Trina Candaza ribs Carlo Aquino about how he looks like in the morning

by Rachelle Siazon
Jun 18, 2020
Kapamilya actor Carlo Aquino and non-showbiz girlfriend Trina Candaza share a light moment as they begin the day together.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram

Nagtuksuhan ang magkasintahang Carlo Aquino at Trina Candaza tungkol sa hitsura ng aktor pagkagising sa umaga.

Si Trina ang non-showbiz girlfriend ng Kapamilya actor.

Sa Instagram Story ni Trina ngayong Huwebes, June 18, nagbahagi siya ng video ni Carlo habang nasa loob ito ng kuwarto.

Makikitang seryoso ang mukha ng aktor at tutok na tutok sa kung anumang ginagawa nito.

Tila nakapuwesto naman si Trina sa gawing pintuan at saka kinuna si Carlo.

Caption ng post ni Trina, "Aga aga nakanguso @jose_liwanag."

Continue reading below ↓

Natawa naman si Carlo, na ni-repost ang Instagram Story ni Trina.

Ganun din naman daw ang hitsura ng dalaga sa umaga.

Hirit ng 35-year-old actor, "Ako lang nakanguso sa umaga?"

Bihira lang magbahagi si Carlo ng mga aktibidades nila ng kanyang girlfriend na si Trina.

HOT STORIES

initial SIGHTINGS

Pero going strong ang relasyon nila mula nang isapubliko ni Carlo ang tungkol sa kanilang relasyon noong October 2019.

Continue reading below ↓

Nagkakilala sina Carlo at Trina bago gawin ng aktor ang pelikulang Exes Baggage, na pinagtambalan nila ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Ilang buwang naputol umano ang komunikasyon ng dalawa.

Hanggang sa noong unang linggo ng January 2019, lumutang ang mga litrato nina Carlo at Trina na nagbabakasyon sa La Union.

Naungkat din ng netizens ang isang litrato nina Carlo at Trina na kumakain sa isang restaurant noong October 2018.

PAST ISSUE

Ipinagtaka ito ng ibang fans dahil noong panahong iyon ay nauugnay sina Carlo at Angelica sa isa't isa.

Nauwi sa hidwaan ang pagkakaibigan ng dalawang Kapamilya stars matapos almahan ni Angelica ang umano'y pagpapaasa ni Carlo.

Kinalaunan ay inamin ni Carlo na nagkamali siya at humingi ng tawad kay Angelica.

Pero nanatiling malayo na ang loob ni Angelica.

OVERCOMING STRUGGLES

Umani ng batikos si Carlo dahil marami sa mga tagasuporta nila ni Angelica ay bigo sa pag-asang magkakabalikan sila.

Continue reading below ↓

Pero itinuloy ng aktor ang pagtatangi niya kay Trina, sa paniniwalang hindi niya na hawak kung anuman ang opinyon ng ibang tao.

"Kahit nga wala kang gawin, may hate, e, may bash. So, bakit mo iisipin yung ibang tao kung masaya ka? Di ba?"

Sinabi ito ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters noong September 2019.

Sa hiwalay na ulat ng PEP.ph noong February 27, 2020, inamin ni Carlo na nakita na niya kay Trina ang babaeng gusto niya makasama habambuhay.

Paglalarawan niya sa nobya, "Iba yung outlook siguro sa buhay. Mas magaan."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Carlo Aquino and non-showbiz girlfriend Trina Candaza share a light moment as they begin the day together.
PHOTO/S: @trinacandaza / @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results