Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

ABS-CBN personalities-turned-lawmakers rally behind network franchise renewal

by Arniel C. Serato
Jun 1, 2020
(From left) Representatives Vilma Santos-Recto, Sol Aragones, and Loren Legarda convey their sponsorship messages to their colleagues during the network's franchise hearing at Congress today, June 1, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: Vilma Santos-Recto, Congresswoman Loren legarda on Facebook) / @iam_sol_aragones on Instagram

Iginiit ng mga mambabatas na may-akda ng 12 franchise renewal bills para sa ABS-CBN na mahalagang mabigyan ng panibagong prangkisa ang istasyon.

Apat sa kanila ay naging bahagi ng ABS-CBN: sina Vilma Santos-Recto ng Batangas 6th District, Sol Aragones ng Laguna 3rd District, Joy Myra Tambunting ng Parañaque City 2nd District, at Loren Legarda ng lone district ng Antique.

VILMA SANTOS-RECTO

Ayon kay Santos-Recto, may akda ng House Bill 4305, isa nang institusyon ang ABS-CBN.

Malaki rin daw ang naging ambag ng Kapamilya network sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga trabahong naibigay nito sa ating mga kababayan.

Saad ng multi-awarded actress, "Just for the record, ABS-CBN has been an institution when it comes to television, radio broadcasting, and other areas of communication.

"And most specially in the field of public service.

"Mahabang panahon na po silang nagsi-serbisyo sa paghahatid po ng balita at impormasyon at saya sa publiko.

"Likewise ABS-CBN helped in the economy in creating opportunities by giving employment to 11,000 people."

Continue reading below ↓

Ikinalulungkot daw ng Star for All Seasons na naapektuhan ang kabuhayan ng mga empleyado at talents ng ABS-CBN ngayong off-the-air ang istasyon.

Kahit walang naging regular show sa ABS-CBN, karamihan sa ginawang pelikula ni Vilma ay mula sa Star Cinema, ang film arm ng kumpanya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

HOT STORIES

SOL ARAGONES

Inalala naman ni Aragones, may akda ng House Bill 3947, ang kanyang pagiging bahagi ng ABS-CBN may 20 taon na ang nakalilipas.

Nakita raw niya ang maraming nagawang kabutihan ng network sa bansa.

Saad niya, “There’s one thing I can never forget, ABS-CBN was not only interested in reporting the news, but it went above and beyond the obligations of a broadcast network by helping those in need no matter how few they may be, no matter how far they may be.

“Truly, simply, ABS-CBN stood for them as it stand for now in the service of the Filipino.”

Continue reading below ↓

Apela pa niya sa mga kasamahan sa Kongreso: “Alam kong nauunawaan niyo po ang pinanggagalingan ko bilang isang dating empleyado ng istasyon.

“Umaasa po ako na hindi dito matatapos ang kuwento ng ABS-CBN.

“As a representative of the Filipino, in the service of the Filipino, I proudly sponsor the grant of franchise to ABS-CBN.”

Si Sol ay naging reporter ng ABS-CBN News.

Nagsilbi rin siyang segment host ng mga programang Salamat Dok at Alas Singko Y Medya.

HOT STORIES

JOY TAMBUNTING

Si Tambunting, may akda ng House Bill 3713, naging pioneer siyang empleyado ng network pagkatapos ng EDSA 1986 People Power revolution.

Malaki raw ang naging tulong ng network sa kanyang buhay.

Sinusuportahan daw niya ang layuning mabigyan muli ng prangkisa ang istasyon, para na rin sa milyong mga Pilipino na dumedepende sa ABS-CBN para sa impormasyon at entertainment.

Saad niya, “My mentors in ABS-CBN taught me a lot about work.

“The value of work, hard work, respect for work, accuracy at work, love and respect for co-workers, and most of all, the dignity of work from God.

Continue reading below ↓

“These lessons help me mold me into of what I am today.

“I will never, never forget that.”

HOT STORIES

LOREN LEGARDA

Nais din ni Legarda, na nag-akda ng House Bill 6293, na mabigyan muli ng prangkisa ang istasyon.

Sabi niya sa kanyang talumpati, may mga isyu raw na ibinabato sa ABS-CBN at mayroon ding mga papuring ipinaabot sa istasyon.

Nais daw niyang mabigyan ito ng kasagutan upang malinawan ang lahat.

Sabi ng mambabatas, “Having been part of this news organization from 1986 to 1998 before I became a senator, those were the years that formed a great part of my life, which I cherished.

“I stand for the corporation’s 11,000 employees and more, composed of the rank and file, talents, professionals, my previous coworkers, who are facing uncertainty with regard to their jobs and sources of income and livelihood at this worst possible time as we face the COVID-19 pandemic.

“Let us all help them and let us help the industry.”

Continue reading below ↓

Ilan sa mga tumatak na programa ni Legarda sa ABS-CBN ay ang The World Tonight at The Inside Story.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Representatives Vilma Santos-Recto, Sol Aragones, and Loren Legarda convey their sponsorship messages to their colleagues during the network's franchise hearing at Congress today, June 1, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: Vilma Santos-Recto, Congresswoman Loren legarda on Facebook) / @iam_sol_aragones on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results