Ken Chan unhurt in minor car accident in Quezon City

by Arniel C. Serato
Jun 4, 2020
Ken Chan decides not to file complaint against van driver who hit his SUV: "Hindi po pumasok sa isip ko na magsampa ng kaso dahil sa totoo po niyan, sobrang naaawa ako kay tatay na nakabangga po sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @akosikenchan on Instagram / 24 Oras

Nasangkot sa isang minor accident ang minamanehong sports utility vehicle (SUV) ng Kapuso actor na si Ken Chan kahapon, June 3.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nangyari ang insidente sa Timog Avenue, kanto ng Panay Avenue, Quezon City.

Nabundol ng isang L300 van ang likurang bahagi ng Mitsubishi Montero ng 27-year-old actor.

Continue reading below ↓

Walang tinamong sugat si Ken, pero sugatan ang driver at ang sakay na pahinante ng van.

Ayon sa aktor, mabagal lamang ang kanyang takbo dahil traffic sa lugar.

Nagulat na lamang daw siya nang may biglang bumangga sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis sa lugar ng insidente.

Ayon sa imbestigador, walang pananagutan si Ken sa aksidente dahil siya ang biktima.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, ang iniisip ng aktor ay ang nagmamaneho ng nakabanggang van.

Katunayan, wala raw siyang planong magsampa ng reklamo.

Sabi ni Ken sa 24 Oras, “Hindi po pumasok sa isip ko na magsampa ng kaso dahil sa totoo po niyan, sobrang naaawa ako kay Tatay na nakabangga po sa akin.

"Sana maayos ang lagay niya, at sana hindi masyadong malala yung mangyari sa kanya kasi nagtatrabaho rin po yung tao.”

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan decides not to file complaint against van driver who hit his SUV: "Hindi po pumasok sa isip ko na magsampa ng kaso dahil sa totoo po niyan, sobrang naaawa ako kay tatay na nakabangga po sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: @akosikenchan on Instagram / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results