John Lloyd Cruz personally delivers vitamins to Cebu barangay 

by Jet Hitosis
May 30, 2020
Since 2017, John Lloyd Cruz has been a resident of Cebu, where ex-girlfriend Ellen Adarna and their son Elias are based.
PHOTO/S: PEP file, The Freeman on Facebook

Nag-donate si John Lloyd Cruz ng kahun-kahong gamot sa Cebu City.

Tinupad ng 36-year-old actor ang pangakong magbibigay siya ng vitamins para sa mga bata at COVID-19 frontliners ng Barangay Guadalupe.

RELATED STORY

Ipinost ng The Freeman, ang oldest daily newspaper ng Cebu, sa Facebook page nito ang mga litratong kuha ng photographer na si JM Marunong.

Makikitang nakasuot ng white T-shirt, black shorts, red cap, at surgical mask ang aktor nang i-deliver sa barangay hall ang kanyang donation.

Continue reading below ↓

Nakipag-groufie si John Lloyd sa mga taong naroon.

JOHN LLOYD'S FIRST VISIT

Bago nito, inilabas ng The Freeman noong April 29, 2020 ang ulat tungkol sa unang pagbisita ni John Lloyd sa barangay hall ng Guadalupe.

Ayon sa caption ng mga larawang ipinost, kinausap ni John Lloyd si Barangay Chairman Michael Gacasan, at tinanong kung ano ang maitutulong niya at ng ine-endorsong pharmaceutical company.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na ulat ng pahayagang Sun Star Cebu, sinabing nangako si John Lloyd na magbibigay ito ng vitamins para sa mga bata.

CEBUANO AT HEART

Ilang taon nang residente ng Barangay Guadalupe si John Lloyd.

Nananatili roon ang aktor para sa anak na si Elias Modesto.

Anak ni John Lloyd si Elias sa sexy actress at dating girlfriend na si Ellen Adarna, isang Cebuana.

Continue reading below ↓

Nagkalapit ang dalawa sa ABS-CBN weekly sitcom na Home Sweetie Home.

Noong October 2017, nag-indefinite leave sa showbiz si John Lloyd at sa Cebu na ito nanirahan.

Nobyembre ng parehong taon nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbubuntis ni Ellen.

July 2018 nang makumpirmang isinilang ng aktres si Elias.

August 2019 nang mapaulat ang paghihiwalay nina John Lloyd at Ellen.

Sa ngayon, co-parenting ang dalawa sa pagpapalaki kay Elias.

Ayon kay Ellen, twice a week ay natutulog si Elias sa bahay ni John Lloyd.

Magdadalawang taon na si Elias sa susunod na buwan.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Since 2017, John Lloyd Cruz has been a resident of Cebu, where ex-girlfriend Ellen Adarna and their son Elias are based.
PHOTO/S: PEP file, The Freeman on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results