Alessandra de Rossi defends Heart Evangelista from hater

by Jet Hitosis
Jun 6, 2020
Alessandra de Rossi (left) on Heart Evangelista (right): “Napakadaming ng natutulugan at napapasaya nya. Mga simpleng bagay, pero sa sobrang dami, ay hindi na rin simple yun.”
PHOTO/S: @msderossi, @iamhearte on Instagram

“Paramihan nalang ng gawa kesa paramihan ng kuda."

Ganito hinamon ni Alessandra de Rossi ang haters ng kaibigan at kapwa aktres niyang si Heart Evangelista.

Ipinagtanggol ni Alessandra, 35, si Heart, 35, matapos aminin ng huli sa isang tweet ngayong Biyernes ng umaga, June 5, na sobra itong naapektuhan sa pambabatikos ng isang netizen.

Dalawang magkasunod na araw kasing na-bash ang actress-fashion icon ng nabanggit na netizen, isang babae.

Una, nagkomento ito ng hindi maganda sa Instagram post ni Heart nitong Martes, June 2.

Sa post, makikitang suot ng social media influencer ang isang fashion personal protective gear na designed ng iniendorso niyang clothing brand.

Gumamit si Heart ng #TheNewNormalwithLoveMarie sa post niyang ito.

Love Marie ang tunay na pangalan ng aktres.

Continue reading below ↓

Komento ng netizen, “distasteful and out of touch” daw ang kahulugan ng “new normal” para kay Heart.

Dapat daw na gamitin ni Heart ang impluwensiya nito "to do something relevant," kaysa mag-upload ng mga "problematic" na hashtags at posts.

RELATED STORY

SPREADING HATE THROUGH HEART?

Nitong Miyerkules, June 3, ni-retweet ng netizen ang screenshot ng binatikos niyang Instagram post ni Heart.

Kalakip din dito ang screenshot ng negatibong komento niya sa aktres.

Sa nabanggit na tweet, ipinupunto ng babae ang issue ng racism na sentro ng mga kilos-protesta ngayon sa Amerika.

Pero ang post ni Heart ang ginamit ng netizen na halimbawa ng isang “out of touch privileged, in the context of race and class” sa Pilipinas.

Sa pagkakataong ito, umalma na si Heart.

Ni-retweet niya ang post ng netizen, at sinabi rito na, “Using my image to create hate is wrong.”

Sa parehong tweet, inamin ni Heart na sobra siyang nasaktan sa ginawa ng Twitter user.

Continue reading below ↓

Dalawang araw na raw kasi siyang binabatikos ng babae.

Paliwanag ni Heart, art at fashion ang mga paraan niya sa pagpapahayag ng sarili.

Wala naman daw siyang ginagawang masama, giit ni Heart.

Mensahe ni Heart sa Twitter user (published as is):

“YOU have caused me so much sadness.

“I honesty don’t know what to do about myself.

“2 days you’ve been at it.

“I express myself through my art and fashion.

“I have not done anything wrong.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ALESSANDRA RUSHES TO HELP

Kaagad na sumaklolo si Alessandra sa matalik na kaibigan.

Sa tweet ni Alessandra, nakiusap siya sa netizen na tantanan na si Heart.

Depensa niya, maraming natutulungan at napapasaya si Heart, lalo na ngayong may coronavirus pandemic.

Sa “sobrang dami” raw ng naaayudahan ni Heart, hindi na iyon matatawag na simpleng pagtulong lang.

RELATED STORY

Tweet ni Alessandra: “Huy. Tigilan nyo si Heart.

“Napakadaming ng natutulugan at napapasaya nya.

“Mga simpleng bagay, pero sa sobrang dami, ay hindi na rin simple yun.”

Sana raw ay ma-appreciate ng publiko ang kanyang kaibigan.

“Tulungan nyo rin syang maging sya.”

Biro pa ni Alessandra tungkol kay Heart: “Hinahayaan ko syang kutuhan yung mga stray dog na nirerescue nya.

“Eh malakas trip nya.

“Gets ko sya! [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Alessandra ay ang pagiging animal lover ni Heart.

Bukod sa pagiging aktres, fashion icon, visual artist, vlogger, at humanitarian, isa ring animal rights advocate si Heart.

Siya ang celebrity spokesperson ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

RELATED STORY

“PARAMIHAN NA LANG NG GAWA KESA KUDA”

Sa patuloy na pagtatanggol sa kaibigan, hinamon ni Alessandra ang hater ni Heart na magbilangan sila ng mga kabutihang nagawa ni Heart.

Aniya, “Paramihan nalang ng gawa kesa paramihan ng kuda.

“Keri? Keri.”

Ayon sa aktres, walang naidudulot na mabuti ang panlalait sa kapwa.

Ang mahalaga raw, ayon kay Alessandra, ay nakakatulong si Heart sa ibang tao.

“Walang naitutulong yung mga lait nyong pa-deep at pa-intelligent kung hanggang kuda lang yung iba.

“At least Heart is doing something for someone!

“She walks the talk... In her heels.. And you... You.. the hell! [woozy face, victory hand, heart emojis]”

Continue reading below ↓

Matagal nang malapit na magkaibigan sina Heart at Alessandra.

Kaibigan din nila ang isa pang aktres na si Lovi Poe.

Naging best of friends sina Heart, Lovi, at Alessandra nang magbida silang tatlo sa GMA-7 teleserye na Legacy noong 2012.

Bridesmaids din sina Alessandra at Lovi nang ikinasal si Heart kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero noong February 15, 2015.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi (left) on Heart Evangelista (right): “Napakadaming ng natutulugan at napapasaya nya. Mga simpleng bagay, pero sa sobrang dami, ay hindi na rin simple yun.”
PHOTO/S: @msderossi, @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results