Megan Young, Mikael Daez confess they have lied to each other many times

by Bernie V. Franco
Jun 3, 2020
megan young mikael daez close up
Mikael Daez to wife Megan Young: "I’m so sure that I have lied to you more than you have lied to me."
PHOTO/S: PEP.ph

Umamin ang mag-asawang Megan Young, 30, at Mikael Daez, 32, na guilty sila sa pagsisinungaling sa isa’t isa, lalo na noong mga unang taon ng kanilang relasyon.

Sabi ni Megan, hindi na nga mabilang kung ilang beses siyang hindi nagsabi ng totoo kay Mikael.

“Yes, many times,” pangungumpisal ng actress-beauty queen.

Pero kalimitan daw ay nalalaman ni Mikael kapag nagsisinungaling si Megan, dahil siya raw ang “worst liar in the world.”

Sabi ng former Miss World, “I tell Mikael a lot of little lies, but then it’s always obvious.”

Kinatigan ito ni Mikael, na sinabing madaling mahalata kay Megan kapag hindi ito nagsasabi ng totoo.

Hindi raw kasi makatingin nang diretso at nag-iiba ang tono ng boses ng aktres.

Nagsinungaling na rin ba si Mikael kay Megan?

“Oh, yes. More than you lied to me.

"I’m so sure that I have lied to you more than you have lied to me,” pag-amin ni Mikael, na ikinagulat ni Megan.

Continue reading below ↓

Tinalakay ng dalawa ang paksa tungkol sa pagsisinungaling ng magkarelasyon sa kanilang YouTube podcast noong Linggo, May 31, 2020.

HOT STORIES

MIKAEL CITES THE MOMENTS HE LIED TO MEGAN

Idinetalye ni Mikael ang maraming pagkakataong hindi niya ipinaalam ang totoo kay Megan.

“Maybe it’s not lying, but I didn’t get to tell you the whole truth.

“I’m not completely sure if it’s lying,” pakli ng aktor.

Maraming pagkakataon daw na lumabas si Mikael na may ibang mga kasama, at hindi niya ipinaalam kay Megan.

Kuwento ni Mikael sa asawa, “There have been many times where, maybe, you’re at work or you’re at home and I’m in a separate place, and I tell you, ‘Okay, I’m just here in this place.’”

Si Mikael daw ang tipong madaling yayain, kaya’t hindi siya nagdadalawang-isip na sumama sa mga kaibigan at kapamilya kapag niyayang lumabas.

“And I end up going out and drinking. Just hanging out with my friends.

Continue reading below ↓

“You did not know about that. And that’s basically the situation that happened many, many times.”

megan young mikael daez close up

Tinukoy ni Mikael na ang isyung ito ang madalas pag-awayan ng ibang magkarelasyon.

Ito ang katuwiran ni Mikael sa isyu, “For me, however, there was no malice in not saying [where I am all the time.]

Continue reading below ↓

“I think there needs to be a line drawn between lying and not having to tell you every single step that I take in my life.”

Sabi ni Megan, hindi siya galit kay Mikael dahil may tiwala siya sa asawa.

Pero giit ng aktres, mahalagang ipaalam sa karelasyon ang kinaroroonan.

“In certain situations, it would be nice to know, just in case something happens, I know where you are.

“For me, it’s more about safety rather than trust issue. I don’t have any trust issue."

May ginawa naman bang mabigat na pagsisinungaling si Mikael kay Megan?

“I have not lied to you in a very, very long time.

“In the past handful of years, I don’t think I have ever lied to you about something major or risky,” sabi ni Mikael.

Sina Megan at Mikael ay sampung taon nang magkarelasyon.

ikinasal sila noong January 2020.

MEGAN’S LITTLE WHITE LIES

Sa kaso ni Megan, marami raw siyang ginagawang “little white lies” kay Mikael.

Continue reading below ↓

Karamihan dito ay mga to-do list ng aktres, na ipaaalala ni Mikael, gaya halimbawa ng mga taong kokontakin o errands.

Kapag tatanungin daw siya ni Mikael kung nagawa na nito ang dapat gawin, sasabihin daw ni Megan na nagawa na niya ito kahit hindi pa.

At saka pa lang siya kikilos para asikasuhin ito.

Ani Mikael, ito ang ugali ni Megan na hindi niya nagugustuhan.

Noong mga unang taon daw nila ay inunawa ito ni Mikael, subalit nang tumagal ay naging isyu ito sa kanilang pagsasama.

Pag-amin ni Megan, “It was a constant problem that Mikael and I have had in the years of our relationship.

“It’s really me covering up mistakes with white lies. These things add on.”

Bagamat hindi na raw ito kasing dalas ng dati, ang “white lies” na ito ni Megan ay paraan niya para pagtakpan ang kanyang mga pagkakamali.

Reaksiyon ni Mikael, “You’re covering up for yourself and I’d rather you just say, ‘I’m so sorry, I forgot again. At least, I’m going to do it right now.’

Continue reading below ↓

“At least, I see accountability from your end.

Dugtong niya, “I don’t believe in white lies because it hinders both of you from growing.”

megan young mikael daez youtube

Aminado si Megan sa pagkakamaling ito.

“I’m used to white lies as a defense mechanism...

“Instead of growing some balls to accept the mistakes that I made, pinagtatakpan ko yung mali ko ng isa pang mali.”

Continue reading below ↓

Sabi ng mag-asawa, ang mga ganitong usapan ay malaki ang naitutulong para sa ikabubuti ng bawat isa at ng kanilang pagsasama.

“The truth does hurts but it gives you the opportunity to get better,” ani Mikael.

HOT STORIES

Alam mo ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here: https://bit.ly/PEPBotQuiz

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikael Daez to wife Megan Young: "I’m so sure that I have lied to you more than you have lied to me."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results