Chito Miranda calls out "fan" for hate message to Senator Kiko Pangilinan

by Bernie V. Franco
Jun 17, 2020
chito miranda kiko pangilinan close up
Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda (left) to "fan" who posted hate message against Senator Kiko Pangilinan (right): “Pero isipin muna natin yung mga sinasabi natin... sinasabi mo pakamatay na sila ng anak nya? Tama ba?"
PHOTO/S: YouTube (Chito Miranda) / Facebook (Kiko Pangilinan)

Kinastigo ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ang isang netizen na nagpakilalang "fan" niya dahil sa hate message nito laban kay Senator Kiko Pangilinan.

Nitong weekend, nag-post si Pangilinan, 56, sa Instagram ng screenshot na naglalaman ng hate message ng "fan" ni Chito.

Kalakip nito ang reply ng senador.

Ito ang nilalaman ng mensahe ng basher kay Pangilinan (published as is):

“Pakamatay kn kiko ng matapos na problema mo sa governo isama mo n yung anak mong c frankie.”

Si Frankie, 19, ang panganay sa tatlong anak ng senador sa asawang si Sharon Cuneta, 54.

Very vocal si Frankie sa pagpapahayag ng opinyon sa mga political issues sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang sagot, sinabi ni Pangilinan na gagawa siya ng hakbang laban sa netizen dahil sa nakababahala nitong komento.

Mahinanong pahayag ng senador: “I re-report ikaw at ang account mo for hate speech.

“Bawal yan.

Continue reading below ↓

“Magingat sa mga iligal na post sa social media. Fyi.”

Caption ni Pangilinan: “Hetong hate speech na ito dapat nire-report.

“Hindi dapat hinahayaan ang mga bitiw na salita na naguudyok ng pananakit o pagpapatay.”

“Instagram kumilos kayo.”

HOT STORIES

CHITO MIRANDA SCOLDS “FAN”

Napakomento sa post ng senador si Chito, 44, dahil nabahala rin siya sa hate message ng netizen.

Continue reading below ↓

Mensahe ng singer para sa senador: “Grabe! [surprised face emoji] report natin kuya”

Kinastigo rin ni Chito ang netizen na nagpakilalang "fan" ng vocalist ng bandang Parokya ni Edgar.

Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin ang netizen sa kanyang “idol” na si Chito.

Kapansin-pansin ding pinalitan ng netizen ang kanyang name handle at profile photo.

Continue reading below ↓

Bagamat malumanay ang sagot ni Chito, matapang ang kanyang paalala sa “fan.”

Saad niya: “wag ka naman kups, parekoy. We all want what’s best para sa Pinas.

“Oks lang mag-disagree kay Sen Kiko kung di ka sang-ayon sa mga ginagawa nya para sa Pinas.

“Pero isipin muna natin yung mga sinasabi natin…

“sinasabi mo pakamatay na sila ng anak nya?

“Tama ba? May lugar ba yun ganung pag-iisip sa mundo natin kung ang nais mo lang din naman ay pagandahin ang Pinas?”

Continue reading below ↓

Sumagot ang netizen.

Nagdahilan itong nadala lang siya sa mga pro-administration na galit din kay Senator Pangilinan, na kilalang kritiko ng current administration.

Humingi rin ng sorry ang netizen sa senador.

Humirit pa ang netizen na nagpapasalamat siya at napansin siya ng kanyang "idol."

Reply ni Chito: “kung may gusto ka ipaglaban, ipakita mo na matino kang tao…para mas pakinggan ka. Peace, parekoy.”

Patuloy ang paghingi ng paumanhin ng netizen kay Chito, pero maraming netizens ang kumastigo sa naunang komento ng fan.

Nakikipagsagutan pa ang fan sa ibang netizens, pero binalaan siya sa mga reklamong puwedeng isampa laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Samantala, nagpasalamat si Senator Pangilinan kay Chito sa pagtatanggol nito sa kanya.

Napakomento rin ang dating aktres na si Beth Tamayo at ang pamangkin ni Senator Kiko na si Hannah Pangilinan dahil sa nakababahalang komento ng netizen.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda (left) to "fan" who posted hate message against Senator Kiko Pangilinan (right): “Pero isipin muna natin yung mga sinasabi natin... sinasabi mo pakamatay na sila ng anak nya? Tama ba?"
PHOTO/S: YouTube (Chito Miranda) / Facebook (Kiko Pangilinan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results