Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

This Week In Showbiz: May namatay, nawala, dumayo, naghiwalay, at na-engage!

by Rommel R. Llanes
4 days ago
Video: Rommel R. Llanes.

Noong June 22 to 30, 2019, ito ang mga balitang showbiz na nakakalungkot, nakakapagtaka, at nakakatuwa.

GONE TOO SOON

Nalungkot ang maraming fans ng local beauty pageants sa maagang pagpanaw ng Miss World Philippines 2012 3rd Princess na si April Love Jordan.

Pumanaw sa sakit na liver cancer ang 31-year-old beauty pageant veteran.

Maraming nagulat sa biglaan niyang pagpanaw at naging ito ang most read article sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa period na ito.

HOT STORIES

MYSTERIOUS DISAPPEARANCE

NOON: Marami ang nakapansin at nagtaka kung bakit hindi na nila nakikita sa Eat Bulaga ang Asia's Next Top Model 2017 winner na si Maureen Wroblewitz.

Naging isa sa co-hosts ng nasabing noontime show si Maureen noong September 2018, pero May 2019 ay hindi na ito napapanood doon.

July 2019 nang i-confirm ni Maureen sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na wala na nga siya sa Eat Bulaga.

Aniya, mutual decision daw niya at ng show na ibakante ang kanyang spot bilang isa sa Dabarkads host.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Maureen marami raw siyang pangarap na gawin sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa Eat Bulaga sa pagbibigay ng pagkakataon na matupad ang isa sa kanyang mga pangarap, ang maging TV host.

Humingi naman ng suporta si Maureen sa kanyang fans para sa mga susunod pa niyang gagawin sa kanyang career.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NGAYON: Sa kanyang RX93.1 FM Facebook Live interview nung nakaraang buwan, inamin ni Maureen na hindi talaga siya kumportable sa pagho-host.

Language barrier, stage fright, at ang uncomfortable feeling ng pagsasalita sa harap ng maraming tao ang mga ikinatwiran ni Maureen na mga dahilan kung bakit nag-give up na siya sa hosting.

Sa ngayon, gusto raw muna niyang mag-focus sa papasuking career sa pag-arte.

Pumirma ng six-picture exclusive contract for three years si Maureen sa Reality Films nung April 2019.

HOT STORIES

KAPUSO ON KAPAMILYA GROUNDS

NOON: Tumuntong sa ABS-CBN compound ang Kapuso actor na si Alden Richards.

Continue reading below ↓

Naroon siya para sa digital shoot at video plug shoot nila ng Hello Love Goodbye leading lady niya na si Kathryn Bernardo.

Dumalo rin ng misa sa loob ng Star Cinema office sina Alden at Kathryn. Located sa loob ng ABS-CBN network building ang opisina ng Star Cinema.

Ang Star Cinema ang film arm ng ABS-CBN at siyang nag-produce ng pelikula nina Alden at Kathryn.

Pagkatapos ng misa ay nakapag-photo op pa ang intimate lunch pa ang dalawa sa Star Cinema managing director na si Olivia M. Lamasan.

NGAYON: Kumita ng P881 million locally at $17.6 million worldwide ang Hello Love Goodbye.

Ito na ngayon ang highest grossing local film of all time.

May sequel bang inaasahan dahil sa success ng pelikula?

Sagot ni Alden: “Sabi naman po ng mga taga-Star Cinema, nasa proseso po yun ng paggawa and posible pong magkaroon ng Part 2.

“Ang hindi lang po natin masabi ay kung kailan. Pero very much open po ako kasi, binago po ng pelikula ang buhay ko!”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

DESCENDANTS STARS DIVORCE

NOON: Maraming K-drama fans ang nalungkot nang pumutok ang balitang nag-file na ng divorce ang South Korean superstars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Nagkapareha sa K-drama series na Descendants of the Sun sina Joong Ki at Hye Kyo nung 2016.

Nagpakasal naman sila nung 2017.

Pero pagkatapos ng dalawang taon, nag-file na ng divorce si Joong Ki.

Hindi ito nagbigay ng dahilan kung bakit siya nag-file ng divorce.

NGAYON: July 2019 nang maging opisyal ang divorce nina Joong Ki at Hye Kyo.

Ayon kay Hye Kyo, "differences in personality" ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nitong Pebrero lang, giniba na ang rumored marital house ng former couple.

HOT STORIES

SHE SAID YES

NOON: Marami ang natuwa sa nang i-post nina Angel Locsin at businessman boyfriend nitong si Neil Arce na engaged na sila.

Naganap ang pagpo-propose ni Neil, hapon ng June 29.

Matagal munang naging magkabarkada sina Angel at Neil bago nila ginulat ang lahat sa pag-amin nung February 2018 na magkasintahan na sila.

Continue reading below ↓

NGAYON: Wala pang definite date ang kasal nina Angel at Neil pero ayon sa dalawa, ready na raw sila para sa kanilang kasal.

Sa ngayon, todo-suporta si Neil sa relief efforts ni Angel dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results