Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

BB Gandanghari recalls the time Rustom Padilla joined a pageant

by Nikko Tuazon
4 days ago
BB Gandanghari on Rustom Padilla joining pageants: "Hindi na rin naisip ni Rustom yun. He's not even enjoying that. Those were the things na, feeling niya nung college, he shouldn't have done, honestly."
PHOTO/S: Screengrab from BB Gandanghari on YouTube

Binalikan ni BB Gandanghari ang unang beses na nagkaroon ng gay issue ang "twin" niyang si Rustom Padilla.

Si Rustom, kapatid ng mga aktor ding sina Robin at Rommel Padilla, ang dating katauhan ni BB bago siya nagdesisyong maging trans woman.

Sa kanyang YouTube live stream nitong Linggo, June 28, 2020, na may titulong "BB.uncut: Chapter 2- You And Me Against World," sinabi ni BB na kasagsagan ng career ni Rustom noong 1993 nang lumabas ang gay rumors.

Makailang ulit nang pinabulaanan ni Rustom ang tsismis na sumali siya sa isang gay beauty pageant.

Natsismis din noon si Rustom na may litrato na nakasuot-babae, ngunit hindi kailanman lumabas ang sinasabing larawan.

Lahad ni BB, "Pumasok yung 1993, ang ganda nung pakiramdam niya.

"Kaya nung lumabas yung balita sa bungad ng 1993 o sa pagtatapos... basta nasa ganoong panahon, naputol e.

"Naputol yung.... 'Oh, wow, really? Ito na?' Ito na yung balita na sumali ng beauty contest si Rustom sa Baguio, na hindi talaga alam ni Rustom kung saan yung pinanggalingan.

Continue reading below ↓

"At sinasabi lagi noon sa Viva at sa publicist niya, 'E di, sabihin niyo ipadala yung picture. Kasi sigurado ako, wala.'"

Si Rustom ay dating contract star ng Viva Films.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa pagkakatanda ni BB, nagkaroon ng pagkakataong sumali si Rustom sa isang pageant.

Ngunit ito ay para sa isang male pageant bilang bahagi ng isang event sa pinasukan nitong kolehiyo sa Baguio City.

Aniya, "Ngayon ko nga lang naiisip, after last week, kasi talagang hindi ko na talaga alam kung saan nanggaling yung balitang yun.

"Pero ngayon, looking back, sumali si Rustom ng pageant.

"Pero male pageant yun, yung Mister and Miss Human Sciences.

"For sure, nandun siya sa Mister. Wala siya sa Miss."

Diin pa ni BB, ayaw sumali noon ni Rustom sa mga pageant.

"Hindi na rin naisip ni Rustom yun. He's not even enjoying that.

"Those were the things na, feeling niya nung college, he shouldn't have done, honestly.

Continue reading below ↓

"And even yung Faces for Men na sumali siya, naku, ang ginawa sa kanyang pamimilit nun...

"Kasi parang feeling niya, pambabae ang beauty contest."

HOT STORIES

ONE ISSUE AFTER ANOTHER

Sabi ni BB, hindi alam ni Rustom kung paano lilinisin ang kanyang pangalan sa gay rumors na ito.

"Lumabas na yung headline na yun.

"Kaya nung day before na kinakausap siya ng Viva with Boss Vic [del Rosario] and the manager, talagang broken. He's really lost.

"Hindi niya alam kung paano sasagutin, hindi niya alam kung paano niya...

"Kasi in his head, 'Talo na ako dito, e.'

"For you to defend your masculinity is very gay already. You know what I mean?

"So, ayaw niya yung issue.

"Hindi alam kung paano niya sasagutin yung issue. Hindi niya alam kung paano niya lulusutan."

Umabot pa sa puntong nagkaroon ng press conference kung saan mariing itinanggi ni Rustom na gay siya.

Muli ring inilahad ni BB ang pagkumpronta ni Rustom sa showbiz writer na naglabas ng gay rumors tungkol sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Youtube vlog nitong June 21, 2020, sinabi ni BB na nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ni Rustom at ng writer.

Si Carmina Villarroel ang pumagitna sa kanilang dalawa.

Habang inaawat ni Carmina si Rustom ay di sinasadyang tinawag ng aktres ang aktor na "honey."

Limang buwan nang lihim na magkasintahan noon sina Rustom at Carmina, at "honey" ang kanilang term of endearment.

Kinabukasan, naging headline sa mga tabloids na opisyal nang magkarelasyon sina Rustom at Carmina.

"Natabunan nung 'Mag-on na si Rustom at si Carmina' yung gay issue.

"Pero only because... I can only attribute this sa kakaibang rapport nilang dalawa pagharap sa tao," pagtukoy ni BB kina Rustom at Carmina.

"They look good together, they act well together, even though this time, puro sa TV lang sila nakikita."

Pansamantalang namatay ang gay rumors kay Rustom dahil naging malakas ang clamor ng fans na pagtambalin sila ni Carmina, kahit na sa magkaribal na film outfits sila nakakontrata.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon, contract artist ng Viva Films si Rustom habang nasa bakuran naman ng Regal Films si Carmina.

Kuwento ni BB, "Kahit wala pa silang ginagawa, remember love team era 'to, ha, hindi love team si Carmina at Rustom at that time.

"Real love yung kanila, pero grabe sa fans. Kinabog nila ang lahat ng love team at that time.

"Wala silang pelikula, at this point, wala pa silang TV guestings, I guess."

Patuloy niya, "At 1993 pa lang, mag-uumpisa sila mag-guest together.

"So, maingay yung pangalan nila bilang mag-girlfriend at mag-boyfriend.

"At the same time, sinuportahan ng love team, so maingay siya.

"So, sa mga kumpetisyon noon ng love team, lagi silang kasama, although wala silang ginagawang pelikula."

Isang pelikula lang ang pinagsamahan nina Rustom at Carmina, ang Hindi Magbabago, na ipinalabas noong 1994.

Noong 1994 din sila ikinasal. Ngunit nagkahiwalay sila noong 1996.

Ilang buwan matapos ang hiwalayan ay nagpetisyon ang dalawa na ma-annul ang kanilang kasal.

Continue reading below ↓

Iginawad naman ng Pasig Regional Trial Court ang annulment ng kanilang kasal noong June 2002.

Taong 2006 nang aminin ni Rustom sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition na siya ay gay.

Halos tatlong taon matapos nito, January 2009, nag-come out naman siya bilang trans woman at sinabing "Rustom is dead."

Samantala, noong 2012 ay ikinasal si Carmina sa kanyang long-time partner na si Zoren. Ang kanilang twins na sina Cassy at Mavy ay 19 years old na ngayon at parehong artista sa GMA-7.

Nag-migrate naman si BB sa United States simula noong 2016.

Kasalukuyan siyang nakabase sa Los Angeles, California, kung saan ipinagpapatuloy nito ang kanyang modeling at acting career, habang nagtatrabaho bilang isang Uber driver.

RELATED STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari on Rustom Padilla joining pageants: "Hindi na rin naisip ni Rustom yun. He's not even enjoying that. Those were the things na, feeling niya nung college, he shouldn't have done, honestly."
PHOTO/S: Screengrab from BB Gandanghari on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results