Detach Video
This Week In Showbiz: "Pumatay" kay Charice Pempengco, hinanap!
Jun 22, 2020

FLASHBACK TO: June 17 to 21, 2017, ito ang mga balitang showbiz na gumulantang sa lahat.

FROM CHARICE TO JAKE

NOON: Matapos ng hiwalayan nila ng girlfriend na si Alyssa Quijano, binura lahat ni Charice Pempengco ang mga larawan nito sa kanyang sariling Instagram account.

Kasabay nito, pinalitan na rin ni Charice ang kanyang pangalan.

Ipinakilala na niya ang sarili sa kanyang mga tagahanga bilang Jake Zyrus.

NGAYON: Lumamlam ang career ng tinagurian noon ni American TV host Oprah Winfrey na "The most talented girl in the world."

RELATED STORY

WHO KILLED CHARICE?

NOON: Hindi matanggap ng lola ni Charice na si Thess Pineda na nagbago na ng katauhan ang kanyang apong singer.

Aniya pa sa mga netizen na nakapansin ng kanyang post sa Facebook, hahanapin niya kung sino ang "pumatay" kay Charice at pananagutin.

Nagparating din siya ng mensahe kay Charice, na ipinakilala na ang sarili bilang Jake Zyrus, na bumalik sa dating katauhan, bumalik sa inang si Raquel Pempengco, at bumalik din sa kanya dahil siya raw ang nagdala ng suwerte kay Charice noon.

NGAYON: Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikipag-ayos si Charice sa kanyang inang si Raquel. Wala na ring balita tungkol sa kanyang lola na si Thess.

RELATED STORY

NADINE DEFENDS BEST FRIEND

NOON: Ipinahayag ni Nadine Lustre sa kanyang Twitter account ang kanyang galit sa mga naninira sa kanyang "best friend" na si Mika.

Kumalat kasi ang photos at video ng boyfriend niya noon na si James Reid habang yakap ang isang babae.

Ang babae kalaunan ay nakilalang si Mika Tan, na kaibigan nga ni Nadine.

Banta pa ni Nadine sa mga naninira sa kanyang kaibigan: "Judge me all you want, but talk sh-t about my friends... I'll shut you all down."

Tungkol naman sa kuha nina James at Mika na magkayakap, sabi ni Nadine, "So what? I hug all my guy friends too."

NGAYON: February 21, 2016 nung kinumpirma nila sa kanilang JaDine in Love concert sa Araneta Coliseum ang kanilang relationship. January 20, 2020 naman sa ABS-CBN show na Tonight With Boy Abunda, in-announce nila ang kumpirmasyon ng kanilang breakup, matapos na i-break iyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung January 1, 2020.

Sa kabila ng kanilang breakup, patuloy na may komunikasyon sina Nadine at James at nagsusuportahan sa isa't isa.

Katunayan, magkatrabaho pa ang dalawa sa upcoming album ni Nadine.

RELATED STORY

BASTE KISSES ELLEN

NOON: Pagkatapos na kumanta ng isang Visayan song sa isang bar si Ellen Adarna, nakantiyawan ng mga taong nasa bar ang isa sa mga nanonood ng pagkanta ni Ellen, ang Presidential Son na si Baste Duterte.

Pinaunlakan naman ni Baste ang pangangantiyaw ng mga tao at hinalikan nga si Ellen na dati nitong girlfriend.

NGAYON: Marami nang nangyari sa career at buhay ni Ellen matapos ng gabing iyon sa bar kasama si Baste:

Pansamantalang namahinga sa showbiz si Ellen nang magkarelasyon sila ni John Lloyd Cruz.

Nagbunga ang kanilang relasyon ng isang anak na lalaki, si Elias.

Hiwalay na ngayon sina Ellen at John Lloyd at napapabalitang may bago itong boyfriend.

Samantala, isa nang Vice Mayor ng Davao City si Baste, ang balwarte ng kanilang pamilya.

RELATED STORY

JUDY ANN ON WHY IT'S OK TO APPEAR ON GMA

NOON: Tinanong si Judy Ann Santos kung hindi ba siya nagkakaproblema kapag nagge-guest appearance siya sa GMA-7.

Sinagot ni Judy Ann ang tanong at nabanggit tuloy ang klase ng relasyon nila ng asawang si Ryan Agoncillo sa kani-kanilang mga istasyon at kung paano nila nakamit ang ganitong klase ng relasyon.

RELATED STORY

NGAYON: Nananatiling isa sa prime talents ng ABS-CBN si Judy Ann. Isa pa rin sa Dabarkads hosts ng Eat Bulaga sa GMA-7 ang asawang si Ryan Agoncillo.

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results