Lauren Young hits back at DJ Loonyo’s fans for calling her “mataba, laos”

by Arniel C. Serato
Jun 6, 2020
Lauren Young to bashers calling her "laos": "HINDI KO PO GUSTO SUMIKAT. I act because it pays my bills not because I crave for your fucking approval."
PHOTO/S: Courtesy: Lauren Young on Facebook

Na-bash nang husto si Lauren Young sa pagpahayag niya ng kanyang opinion tungkol sa social media personality na si DJ Loonyo.

Ipinost niya ang isa sa mga ito sa kanyang Twitter account noong June 4.

Sabi niya sa caption: "WAAAH GONNA CRY MYSELF TO SLEEP IM SO SCARED OMG MY CAREER IS OVER OMG WHO AM I OH NOOOOO"

Continue reading below ↓

Sagot niya sa ilang nagkomento rito: "HAHAHA THEY REALLY THINK IM SCARED OR GIVE A FUCK NOH HAHHA"


Sinabihan din siya ng ilang mga tagahanga ni Loonyo na “laos, artista lang, hindi ka jojowain niyan” at kung anu-ano pa.

Ibinahagi naman niya sa kanyang tweet ngayong araw, June 6, ang mga salitang ito na ibinato sa kanya.

Continue reading below ↓

Katulad na lamang ng “Laos ka naman.”

Na ang sagot naman niya rito ay: “HINDI KO PO GUSTO SUMIKAT.

“I act because it pays my bills not because I crave for your fucking approval."

May nagsabi namang “Artista ka pa naman” na ang intensyon marahil ay ipaalala sa kanya na maging halimbawa sa iba at tumahimik na lang.

Pero sagot niya rito: “So magbabait baitan ako? Wala akong opinyon dapat?”

May nagsabi ding, “Di ka jojowain niyan”

Natatawang pahayag ni Lauren sa nagsabi nito: “THANK GOD!!! Porket babae ako crush ko siya? ASA KAYO.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“BODY SHAMING IS SO 2019”

May iba pang hindi nakuntento na pati ang kanyang katawan ay napagdiskitahan din.

Pero buwelta ng 26-year-old star, “Oo mataba ako! Ano ngayon???

"Did I make statements that could possibly influence my followers to think the wrong way because I had incorrect information while oozing with confidence?

“NO. Tse. Kainin ko kayo eh.”

Thing of the past na raw ang pamamahiya sa isang tao tungkol sa kanilang katabaan.

Buwelta niya, “Body shaming is so 2019.

Read a fucking book and grow up people.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CRITICIZING LOONYO

Nag-ugat ang pag-bash kay Lauren ng fans ng social media personality nang direkta niyang sabihang “bobo” si Loonyo sa kanyang tweet noong June 4.

Hindi raw kasi katanggap-tanggap ang tinuran nito sa isang video tungkol sa pagsusuot ng face mask.

Sa nasabing video, iginiit ng dancer-choreographer ang kanyang pagdadalawang-isip sa kaligtasan sa matagal na pagsusuot ng ordinary face mask.

Mahigpit kasing tagubilin ng gobyerno ngayon na ang pagsusuot ng face mask at physical distancing bilang safety measures upang hindi kumalat ang COVID-19.

Sabi ni Loonyo, “Itong mask na ‘to, ang daming tanong sa utak ko, like, ano ba talaga yung tamang gawin?

“Walang makakasagot. Ikaw lang talaga.

“Pero sang-ayon ako dun na the more you wear the mask, na nakaganun parati,” nagmuwestra ang dancer ng pagtakip sa mukha.

“Kumbaga, parang ini-inhale mo yung sarili mong utot.”

Dagdag pa niya, “Kaya mo nga nilalabas yun, e, kaya mo nga nilalabas yun kasi hindi kailangan ng katawan mo yun.”

Continue reading below ↓

Sabi ni Lauren sa kanyang tweet, “Omg i just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah??”

“Flat earther” ang tawag sa mga taong naniniwalang flat ang mundo.

May mga sumang-ayon naman kay Lauren sa kanyang opinion.

Wala pang pahayag si Loonyo sa tweet ni Lauren.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lauren Young to bashers calling her "laos": "HINDI KO PO GUSTO SUMIKAT. I act because it pays my bills not because I crave for your fucking approval."
PHOTO/S: Courtesy: Lauren Young on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results