Apl.de.ap posts messages for KC Concepcion on Instagram Live 

by Rachelle Siazon
Jun 1, 2020
Apl.de.ap wants to send KC Concepcion a kitchen equipment after watching her fun cookout session with Judy Ann Santos on Sunday morning of May 31.
PHOTO/S: @apldeap / @reyrolle / @itskcconcepcion Instagram

Sa isang bihirang pagkakataon, isa si Apl.de.ap sa netizens na sumubaybay sa Instagram Live session ni KC Concepcion.

Si KC ay 35 years old, habang si Apl o Allan Pineda ay 45 years old.

Linggo ng umaga, May 31, nang magkaroon ng cookout session si KC kasama ng "best friend" niyang si Judy Ann Santos.

Nagpaturo si KC magluto ng seafood curry na isa sa specialty dishes ni Judy Ann.

Aminado si KC na "amateur" siya sa pagluluto.

Kung minsan ay natataranta pa siya sa pagsunod sa instructions ni Judy Ann na kilalang culinary expert.

Tuwang-tuwa naman si Apl sa pagpuna kay KC.

"Chef KC get it," komento ng The Voice Teens Season 2 coach sa comments section ng Instagram Live.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung nabasa ni KC ang message ni Apl dahil abala ang dalaga sa paglagay ng crabs sa pinapakuluang tubig.

Tila aliw na aliw naman si Apl sa panonood dahil napuna rin niya ang paggamit ni KC ng sandok para pipiin ang dahon ng tanglad.

Nabanggit ni KC na wala siyang tenderizer at marami pa siyang kulang na kitchen equipment sa kanyang condo unit.

Humirit naman si Apl na padadalhan niya si KC ng "tenderizer" para may magamit na ang dalaga sa susunod nitong pagluluto.

Sabi ni Apl, "I'm gonna send you a tenderizer."

Continue reading below ↓

DATING RUMORS

Bandang December 2019 umugong ang bali-balitang nauugnay sina KC at Apl.de.ap.

Pero parehong tikom ang bibig ng dalawa ukol dito.

Noong October 2019, nakunan ng litrato ang dalawa sa Poppy, isang exclusive club sa Los Angeles, California.

Ipinost pa iyon ni KC sa kanyang Instagram account.

Caption noon ni KC, "Started the week quite right with this awesome guy (who makes Monday feel like Friday!)"

Nitong taong 2020, nagbalik-telebisyon sa Pilipinas si Apl para sa ABS-CBN reality show na The Voice Teens Season 2, na umere noong February 8.

Tila nagkaroon muli ng pagkakataong magkita sina KC at Apl, base sa litrato nila sa isang restaurant na kumalat sa social media noong March 2.

Pero nasa Los Angeles na muli si Apl, base sa live performance nito kasama ng grupo niyang Black Eyes Peas noong May 16.

PAST COURTSHIP

Minsan nang nanligaw si Apl kay KC noon.

Taong 2009 unang napabalitang "crush" ni Apl si KC. Hindi pa sila personal na magkakilala noon.

Continue reading below ↓

January 2011 nang sa wakas ay nagkita ang dalawa habang nasa Pilipinas si Apl.

Sa ulat ng Showbiz News Ngayon noong January 3, 2011, naikuwento ni KC na niyaya siya ni Apl na magkape kasama ng mga kaibigan nitong taga-U.S.

Sabi noon ni KC, "Matagal na din niya akong tina-try na ma-contact.

"So far, it was really nice na mayroon kaming bagong friendship. Nag-meet na kami finally."

Makalipas ang ilang araw, kinumpirma ni KC sa The Buzz na binigyan siya ng Tiffany bracelet bilang "Christmas gift" ni Apl.

Lumipas ang higit dalawang taon, noong April 2013, inamin naman ni Apl na dati siyang nanligaw kay KC.

Base sa ulat ng ABS-CBN News Online, noon, nabanggit ni Apl na medyo huminto lang daw siya pagti-text kay KC nang malamang niyang may nobyo ito.

Pero nanatiling magkaibigan pa rin daw ang dalawa.

SINGLE KC

Sa ngayon, bukas si KC sa pagsasabing siya ay single.

Continue reading below ↓

Nabanggit pa niya sa kanyang Instagram Live noong Linggo ang ilang katangiang hinahanap niya sa isang potential boyfriend.

Matamis ang ngiti ni KC habang sinasabing, "Gusto ko ng romantiko, magaling mag-express. Gusto ko yung dini-date ako, nagluluto, tapos sweet."

Huling nakarelasyon ni KC ay ang French filmmaker-businesman na si Pierre Emmanuelle Plassart.

Higit-kumulang isang taon ang itinagal ng magkasintahan, bago ipinahiwatig ni KC na hiwalay na sila noong July 2019.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apl.de.ap wants to send KC Concepcion a kitchen equipment after watching her fun cookout session with Judy Ann Santos on Sunday morning of May 31.
PHOTO/S: @apldeap / @reyrolle / @itskcconcepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results