Vice Ganda answers clueless Twitter user who asked: "Bakit hindi ka vocal about sa isyu ng ABS-CBN?"

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2020
Is Vice Ganda really not vocal about supporting ABS-CBN amid the network's franchise issue?
PHOTO/S: Noel Orsal

Isang Twitter user ang nagtanong kay Vice Ganda kung bakit hindi raw "vocal" ang comedian-TV host tungkol sa kinahaharap na isyu ng ABS-CBN.

Buong katanungan nito: “Last na tanong bakit ndi ka vocal about sa isyu ng ABSCBN San ganyan ka rin para ipagtanggol ang network! #IbalikAngABSCBN”

Sa pamamagitan din ng tanong sinagot ng 44-year-old It's Showtime host ang katanungan ng netizen.

Continue reading below ↓

Aniya: “Ang sagot ko po sa tanong nyo ay tanong din.

“Nabasa nyo po ba lahat ng tweets ko?

“Nakita nyo po ba lahat ng ig posts ko?

“Nawatch nyo po ba ung latest youtube vlog ko?”

Hindi na sumagot ang nagtanong sa litanya ni Vice.

HOT STORIES

VICE ON ABS-CBN SHUTDOWN: "ANG LUPIT!"

Mukhang hindi updated ang netizen sa pagtatanggol at panawagan ni Vice na muling maibalik sa ere ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Mula nang ipasara ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN noong May 5, isa si Vice sa Kapamilya stars na unang naglabas ng pahayag.

Mensahe niya sa Twitter noong May 5: “Di lang ang network at ang mga empleyado ang kawawa kundi ang buong bansa at lahat ng Pilipinong napagkaitan ng kailangang kailangang serbisyo sa oras na ito ng pandemya. ANG LUPIT!”

May 7, ibinahagi ni Vice sa Twitter ang palitan nila ng text messages ng inang si Rosario Viceral.

Nag-aalala raw kasi ang kanyang ina sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN.

Bukod dito, marami pang pagkakataong naglabas ng kanyang hinaing si Vice sa sinapit ng ABS-CBN.

Noong May 26, pinasaringan ni Vice si SAGIP Party-list Congressman Rodante Marcoleta matapos gamitin ng mambabatas ang video ng kanyang biro noon kay Pastor Apollo Quiboloy.

Noong Lunes, June 1, nagpasalamat naman si Vice sa mga kongresistang naghayag ng suporta sa pagbibigay muli ng legislative franchise sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Samantala, magandang balita naman para sa mga tagahanga ng It’s Showtime.

Magbabalik na raw ito sa ere kahit wala pang bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Ayon sa usap-usapan, posibleng sa Teleradyo muna ito mapapanood sa mga susunod na araw.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Vice Ganda really not vocal about supporting ABS-CBN amid the network's franchise issue?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results