukoy.

Kalakip ng Facebok post ni Suzette ang link ng balitang galing sa ABS-CBN News na may titulong "Some SC applicants see little chance for ABS-CBN's petition vs NTC closure order."

Sa kanyang caption, nilinaw niyang binubuweltahan niya si Ogie sa "blind item" nito na siya raw ang tinutukoy.

Sa tila nakasanayang lenguwaheng kalye, sabi ni Suzette: “Ogie, basa. Simulan mo na ring umihi sa salawal mo.

"Di mo nga mapagtanggol yang kompanya mo tapos may kapal ka pa ng fez na magpa blind item at manira.

“Anong ikinagagalit mo ba? Wala naman kaming sinabi masama.

“Wait, masama bang sabihin ay bakit maliit ang tax na binayaran? Sana all.

"Maski kahit sinong taxpayer: Mapapa sana all naman talaga.”

Continue reading below ↓

Meron pang dagdag na mensahe si Suzette kay Ogie na di malaman kung nakikibeso o nananapak.

Sabi nito: “Mare, Di ito ang panahon para magparami ka ng mga kaaway.

"Ako? Sus, wala akong pake.

“Just Be nice. At Magiging nice din kami sa iyo.

“At least ako, titikom ang bibig ko. Kung nice ka.

“Kung walang pandemic, yayayain kitang magkape. Kwento kwentuhan lang. Seryoso.”

Continue reading below ↓

OGIE'S "BLIND ITEM"

Ang tinutukoy ni Suzette na "blind item" ni Ogie ay ipinost ng ABS-CBN comedian-radio host sa kanyang Facebook account kahapon, May 28.

Dalawang "inday" ang tinukoy ni Ogie sa kanyang post.

Kinastigo ng talent manager ni Liza Soberano ang dalawa dahil sa mga kuda raw ng mga ito "against ABS."

Sabi ni Ogie sa kanyang post: "Hayaan nyo nang dalawa sa kongreso ang isyu, mga inday.

"Mas mabuting pagandahin na lang ninyo ang inyong mga teleserye, lalo na at kayo muna pansamantala ang tanging inaasahan ng taumbayan na makakapagbigay ng entertainment sa kanila habang wala pa ang ABS-CBN sa ere.

"Andami nyong kuda against ABS, inaano ba kayong dalawa ng ABS, ghurl? Meron bang direktang sinabi against both of you ang ABS, mga ate? Tinira ba ng ABS ang istasyon nyo, teh?

"Me alam din naman ako sa inyong dalawa, pero sa panahon ngayon ng pandemya, hindi kailangan ng mamamayan ang mga kuda ninyo o malaman nila yung alam ko tungkol sa inyo.

Continue reading below ↓

"Di bale sana kung yang mga hanash ninyo ay considered parang lunas na bakuna sa covid-19. Makakatulong nga ba, ghurl?"

Pinaalalahan ni Ogie si Suzette na hindi kalakihan ang mundong ginagalawan nila.

Saad niya: "Liit lang ng industriya natin, mga atih. Kayo ang nandyan, ang ABS ay wala pa sa ere, kaya me dahilan ba para sa mga hanash ninyo?

"Meron bang dapat ika-insecure? Wala, di ba? Kami pa nga ang dapat mainggit sa inyo, di ba?

"Eh, kung lagi nyong pagtutuunan ng pansin ang ABS, eh paano nyo pa mapapaganda ang mga eksena nyo sa inyong mga teleserye na matagal nang nire-request ng audience nyo?"

Sinabi rin ng talent manager-TV host na kung nabaligtad ang posisyon nila ni Suzette, gugustuhin nitong magkaprankisa ang Kapuso network.

"Kunwari, kayo ang nasa posisyon ng ABS-CBN at naghihintay din kayo ng prangkisa, ako mismo, mas gusto kong mabigyan kayo, dahil iisipin ko din ang maraming mawawalan ng hanapbuhay at malawak na audience na umaasa din sa inyong programa."

Continue reading below ↓

Sinabi pa ni Ogie na matagal na silang lahat sa industriyang ito.

"Antatanda nyo na para isubsob pa ang nakadapa nang kalaban ninyo imbes na ibangon nyo, kahit ibangon nyo lang. O kahit deadmahin nyo na lang kung ayaw nyong ibangon.

"Unless, again, nasa buto nyo na talaga na maghangad ng di mabuti sa kapwa."

Paalala rin ni Ogie sa kanyang Facebook friends, "Sa mga nagtatanong kumbakit di ko binanggit ang mga names. Naku, alam naman nilang sila yung tinutukoy ko.

"Sa mga magko-comment, please be gentle. Don’t mention any names, I will just delete it.

"Pag nag-react sila, alam na.

"Kung nagti-tiktok siguro ang dalawang ito, malamang, me pinagkakaabalahan silang dalawa at hindi sila masyadong focused sa Kapamilya network."

Continue reading below ↓

Base sa reaksiyon ni Suzette, malinaw na isa siya sa pinarunggitan ni Ogie.

Posibleng gumawa ng "blind item" si Ogie dahil sa nabasa nitong pagkukumpara ni Suzette sa mga binayarang tax ng ABS-CBN at GMA-7.

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula kay Ogie sa pamamagitan ng text message ngayong araw.

Ngunit wala raw siyang reaksiyon sa post ni Suzette.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Suzette Doctolero (left): “Ogie, basa. Simulan mo na ring umihi sa salawal mo. Di mo nga mapagtanggol yang kompanya mo tapos may kapal ka pa ng fez na magpa blind item at manira." Ogie Diaz (right): "Antatanda nyo na para isubsob pa ang nakadapa nang kalaban ninyo imbes na ibangon nyo, kahit ibangon nyo lang. O kahit deadmahin nyo na lang kung ayaw nyong ibangon."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results