SolGen Jose Calida hits Coco Martin during ABS-CBN franchise hearing

by Arniel C. Serato
Jun 1, 2020
Solicitor General Jose Calida on Coco Martin's tirades against him: "He feels that he can solve problems the same way as he solves them on screen with macho bluster and bravado. Allegedly he has apologized for his tantrums.”
PHOTO/S: Courtesy: www.osg.gov.ph / File

Binalikan ni Solicitor General Jose Calida ang mga artista ng ABS-CBN na nagsalita kaugnay sa pagsasara ng kanilang home network.

Ito ay inungkat ni Calida sa kanyang opening statement sa ABS-CBN franchise hearing sa Kongreso ngayong Lunes, June 1.

Bago magtapos sa kanyang halos 30-minutong talumpati, pinasaringan ni Calida ang Kapamilya stars.

Kabilang sa mga artistang naglabas ng saloobin patungkol sa ABS-CBN shutdown ay sina Kim Chiu, Angel Locsin, Vice Ganda, at Coco Martin.

Ito ay dahil sa malasakit nila sa network na kinabibilangan at sa mga empleyado at talents na maaapektuhan ang kabuhayan.

Continue reading below ↓

Pero iba ang interpretasyon dito ni Calida.

Aniya, ginamit ng mga artistang ito ang social media para impluwensiyahan ang kanilang mga tagahanga upang lituhin ang isyu at mangalap ng suporta para sa ABS-CBN.

Sabi ni Calida, “For the past few days ever since ABS-CBN supposedly went off the air, their stars and celebrities have taken to social media to rail against what they perceive to be oppression on the part of the government.

“In desperation, they would want to use their influence over their multitudes of fans to muddle the issue and drum up support for their network.”

Sa dami ng mga artista ng Kapamilya network na nagsalita, pinuntirya ng abugado ng administrasyong Duterte ang Ang Probinsyano actor na si Coco.

Ito ay dahil sa marubdob na paghahayag ng aktor ng kanyang nararamdaman, at dahil si Coco rin ang direktang nagpangalan sa mga opisyales ng gobyerno na may kinalaman sa pagsasara ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Saad ni Calida, “One of the more prominent stars who spoke against the government is Coco Martin.

“He said in a social media post addressed to me that and I quote, 'Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.'"

Ang mga katagang nabanggit ng SolGen ay sinabi ni Coco sa #LabanKapamilya Facebook Live noong May 8.

COCO ON DEFENDING ABS-CBN

Matapang na dinepensahan ni Coco ang ABS-CBN laban sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa kanyang home network.

Hindi raw maintindihan ni Coco kung bakit sa gitna ng pandemya ay saka ginigipit ang ABS-CBN.

Kung tutuusin daw ay handa ang ABS-CBN na harapin ang Kongreso kung ano man ang kailangan para mabigyan ng panibagong 25-year franchise ang network.

Bahagi ng himutok ni Coco noon: “Kasi kung mananahimik tayo, aabusuhin tayo!

"Para tayong batang kinotongan, at pagkatapos kapag nagkita kayo, anong expect natin?

Continue reading below ↓

"Kasi ito na yung pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho! Anong iniingatan natin?!

"Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako nang patayan sa 'yo! Kahit patayin niyo pa ako!"

Ang NTC ang naglabas ng cease and desist order laban sa network noong napaso na ang prangkisa nito last May 5, 2020.

Noong February 10, 2020, si SolGen Calida ang nagsampa sa Korte Suprema ng quo warranto petition na naglalayong makansela ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa hearing ng Senado noong May 28, 2020, inamin ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na ang nakabinbing quo warranto petition laban sa ABS-CBN ang dahilan kung bakit ipinasara ng NTC ang network.

HOT STORIES

CALIDA ON COCO: “I WOULD HAVE CALLED HIS BLUFF AND MAKE HIM EAT HIS WORDS.”

Pinuna rin ni Calida ang isa pang sinabi ni Coco laban sa kanya.

Nakarating daw kay Calida ang sinabi ng aktor na, “Maraming salamat Solicitor Joe Calida at sa bumubuo ng NTC sa kontribusyon ninyo sa ating bayan.

Continue reading below ↓

“Tinarantado ninyo ang mga Pilipino.”

Inihayag iyon ni Coco sa Instagram post niya noong May 5 ng gabi, ilang oras matapos magsara ang ABS-CBN.

Binasa ni SolGen Calida sa pagdinig sa Kongreso ang bahagi ng Instagram post na iyon ni Coco.

Sabay buwelta ni Calida sa 38-year-old star, “He feels that he can solve problems the same way as he solves them on screen with macho bluster and bravado.

“Allegedly he has apologized for his tantrums.”

Diin ng Solicitor General, “Coco Martin’s outburst showed a clear lack of understanding of the situation.”

Kung hindi lang daw siya top-ranking government official ay kakasa raw si Calida sa hamon ni Coco.

Tila paghahamon pa niya, “If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words.”

Sa Miyerkules, June 3, muling magdadaos ang Kongreso ng pagdinig tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solicitor General Jose Calida on Coco Martin's tirades against him: "He feels that he can solve problems the same way as he solves them on screen with macho bluster and bravado. Allegedly he has apologized for his tantrums.”
PHOTO/S: Courtesy: www.osg.gov.ph / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results