BB Gandanghari recalls how gay rumor tested Rustom Padilla's relationship with Carmina Villarroel

by Rachelle Siazon
Jun 23, 2020
BB Gandanghari still vividly remembers how his "twin" Rustom Padilla fell in love with Carmina Villarroel the moment he laid eyes on her on June 24, 1992. But as early as January 1993, their relationship was put to the test when his masculinity got questioned by the press.
PHOTO/S: Mr. & Ms. Magazine / screengrab from Maruja movie / @gandangharibb Instagram

Love at first sight ang naramdaman ni Rustom Padilla para kay Carmina Villarroel noon.

Ito ang pinanindigan ni BB Gandanghari nang balikan niya ang kuwento ng pag-iibigan sa pagitan ng kanyang "twin" na si Rustom at ni Carmina.

Si BB ay dating kilala bilang '90s matinee idol na si Rustom bago siya nag-out bilang "gay" sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother noong March 2, 2006.

Legal na pinayagan ng korte sa U.S. na mapalitan ang pangalan ni Rustom bilang Binibining Gandanghari noong November 2016.

Kasabay niyon ang pagkilala kay BB bilang "female" sa kanyang identification, base sa dokumento mula sa Court of California, County of Orange.

Sa Los Angeles, California nakabase si BB mula noon.

Sa kanyang Youtube vlog nitong June 21, 2020, bittersweet ang pagbabalik-tanaw ni BB sa mga alaala niya kay Carmina.

Bilang Rustom, tandang-tanda pa raw niya na tila nakatadhanang makilala niya si Carmina.

Taong 1992 iyon, wala pang isang taon mula nang mag-resign siya sa pagiging flight attendant sa Philippine Airlines para pasukin ang showbiz.

Continue reading below ↓

Naisipan ni Rustom na puntahan ang kapatid na si Robin Padilla habang nagsu-shooting ito ng pelikulang Miss Na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum Part 2 sa Baguio.

Nagkataong tiga-Baguio si Rustom dahil doon siya nagtapos ng kursong Economics sa St. Louis University.

Nadatnan daw ni Rustom sa umpukan sina Ana Roces, na co-star ni Robin sa pelikula, at Ruffa Gutierrez, na may family rest house sa Baguio.

Unang beses pa lang nakilala ni Rustom sina Ruffa at Ana, pero dahil sa masayang kuwentuhan ay inimbitahan ni Ruffa si Rustom na dumalo ng 18th birthday nito.

Naging bahagi raw siya ng 18 Roses ni Ruffa, at ang natatandaan niyang ka-partner niya ay si Ana.

Pero bago ang debut ni Ruffa noong June 24, 1992, inireto raw si Rustom kay Carmina ng isang common friend na nagngangalang Maristela.

Assistant daw ito ng yumao nang showbiz talk show host na si Inday Badiday, aka Ate Luds.

Continue reading below ↓

Balik-tanaw ni BB: "At that time, yung isang malapit sa amin, na isa sa mga assistant ni Ate Luds, si Maristela—yung unang asawa ni Robin—siyempre kilala na namin sila hindi pa ako artista kasi lagi sila nagpupunta sa bahay.

"Sabi niya, 'Oy, Rustom! Si Carmina kaka-split lang!'

"Sabi naman ni Rustom, 'A, talaga? Kumusta mo naman ako.' Nag-play cupid.

"Until nagawan niya ng paraan na magkakilala sina Carmina at Rustom."

HOT STORIES

RUSTOM HEAD OVER HEELS IN LOVE WITH CARMINA

Kino-consider ni Rustom na first date nila ni Carmina ang debut ni Ruffa.

Hindi man daw sila ang magka-partner sa program, si Rustom daw ang sumundo kay Carmina.

Si Rustom ay 25 years old noon, habang si Carmina ay 16 years old lang.

Lahad ni BB, "I think that was the first date, June 24, 1992. And so they started dating.

"I remember, si Rustom, very, very in love.

"Eto, walang halong kiyeme 'to. Hindi ko sinasabi 'to para pagtakpan. 'O, talaga na-in love ka?'

Continue reading below ↓

"The moment na nakita niya si Carmina, he thought siya yung gusto niya maging asawa.

"Feeling ni Rustom mag-aasawa na siya, and that proved to be true all throughout the relationship."

Dalawang buwan daw nanligaw si Rustom bago sila naging magkasintahan ni Carmina bandang August 1992.

Si Rustom daw ang tipo ng devoted boyfriend at bantay-sarado si Carmina sa shooting nito.

Ito ay kahit pa abala rin si Rustom bilang showbiz newbie na sumabak sa apat na pelikula noong 1992.

Si Carmina naman ay kilalang teen star at mainstay ng Palibhasa Lalake noong nagkakilala sila ni Rustom.

Kuwento pa ni BB, "So, bagong artista si Rustom nito. Ang dami niya ginagawa pero nagawa niya magbantay.

"Hindi natutulog si Rustom—shooting, nagbabantay kay Carmina, shooting.

"Not for anything, and I can say this with my whole heart, kasi nakita niya yung totoong love. Nakita niya yung totoo kay Carmina, na normal."

Nagkaroon naman daw si Rustom ng girlfriend noong nasa kolehiyo siya. Pero iba ang naramdaman niya kay Carmina.

Continue reading below ↓

Totoong tao raw si Carmina sa kabila ng pagiging artista nito.

Sabi ni BB, "I think, at the time, kaya super naging seryoso si Rustom, nakita niya yung normalcy sa show business.

"Yun ang na-experience niya kay Carmina. That's why he got very attached.

"Kasi normal si Carmina. Hindi siya showbiz.

"So, kaya siya naging pursigido."

Masasabi raw ni Rustom na sobrang saya niya sa piling ni Carmina.

"To cut the long story short, experience with Carmina became very intense.

"Na naging parte na si Carmina ng buhay niya at that early. Nagkaroon ng so much emotional attachment.

"Carmina was always [on] top of his head, top of his priority," saad ni BB.

Kusang loob daw ni Rustom kung ano man ang pag-aalaga niya noon kay Carmina, kaya ganoon na lang din katindi ang pag-alala niya nang unang masubukan ang relasyon nila.

THE OMiNIOUS INCIDENT YEARS BEFORE COMING OUT

Limang buwan nang lihim na magkasintahan sina Rustom at Carmina nang sumalang sa isang endorsement presscon ang binata.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon, January 1993, contract star si Rustom ng Viva at ilulunsad siya bilang "the next important dramatic actor" nang kumalat ang tsismis na siya raw ay bakla.

Pagbabalik-tanaw ni BB, "So, yung presscon, 1993, nanginginig, pinagpapawisan ang mga kamay, nagdarasal habang takot na takot.

"Hindi niya alam kung paano sasabihin hindi totoo.

"Ito ang first solo presscon niya, issue ang pinag-usapan."

Patuloy niya: "Wow, at the onset of your career, 'yan ang sinagupa mo.

"Kasi, ano ang buod ng presscon? 'Bakla ka ba?'"

Ang totoo ay wala raw basehan ang kumalat na tsismis.

Ayon kay BB, "Hindi alam ni Rustom paano ie-express ang sarili niya.

"Pero isang sigurado dun, lahat ng binibintang sa kanya kaya siya bakla ay hindi totoo.

"Ang tsismis noon, sumali siya ng beauty pageant.

"E, kung ganito ako kaganda noon, bakit ko itatago? Ang dami ko siguro korona!

"Pero, imagine, matinee idol on the verge of stardom, yun ang ini-issue."

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng presscon, nag-drive daw si Rustom at sinundo si Carmina sa ABS-CBN kunsaan nagte-taping ang dalaga ng Palibhasa Lalake.

Lubha raw nag-alala si Rustom kung ano ang mararamdaman ni Carmina sa oras na makarating dito ang malisyosong tsismis tungkol sa kanya.

Pero hindi rin daw alam ni Rustom kung paano kakausapin ang nobya tungkol sa isyu.

Sa isip ng noo'y binata, "He wants to shrug it off and move on.

"Feeling niya, wala siyang kalaban-laban. Kahit ano sabihin niya, yun pa rin."

Nang kamustahin daw ni Carmina ang nangyari sa presscon, nagpasya si Rustom na huwag na lang magkuwento tungkol sa paninira sa kanya na siya ay gay.

Ang sagot lang daw ni Rustom, "Okay lang. Maayos."

Hindi na raw niya inungkat pa ang topic hanggang sa maihatid niya ng bahay si Carmina.

Kinabukasan, laman ng headline sa diyaryo ang sagot ni Rustom sa press.

"Ito yung hineadline nung tinanong siya na 'Totoo bang bakla ka?' Ang sagot niya was, excuse me sa word, 'P.I. Hindi ako bakla!'

Continue reading below ↓

"So, yun ang issue."

Hiyang-hiya raw siyang nakukuwestiyon ang pagkalalaki niya.

Sabi ni BB, "Nung nabasa ni Rustom yun, ang unang pumasok sa isip niya ay si Carmina.

"Not for anything, kasi kung may nakakakilala kay Rustom, si Carmina yun.

"May five months na silang pinagsasamahan that time.

"Kung lalaki ka, nakakalalaki yung balita.

"Hindi alam ni Rustom at that time kung gusto pa niya makita si Carmina.

"But for sure, never nila pinag-usapan.

"Pero nagkaroon siya ng ganung pag-iisip. Pero hindi naman ganun ang nangyari.

"Siguro nabalitaan ni Carmina, pero hindi na rin siya nag-react."

Hindi raw nila napag-usapan na magkasintahan ang tungkol dito.

Pero noong araw na iyon ay sinundo ulit ni Rustom si Carmina sa ABS-CBN, at tiyempong nakasalubong doon ng aktor ang reporter na sumulat ng nabasa niyang artikulo sa dyaryo.

Kinumpronta raw ni Rustom ang reporter.

Mula sa corridor ng ABS-CBN ay hinawakan daw ni Rustom sa likod ng kuwelyo ang reporter at saka hinila ito palabas ng parking lot.

Continue reading below ↓

Kuwento ni BB, "Hinawakan ni Rustom, binitbit, tapos dinala niya sa parking lot. Hinahamon niya ng suntukan sa galit niya.

"Nandun lahat si Carmina. Siya yung umawat."

Sa sobrang taranta raw ni Carmina, nadulas siya at natawag si Rustom sa term of endearment nila na "Honey."

Natatawang kuwento pa rin ni BB: "What's crazy there is hindi pa kasi alam na mag-boyfriend sila...

"Yun naman ang next na headline: 'Mag-on na si Rustom at Carmina.'"

RUSTOM'S INNER STRUGGLES

Nagmarka raw ang insidenteng iyon kay BB, pero hindi pa rin daw nito lubusang naintindihan ang nararamdaman.

"Kaya hindi ganito ka-fighting spirit si Rustom, madali siyang ma-discourage.

"Kasi may kumukuwestiyon na hindi niya ma-express nang mabuti ang sarili niya.

"To top it all, meron siyang mahal na babae.

"At ang takot niya nun, pagdudahan kung anong pinapakilala niya na siya, pagdudahan ang pagkalalaki niya."

Hindi malinaw kung mayroon nang agam-agam si BB sa kanyang tunay na pagkatao noon.

Continue reading below ↓

"Of course, sino ba ang lalaking gustong pagduduhan yun?

"Those were his fears at that time," saad ni BB sa pagkuwestiyon sa pagkalalaki ni Rustom.

Pero sigurado raw siya sa isang bagay: ang pagmamahalan nila ni Carmina.

"Since this is going on, paano yung relasyon? That was January of '93.

"But I think they have enough love to stick to each other.

"So, nagpatuloy ang relasyon nila in the next five years, hanggang sa nauwi sa secret marriage and everything."

Dalawang taong naging magkasintahan sina Rustom at Carmina bago sila nagpakasal noong 1994.

Makalipas ang tatlong taon, noong 1997, nag-initiate si Carmina na hiwalayan si Rustom.

Noong panahong iyon ay puno raw ng insecurities at self doubts si Rustom, pero hindi raw siya talaga nagkaroon ng gay relationship.

Hindi pa rin daw noon lubusang napagtanto ni Rustom kung ano nga ba ang kulang sa buhay niya.

Kaya kahit si Carmina na ang babaeng pinangarap niyang makasama habang-buhay, pinalaya raw niya ito.

Continue reading below ↓

Ani BB, "It may be the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body."

Nang sigurado na siya tungkol sa kanyang pagkatao, tuluyang ipinagtapat ni Rustom kay Carmina na siya ay gay bago pa siya pumasok sa PBB noong 2006.

Na-annul ang kasal nina Rustom at Carmina noon pang June 2002.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari still vividly remembers how his "twin" Rustom Padilla fell in love with Carmina Villarroel the moment he laid eyes on her on June 24, 1992. But as early as January 1993, their relationship was put to the test when his masculinity got questioned by the press.
PHOTO/S: Mr. & Ms. Magazine / screengrab from Maruja movie / @gandangharibb Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results