Former actress Lilia Dizon, mother of Christopher de Leon, passes away at 90

by Jojo Gabinete
Jun 15, 2020
Post-war actress Lilia Dizon passed away Monday morning, June 15. Lilia is the mother of dramatic actor Christopher de Leon.

Muling nabahiran ng lungkot ang local entertainment industry dahil sa pagpanaw ng post-war actress na si Lilia Dizon, 90.

Si Lilia, Claire Strauss sa tunay na buhay, ang ina ng magkakapatid na Pinky, Christopher, Melissa, Corazon at Toni.

Sumakabilang-buhay si Lilia dahil sa cancer ngayong Lunes ng umaga, June 15, o limang araw matapos pumanaw sa edad na 95 ang kapwa niya aktres na si Anita Linda.

Ang bunsong anak ni Dizon na si Toni Abad ang nagkumpirma tungkol sa paglisan ng kanyang ina sa Facebook post niya ngayong umaga.

Mensahe niya: "The angels are rejoicing! Mom is now worshiping our Lord Jesus Christ not by faith, but by sight.

"She is now with our father God in heaven.

"No more pain, no more tears, no more suffering, She left us at exactly 8:20 this morning.

"I’m posting this with much sorrow because I will miss her.

"I love you Mom! Rest In Peace in the hands of our creator."

Continue reading below ↓


Nagsimula noong 1946 ang acting career ni Lilia nang ipakilala siya sa Probinsyana, ang pelikulang pinagbidahan nina Carmen Rosales at Jose Padilla Jr.

Ang Bathaluman ang isa sa mga hindi malilimutang pelikula ni Dizon noong 1952 sa LVN Pictures.

Noong 1954, siya ang nanalong best actress sa Asia- Pacific Film Festival sa Cambodia dahil sa pagganap niya sa Kandelerong Pilak, ang pelikula ng direktor at National Artist na si Lamberto Avellana.

Continue reading below ↓

Ang Kandelerong Pilak ang unang movie assignment ni former President Joseph Estrada at unang pelikulang Pilipino na ipinalabas sa Cannes Film Festival noong 1954.

Si Lilia ang gumanap na ina ni Christopher sa Tinimbang Ka Ngunit Kulang, ang 1974 critically-acclaimed launching movie ng kanyang anak na mula sa direksiyon ni Lino Brocka.

Mahigit sa limampu ang pelikulang ginawa ni Lilia mula 1946 hanggang 2007.

Bago siya binawian ng buhay, napanood pa ni Lilia ang mga get well-soon video greeting sa kanya nina Vilma Santos, Elizabeth Oropesa, Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Boots Anson Roa, Luz Valdez, Ronaldo Valdez, Ricky Davao, Imelda Ilanan, Pilita Corrales, Nova Villa, Marita Zobel, Bibeth Orteza, at Gloria Romero.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Post-war actress Lilia Dizon passed away Monday morning, June 15. Lilia is the mother of dramatic actor Christopher de Leon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results