Are Sunshine, Donna, and Geneva on good terms with cousin Sheryl Cruz?

by Bernie V. Franco
May 29, 2020
geneva, donna, sunshine, sheryl cruz cousins
Cousins (L-R) Geneva, Donna, and Sunshine, and Sheryl Cruz. Fans ask if Sheryl is still at odds with her cousins after the three posted a group photo without her.
PHOTO/S: @genevacruzofficial and @officialsherylcruz on Instagram

“Where is Sheryl Cruz?”

Ito ang tanong ng marami matapos mag-post ng larawang magkakasama ang magpipinsang sina Sunshine, Geneva, at Donna Cruz.

Tanong tuloy ng publiko: may isyu ba ang tatlo sa pinsan din nilang si Sheryl?

Ang iba ay nagbanggit ng naging hidwaan noon sa kanilang pamilya.

Sina Sunshine, 42, Geneva, 44, at Donna, 43, ay kilalang singers at actresses na umalagwa ang mga career noong ‘90s.

Pero nauna sa kanila si Sheryl, 46, na nagsimula bilang child star noong late '70s.

Nananatiling aktibo sa pag-arte sina Sheryl at Sunshine.

Nakabase na ngayon si Donna sa Cebu kasama ang kanyang asawa't mga anak.

Hindi na ganoon kaaktibo si Geneva sa mainstream showbiz, pero nagpe-perform pa rin siya sa events.

Nakabase na siya sa U.S., pero kasalukuyang nasa Pilipinas ngayong may pandemic.

HOT STORIES

PICTURES WITHOUT SHERYL

Unang nag-post si Sunshine sa Instagram ng pictures niya kasama sina Geneva at Donna noong Huwebes, May 28.

Hindi nagtagal, nag-post din sina Donna at Geneva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa mga nagkomento ang naghahanap kay Sheryl.

Ang iba, nang-intriga na hindi raw kasundo ng tatlo si Sheryl.

Komento pa ng isa, hindi raw close si Sheryl sa tatlo. Hindi rin daw nagkokomento si Sheryl sa mga post nina Sunshine, Geneva, at Donna.

Ang ilan naman, binanggit ang dating isyu sa pagitan ng magpipinsan.

Narito ang ilan sa mga komento sa post nina Sunshine, Geneva, at Donna:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SUNSHINE, DONNA, and geneva SPEAK UP

Dahil sa mga haka-haka, sumagot sina Sunshine, Donna, at Geneva.

Nagdetalye si Donna kung saan kinunan ang larawan nilang magpipinsan.

Ayon kay Donna, sumabay siya sa asawang eye surgeon na si Yong Larrazabal, 51, nang lumuwas ito sa Maynila para sa isang convention.

Paliwanag ng dating singer-actress, published as is: “Itong picture namin na kami nila Shine and Gen naman nag mini reunion kami na timing may convention/trabaho si Yong

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"so naka bisita ako sa mga pinsan ko at free sila Shine and Gen nun at iba pa namin na cousins na kasabayan namin lumaki."

Ani Donna, hindi raw nakadalo si Sheryl sa pagkikita nilang iyon dahil abala ito.

Pagtatanggol ni Donna kay Sheryl, “Dami work din ni Ate She nung time na yan, so mahirap na maka request din so happy na lang na nandiyan sila Shine and Gen nun”

Sa komento ni Geneva, binanggit nitong 2016 kinunan ang mga larawan.

Diretsa ring sinagot ni Donna ang netizen na nagtanong kung maayos ba ang relasyon nina Sunshine at Sheryl.

Sabi niya, “ok sila, may chat group kami cousins and hintay lang reply ni Ate She para maka plan na ng song.”

Tila ang tinutukoy ni Donna ay ang song collaboration nila online.

Kamakailan ay nag-post na ng duet songs sina Sunshine at Geneva.

Binigyang-linaw naman ni Sunshine na tapos na ang isyu nila ni Sheryl.

Tugon ni Sunshine sa nagkomento: “I also answered you po sa account ko.

“We are all ok. Cruzes may not see each other often but we do respect each other.

“We are in talks with Ate Sheryl for another collaboration.”

Si Geneva naman, pinaliwanag na nakipag-ugnayan na sila kay Sheryl at hinihintay na lamang ang sagot nito.

Komento ni Geneva: “Guys we already talked to Ate Sheryl, next na yun… I mentioned sa photos. Thanks!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

not easy to bring them together

Sa mahabang paliwanag ni Donna, nilinaw niyang hindi madali ang magsama-sama sila lalo pa’t may kanya-kanya na silang buhay.

Aniya (published as is): “medyo hirap pagsamahin kasi malayo ako

"so pag magka chance sa Manila ako, kailangan ma tiyempuhan din na hindi sila busy para magkita kita

"kasi may sari-sariling buhay, pamilya at careers din mga kaibigan at cousins ko kaya problem minsan sabay kami lahat pagsamahin.”

Sa katunayan, nakasama ni Donna sina Sunshine at Sheryl sa cover ng isang fashion magazine noon pang November 2014.

Wala naman noon si Geneva.

“Dami din naghanap kay Gen nun and wala magawa kasi nag work siya dun and pinanganak ang baby girl niya dun (si London),” pagtukoy ni Donna sa six-year-old daughter ni Geneva.

donna cruz, geneva cruz, sunshine cruz

Nauunawaan daw nilang magpipinsan na marami ring ginagawa si Sheryl, pero sisikapin daw nilang mag-reunion.

Dagdag ni Donna (published as is): “Maybe pag mas safe na mag travel now, maka plan talaga ng reunion na kami lahat cousins, sana!

“But kahit mag effort kami, mahirap mamilit at mag expect kasi nga nakiki sabay lang din ako pag may work asawa ko sa Manila.

“Hindi talaga ganon kadali mapagsama-sama especially kung may malayo or busy sa trabaho.

“Super thankful and grateful na lang sa chance na nakasama ko, kahit sa hiwalay na pagkakataon sila Shine and Ate She at sila Shine and Gen.”

THE PAST ISSUE

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang Cruz cousins nang pumanaw ang ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte, sa cerebral hemorrhage, noong October, 3, 2001.

Sa U.S. na nakabase noon si Sheryl, pero hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon silang tampuhan ng ama bago pa man siya manirahan sa U.S.

Hanggang sa mailibing ang ama ay hindi nakauwi si Sheryl.

Ikinasama ito ng loob ng mga pinsan niyang sina Sunshine, Geneva, at Donna.

Pero kalaunan ay naayos ng magpipinsan ang kanilang tampuhan.

Sa katunayan, nagkasama pa sina Sheryl at Sunshine sa dating ABS-CBN teleseryeng Galema: Anak ni Zuma noong 2013.

Sa presscon ng naturang teleserye, naikuwento ni Sheryl na may bonding moments sila ni Sunshine noon sa set, gaya ng pagkanta.

Nagsalita rin si Sheryl noon sa pagkakaayos nila ni Sunshine.

sheryl cruz black dress

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Sheryl, “Everything is good between us now. We’ve put the past behind us and we’re moving forward.

"When we spoke with each other again, I told Sunshine that it was okay.

"Bad things were said because emotions were running high at that time … it’s hard to bite one’s tongue sometimes.”

THE CRUZ CLAN

First-degree cousins sina Sunshine at Sheryl dahil magkapatid ang kanilang mga ama.

Ama ni Sheryl ang aktor na si Ricky Belmonte, na ang tunay na pangalan ay Jesse Cruz.

Kapatid ni Ricky si Danny Cruz, ama ni Sunshine.

First-degree cousins naman sina Geneva at Donna.

Nakababatang kapatid ng ina ni Donna, si Yolly Cruz-Yrastorza, ang ama ni Geneva, si Boyet Cruz.

Pinsang buo naman ng mga tatay nina Sunshine at Sheryl ang ina ni Donna at ama ni Geneva.

Samakatuwid, second-degree cousins nina Geneva at Donna sina Sheryl at Sunshine.

Kabilang din sa kanilang angkan ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz.

Ang yumaong ina nina Rayver at Rodjun, si Beth Cruz, ay kapatid ng ama ni Sunshine.

Tiyuhin nila si Tirso Cruz III, na pinsan ng mga magulang nina Sunshine, Geneva, Sheryl, Donna, Rayver, at Rodjun.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cousins (L-R) Geneva, Donna, and Sunshine, and Sheryl Cruz. Fans ask if Sheryl is still at odds with her cousins after the three posted a group photo without her.
PHOTO/S: @genevacruzofficial and @officialsherylcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results