Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pasig City Mayor Vico Sotto, sang-ayon kay Presidente Duterte, pero...

by Rommel R. Llanes
May 29, 2020
Video: Summit Media Video Team.

Sa kanyang PEP Live interview kahapon, May 28, nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang naka-post sa kanyang official Facebook page nung May 26.

Posted doon ang quote card ni Pangulong Rodrigo Duterte na may caption naman ni Mayor Vico:

"Ano man ang mangyari, hindi natin puwedeng hayaan na mahuli ang mga mag-aaral natin sa mga pampublikong paaralan...

Continue reading below ↓

"We are already working with the Department of Education for any possibility for our students a) Resumption of classes b) Virtual classes

"In case of B we are preparing better internet connections at the barangay level where students can download the modules. (DepEd is doing module-development now but we will also assist as needed)

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Whether A or B, we are identifying funds for personal learning devices for students."

Sa interview ni Mayor Vico kay PEP Live host Rachelle Siazon, sinabi nitong sang-ayon siya sa sinabi ni Pangulong Duterte tungkol sa hindi muna pagbubukas ng klase.

Ang kaligtasan pa rin daw ng mga estudyante ang mahalaga.

Pero hindi siya sang-ayon na mahinto ang edukasyon ng mga estudyante.

Kaya sa kanyang post, nag-offer si Vico ng mga alternatibo sa traditional classes o face-to-face classes.

Sabi pa ng 30-year-old na alkalde, may mga paghahanda na silang ginagawa at nakikipag-usap na sila sa Department of Education (DepEd) sa mga puwedeng ipampalit sa traditional classes.

Continue reading below ↓

Tinitingnan nila ang posibilidad ng pamamahagi ng handouts, paggamit ng Internet para sa online learning, at pagtuturo sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

Para sa kanyang buong interview, i-click ito: PEP Live: Pasig City Mayor Vico Sotto on how he handles being compared to other public servants

Tila pareho naman ang gusto nina Mayor Vico at DepEd Secretary Leonor Briones.

Sa kabila ng pagsang-ayon ni Secretary Briones sa sinabi ni Presidente Duterte na huwag magbukas ang mga paaralan hangga't walang gamot sa COVID-19, hindi rin payag ang kalihim na mahinto ang pag-aaral.

DepEd Secreatary Leonor Briones

Continue reading below ↓

Sa online press briefing ni Pangulong Duterte at ng kanyang Gabinete kahapon, May 28, inilatag ni Secretary Briones ang plano ng kanyang departamento na gumamit ng mga alternatibong paraan para matuloy ang edukasyon ng mga estudyante.

Gagamit daw sila ng online learning, handouts, radio at TV instructionals.

Nagsabi naman ang Pangulo kay Secretary Briones na makakaasa ito ng suporta mula sa kanya at sa iba pang departamento ng gobyerno para matuloy ang mga plano ng DepEd.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results