Andrea Torres asked if she's pregnant with Derek Ramsay's child

by Rachelle Siazon
Jun 4, 2020
On May 31, Andrea Torres gives boyfriend Derek a warm hug during his visit at her family home. The Kapuso couple haven't seen each other for more than two months because of ECQ.
PHOTO/S: @andreaetorres Instagram

Nagulat si Andrea Torres sa tanong ng isang netizen kung siya ba ay nagdadalangtao.

Ito ay matapos ibahagi ni Andrea ang litrato nila ng boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Mahigpit na magkayakap ang magkasintahan matapos ang matagal na hindi pagkikita dala ng ipinatupad na quarantine protocols sa Metro Manila.

"My little piece of heaven," caption ni Andrea sa Instagram post niya noong May 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang follower niya ang naglakas-loob na nagtanong kung buntis si Andrea.

Sabi nito, "Pregnant ka daw?!"

Mabilis na pinabulaanan ito ng Kapuso actress.

Nagulat man, tinawanan na lang ni Andrea ang isyu.

"Woah! Haha. Hindi po," reply ni Andrea kalakip ng smile emoji.


HOT STORIES

DEREK DISMISSES HIS BASHER

May isa namang kritiko ni Derek ang kumuwestiyon sa intensiyon ng aktor kay Andrea.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw ito naniniwalang aabot sa kasalan ang relasyon ng magkasintahan.

Sabi ng kritiko (published as is), "he doesnt have plans of marrying anyone cause he's already married to his TOYS @andreaetorres ..think m right."

Hindi ito pinalampas ni Derek.

Sana raw ay "masaya" ang basher sa tinuran nito. Nag-send pa ang Kapuso actor ng clapping hands emojis.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEREK VISITS ANDREA

Going strong sina Derek at Andrea mula nang kumpirmahan nilang sila na noong October 2019.

Pati kani-kanilang pamilya ay suportado ang relasyon nila.

Noong May 15, bukas si Derek sa pagsasabing nami-miss na niya si Andrea.

Nag-post pa siya sa Instagram ng litrato nila ni Andrea at nagsabing magkikita rin sila "soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa binisita nga ni Derek si Andrea sa bahay ng dalaga noong May 31.

"Missed you," saad ni Derek sa Instagram post ng aktres.

Balik-sagot ni Andrea, "Missed you too my baby! Thanks for visiting us."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On May 31, Andrea Torres gives boyfriend Derek a warm hug during his visit at her family home. The Kapuso couple haven't seen each other for more than two months because of ECQ.
PHOTO/S: @andreaetorres Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results