Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ruby Rodriguez comments "kilala mo pa ba ako?" on Alden Richards' post; why?

by Nikko Tuazon
May 31, 2020
On May 27, Ruby Rodriguez (right) explains that her "kilala mo pa ba ako?" comment on Alden Richards' (left) Instagram selfie post is an "inside joke" among Eat Bulaga! hosts.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @rodriguezruby Instagram

Binigyang linaw ni Eat Bulaga! host Ruby Rodriguez ang komento nito sa isang post ni Alden Richards sa Instagram.

Nitong Miyerkules, May 27, nag-post ng selfie si Alden at sinabi sa caption na maggo-grocery ito.

Ilan sa followers ng actor ang nakapansin sa komentong iniwan ni Ruby: "kilala mo pa ba ako?"

Continue reading below ↓

Hindi malinaw sa followers ni Alden kung seryoso o nagbibiro si Ruby.

Isa sa mga ito ay direktang nagtanong kay Ruby, "why, has he not wished you well during your hospitalization? Or has he not reached out to you?"

Kamakailan kasi ay na-ospital si Ruby dahil sa stomach pain, at isa si Alden sa mga nangumusta sa komedyana.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Alden Richards

Continue reading below ↓

Nag-reply si Ruby. Pinaliwanag niyang inside joke ito ng mga Eat Bulaga! hosts kapag matagal na silang hindi nagkikita-kita.

Ani Ruby, "hahahahaha ano ba kayo, biruan namin lahat yun pagmatagal na di nagkikita. Ganyan lahat kami lalo na pag nag abroad. Meron pa do u still speak tagalog? [laughing emoji]."

Alden Richards

Continue reading below ↓

Sa Twitter, muling nilinaw ni Ruby na ang comment nito kay Alden ay biro lamang, na pinauso ng kapwa Eat Bulaga! host na si Joey de Leon.

Sabi ni Ruby, "Ano ka ba dondon! Ganon lagi batian namin pag matagal na hindi nagkikita. Lalo na pag nagbakasyon. Si Joey nagpauso nun kilala mo pa ba kami/ako? Dont put a bad light Magkatext kami! Natural lang namiss ko din sya. Ano ba [laughing emoji]"

Continue reading below ↓

Sa ngayon, patuloy naman ang recovery ni Ruby mula sa kanyang stomach pains. Nitong Martes, May 26, nakalabas na ang TV host sa Manila Doctor's Hospital matapos ma-confine ng ilang araw.

Sa isang Instagram post, sabi nito, "Finally out of the hospital! Still need 2 weeks of meds but Feeling so much better.

"All procedures [thumbs up emoji], hope nothing comes bad with biopsy.

"Anyhoo, coming home to this posted on my bedroom door made me think 1000x on getting better. Love you Aj you really know how to make me [crying and smiling emoji] at the same time!! [heart emoji]"

Si AJ ay ang teen son ni Ruby.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On May 27, Ruby Rodriguez (right) explains that her "kilala mo pa ba ako?" comment on Alden Richards' (left) Instagram selfie post is an "inside joke" among Eat Bulaga! hosts.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @rodriguezruby Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results