Mariel Rodriguez responds to netizen’s pregnancy comment: “MATABA LANG”

by Jet Hitosis
Jun 9, 2020
TV host-vlogger Mariel Rodriguez gave birth to Gabriela in November 2019. Gabriela is Mariel's youngest daughter with husband, actor Robin Padilla. They also have a three-year old daughter, Maria Isabella.
PHOTO/S: Mariel Padilla on YouTube

Napagkamalang “buntis uli” ang TV host-vlogger na si Mariel Rodriguez.

Halata ang gulat sa tono ng nagkomento sa latest vlog ni Mariel, 35, na in-upload nitong Linggo, June 7.

November 2019 lang kasi nanganak si Mariel sa bunso niyang si Maria Gabriela.

Ang "quarantine 5th month birthday" ni Gabriela ang tampok sa latest vlog ni Mariel.

Ipinakita sa vlog ang pagre-repack ni Mariel ng relief goods kasama ang kanyang mga kasambahay.

Dahil naka-quarantine pa rin, minarapat ng pamilya ni Mariel na i-celebrate ang "fifth month" ni Gabriela sa naiiba at makabuluhang paraan.

"The milestones of my kids are always celebrated," isinulat ni Mariel sa kanyang vlog post.

"With the ECQ we had to adjust everything but it ended up being more meaningful."

Namahagi sila ng food packs bilang bahagi ng selebrasyon ng pinakabatang miyembro ng kanilang pamilya.

Asawa ni Mariel ang aktor na si Robin Padilla, 50.

Bukod kay Gabriela, anak din nina Robin at Mariel si Maria Isabella, tatlong taong gulang.

Continue reading below ↓

“MATABA LANG”

Sa YouTube nag-comment ang netizen, pero sa Instagram Stories siya sinagot ni Mariel nitong Lunes, June 8.

Gamit ang screengrab sa isang bahagi ng vlog, ipinost ni Mariel ang screenshot ng komento ng YouTube user.

Comment ng netizen (published as is): “Buntis uli c Mariel hala!”

Itinanggi ng TV host-vlogger na nagdadalantao siya.

Ginawang caption ni Mariel ang sagot niya sa netizen:

“Hindi ba pwedeng MATABA LANG kailangan ba buntis na agad?”

Continue reading below ↓

“THERE IS A TIME FOR EVERYTHING”

Sa isa pang post sa Instagram Stories, ibinahagi ni Mariel ang komento ng isa pang YouTube user.

Kung pinuna ng isa ang kanyang timbang, nagpaabot naman ng suporta at paghanga sa It’s Showtime host ang second commenter.

Bilib daw ito sa pagiging “amazing mom” ni Mariel, dahil sa pagpapa-breastfeed kay Gabriela.

“U don’t care if tumaba ka as long as u nourish ur child,” sabi ng netizen kay Mariel.

Sagot ng TV host-vlogger: “There is a time for everything.

“Now is for Gabriela (heart eyes emoji].”

Continue reading below ↓

MARIEL VS BODY-SHAMERS

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinuna ng netizens ang post-pregnancy weight ni Mariel.

Sa cooking vlog niya nitong May 3, inunahan na ni Mariel ang body-shamers na inaasahan niyang magkokomento na naman tungkol sa kanyang timbang.

Sinabi ni Mariel sa teaser ng vlog: “Bago ang lahat, gusto ka lang sabihin, 'O, magko-comment na naman kayo diyan, 'Ang taba. Hala, ang laki na niya.'

“O, ako na ang nagsasabi. Okay? Happy? Mataba? Okay na?

“O, alam na nating dalawa, makaka-move on na tayo,” sabi ni Mariel.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-vlogger Mariel Rodriguez gave birth to Gabriela in November 2019. Gabriela is Mariel's youngest daughter with husband, actor Robin Padilla. They also have a three-year old daughter, Maria Isabella.
PHOTO/S: Mariel Padilla on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results