Solicitor General Jose Calida to ABS-CBN: "The end is near."

by Jet Hitosis
Jun 1, 2020
Solicitor General Jose Calida: "ABS-CBN is motivated not by service but by greed and desire for power and influence. Their brazen act must come to an end. The hour of reckoning may have been delayed, but it now has come.”
PHOTO/S: @SolGenCalida on Twitter, Jerome Ascano

Hindi kinokontra ni Solicitor General Jose Calida ang Kongreso sa usapin ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Ito ang unang nilinaw ni Calida sa pagdalo niya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara tungkol sa ABS-CBN franchise renewal ngayong Lunes, June 1.

Ang paliwanag ng Solicitor General ay kaugnay ng alegasyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na na-pressure ang National Telecommunications Commission (NTC) kay Calida kaya ipinasara ng komisyon ang network matapos mag-expire ang prangkisa nito.

May 3, isang araw bago mapaso ang franchise, nagbabala si Calida na maaaring makasuhan ng graft ang mga opisyal ng NTC kung papayagang mag-operate ang ABS-CBN.

Nangako kasi ang komisyon sa Senado at Kamara na maglalabas ng provisional authority para makapag-broadcast pa rin ang network kahit mag-expire ang prangkisa nito sa May 4.

Pero pagsapit ng May 5, nagbaba ang NTC ng Cease and Desist Order at ipinasara ang lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

RELATED STORY

“I am not at loggerheads with Congress,” bungad ni Calida sa kanyang opening statement sa House hearing.

“I only cautioned NTC of its possible encroachment on the legislative power if it issues a provisional authority without a law authorizing such action.

“I never mentioned the name of Speaker Cayetano and any congressman in my advisory letter to the NTC or in any of my subsequent press releases.”

CALIDA REFUSES TO ANSWER QUESTIONS ABOUT ABS-CBN CASES

Dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng video conferencing app na Zoom, nilinaw rin ni Calida sa Kamara na hindi siya maaaring magsalita tungkol sa dalawang kaso ng ABS-CBN na nakabimbin ngayon sa Supreme Court (SC).

Ang mga ito, aniya, ay ang quo warranto petition na inihain niya sa SC, at ang petition for certiorari and prohibition na isinampa ng ABS-CBN laban sa NTC.

February ngayong taon nang maghain si Calida ng quo warranto upang hilingin sa Korte Suprema na bawian ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa iba’t ibang paglabag.

Continue reading below ↓

Katuwiran ni Calida, ang pagsasalita niya tungkol sa mga detalye ng quo warranto ay labag sa sub judice rule.

Ang sub judice rule ay ang paglilimita sa mga pahayag at komento tungkol sa judicial proceedings upang maiwasang maimpluwensiyahan ang korte sa magiging pasya nito.

May 7 nang naghain ng certiorari case ang ABS-CBN upang kuwestiyunin ang Cease and Desist Order ng NTC.

Hiling ng network na magpalabas ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO) sa shutdown na iniutos ng komisyon.

Bilang Solicitor General—o lawyer ng gobyerno—si Calida ang abogado ng NTC sa kasong ito.

At ang pagkokomento niya, ayon kay Calida, ay labag naman daw sa kanyang Code of Professional Responsibility bilang abogado ng komisyon.

HOT STORIES

SOLGEN STANDS BY ACCUSATIONS VS ABS-CBN

Sa House hearing, nanindigan si Calida na ang ABS-CBN “has committed too many violations which went unnoticed and unpunished."

Muling binanggit ng Solicitor General ang paglabag umano ng ABS-CBN Convergence, Inc. sa pag-aalok ng pay-per-view nang walang permiso ng NTC.

Continue reading below ↓

Ang ABS-CBN Convergence ang telecommunications unit ng kumpanya, at nag-o-operate sa ABS-CBN TV Plus.

Inulit din ni Calida ang tungkol sa pag-iisyu umano ng network ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa mga dayuhan.

Aniya, ang PDRs “grant beneficial ownership over the underlying ABS-CBN Corporation shares.”

Ito raw, ani Calida, ay pasok sa batas ng “foreign equity restriction,” na nagtatakda na ang isang media entity ay dapat na 100 percent na pagmamay-ari ng Pilipino.

Para sa Solicitor General, mainam na binubusisi ngayon ng Kamara ang mga alegasyong ito laban sa ABS-CBN.

Ito raw ay para matukoy kung karapat-dapat na bigyan ang network ng panibagong 25-taong franchise to broadcast.

Matagal na raw kasing pinapaniwala ng ABS-CBN ang publiko na ang network ay "In the service of the Filipino," ayon kay Calida.

Pero ang motivation daw ng ABS-CBN ay “not service but by greed and desire for power and influence.”

Anang Solicitor General: "For decades now, ABS-CBN has been deceiving the Filipino people.

Continue reading below ↓

“Their brazen act must come to an end.

“The hour of reckoning may have been delayed, but it now has come," aniya.

Para sa mensahe niya sa ABS-CBN, hiniram ni Calida ang isang linya sa sikat na classic song ni Frank Sinatra na “My Way.”

Sinabi ni Calida sa ABS-CBN: “I could hear now the voice of Frank Sinatra resonates… ‘And now, the end is near.'"

Karamihan ng mga alegasyon ni Calida ay nasagot na ng pamunuan ng ABS-CBN, at ilan sa mga ito ay nilinaw na mismo ng mga ahensiya ng gobyerno.

RECOMMENDED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solicitor General Jose Calida: "ABS-CBN is motivated not by service but by greed and desire for power and influence. Their brazen act must come to an end. The hour of reckoning may have been delayed, but it now has come.”
PHOTO/S: @SolGenCalida on Twitter, Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results