Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kiray Celis proudly flaunts her "assets" to shame critics

by Arniel C. Serato
May 29, 2020
Kiray Celis posts: "PWET nalang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS.. Dami niyo pang sinasabi! Di nalang natin i-angat ang isa’t isa."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Lumikha ng ingay ang Instagram post ng komedyanang si Kiray Celis kahapon, May 28.

Agaw-pansin kasi sa larawang ipinost niya ang dalawang matambok na pisngi ng kanyang puwet.

Pero ang nais i-highlight ni Kiray sa kanyang post ay ang transparent bag para sa bago niyang alagang tuta.

Bahagi ng mensahe niya sa caption: “Flex ko lang yung super cool bag ng anak ko na si @biancothemaltese!

"Excited nako dalin siya sa mga taping at shooting ko soon.”

Continue reading below ↓

Pero mukhang mas nakaagaw-pansin ang matambok niyang puwet, na tumambad dahil sa napakaikli niyang shorts.

Dahil dito, may ilang pumuna sa 24-year-old Kapuso comedienne:

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

#PWETSERYE

Dahil sa mga batikos, kinagabihan ay palabang nag-post muli si Kiray ng mga larawan niyang kita uli ang puwet.

Ayon kay Kiray, ang puwet nga lang ang maipagmamalaki niya sa kanyang katawan.

Lahad niya, “Pag sexy, kahit magpakita araw araw ng dede.. OKAY LANG?

“Pag pwet ko, galit kayo? Korni niyo! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHA!”

Continue reading below ↓

Sana man lang daw, imbes na pagdiskitahan ang kanyang puwet, bakit hindi na lamang ito gawing basehan upang iangat ang self-confidence ng bawat isa.

Dagdag niya, “PWET nalang nga malaki sakin.

"Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS..

"Dami niyo pang sinasabi!

"Di nalang natin i-angat ang isa’t isa.

"Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh.

"Kasi imbes na suportahan niyo, lalaitin niyo pa.

"Kala mo ang peperfect nila! HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Diin pa ni Kiray, hindi siya magpapadala sa komento ng iba tungkol sa kanyang "asset" at hindi rin dapat magpadala ang iba sa sabi-sabi ng mga miron.

Pagtatapos niya: “Malaki man o malit, maitim man o maputi.

"Wala kayong pake kung anong ipopost ng bawat isa.

"Kung confident sila, bakit hindi?

"Kung dun sila masaya, bakit hindi?

"Hindi nila pinopost yun para mabastos sila.

"Pinopost nila yun kasi proud sila! :) Bawal lumabas!

"Pero hindi bawal maglabas ng pwet!

Continue reading below ↓

"Oh eto, MORE PWET PA PARA SAINYO! HAHAHAHAHAHA #PWETSERYE"

Samantala, ipinagmamalaki ni Kiray sa mga nauna niyang panayam na kahit wala raw siyang boobs at hindi raw siya kagandahan, may guwapo at mabait naman siyang boyfriend.

Ito ay walang iba kundi ang kanyang kababata at kapitbahay na si Stephan Estopia, 23.

Continue reading below ↓

Limang buwan na ang relasyon ng dalawa.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis posts: "PWET nalang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS.. Dami niyo pang sinasabi! Di nalang natin i-angat ang isa’t isa."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results