Detach Video
#JunkTerrorBill sigaw ng netizens at local celebs; pati si Taylor Swift!
Jun 4, 2020

Sa kabila ng mga mas obvious na problema ng bayan, ipinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasabatas ng House Bill 6875 sa Kongreso.

Kilala rin ang batas na ito bilang Anti-Terrorism Bill.

Dahil dito, marami ang sumita at nagreklamo kung bakit mas inuna pa ito kaysa talakayin ang kasalukuyang health crisis na dulot ng COVID-19, mass testing, at problema sa transportasyon.

Bumaha ang social media ng paglalabas ng sama ng loob ng mga mamamayan, kasama na rito ang mga kilalang personalidad.

Nakadama naman ng tuwa at pag-asa ang mga nagsusulong ng kampanya na ibasura ang Anti-Terrorism Bill—na may hashtag na #junkterrorbill—nang pati ang international pop star na si Taylor Swift ay sumali sa kampanya.

Nanghikayat ang "Love Story" singer sa mga tao na makialam at sumuporta sa ilang mga importanteng isyu sa mundo, kasama na ang pagbabasura ng kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill.

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results