Ellen Adarna claps back at netizen who said the actress is getting old

by Bernie V. Franco
Jun 11, 2020
Ellen Adarna on netizen's comment that she is getting old: “Hindi naman yan calculus level problem solving kinda thinking…. Right?"
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram

Tinabla ni Ellen Adarna ang ilang netizens na nagsabing tumatanda na raw siya.

Noong nakaraang linggo, nag-post ang 32-anyos na sexy actress ng series of photos niya.

Maiksing caption ni Ellen: “Post Light Workout Churvaloo”

Isang follower ni Ellen ang nagkomento: “shes getting old [sad face emoticon]”

Sagot dito ng prangkang aktres, lahat naman daw ay tumatanda.

Continue reading below ↓

Buong komento ni Ellen: “We all are getting old every second … even you… #commonsense”

HOT STORIES

ELLEN ON GROWING OLD

Isa pang follower ni Ellen ang na-offend sa pagsagot ni Ellen sa naunang netizen.

Pero burado na ang banat ng second netizen laban sa aktres.

Gayunpaman, mahihinuhang ipinagtanggol ng second netizen ang first netizen na nagsasabi lang ito ng totoo sa komentong tumatanda na si Ellen.

Continue reading below ↓

Tila sinabihan din niya si Ellen na "g na g" o galit na galit matapos masabihang tumatanda na.

Dumepensa si Ellen.

Paliwanag niya: “girl.. yyy.. girlygirl… I was also telling the truth.. stating a fact that we all grow old every second… common sense lang naman diba?

“Hindi naman yan calculus level problem solving kinda thinking…. Right?

“so? Whats wrong? Why are u so offended?

“I dont see growing old as negative by the way that’s your interpretation, not mine.”

Ipinagtanggol din si Ellen ng isang supporter at binuweltahan ang second netizen.

Komento ng supporter, hindi porket artista ay hindi na marunong masaktan kapag pinuna.

Wala rin daw masama sa reply ni Ellen na tatanda ang lahat ng tao.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Samantala, sumagot din si Ellen sa isang supporter na sinabihan siyang maganda.

Sabi ni Ellen, wala nang nangangarag sa kanya “kaya fresh na ulit.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Ellen Adarna, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on netizen's comment that she is getting old: “Hindi naman yan calculus level problem solving kinda thinking…. Right?"
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results