Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kim Chiu on surviving ambush incident, 'bawal lumabas' controversy: "It's a sweet victory."

by Arniel C. Serato
4 days ago
Kim Chiu hints that she almost quit after non-stop bashing: “Di ba, parang sunud-sunod? Walang hingahan. So wala, naisip ko, punta na lang ako Canada, ‘Okay na tayo, tara na, alis na tayo sa mundong… sa Pilipinas, ang gulu-gulo,' ganyan-ganyan.”
PHOTO/S: Courtesy: Paano Kita Mapapasalamatan

“It’s a sweet victory.”

Ganito inilarawan na Kim Chiu, 30, ang pagbangon niya mula sa sunud-sunod na dagok sa kanyang buhay at karera nitong mga nakaraang buwan.

Sa panayam kay Kim ng programa ni Judy Ann Santos na Paano Kita Mapapasalamatan, ikinuwento ng aktres ang kanyang pinagdaanang lungkot at hinanakit.

Umere ang episode sa Kapamilya Channel at Jeepney TV ng ABS-CBN noong Sabado, June 27.

Ibinahagi rin ni Kim kung paano siya bumangon sa sunud-sunod na mga kontrobersiyang kinakaharap.

Una na rito ang pang-a-mbush sa van na sinasakyan niya patungong taping ng teleseryeng Love Thy Woman noong March 4, 2020.

Ayon sa ulat, may dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang ilang beses nagpaputok sa van ng aktres.

Nangyari ang insidente sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City, bandang 6:15 ng umaga.

Mabuti na lang at walang nasaktan sa insidente.

Sa kabila nito, inakusahan ng ilang netizens at ng dating broadcaster na si Jay Sonza na gimik lang daw ang pangyayari.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Kim sa programa ni Judy Ann, “Dyusko naman, itataya ko ba naman yung buhay ko?

“Ang dami ko pang kapatid, pamangkin.

“Reaksiyon pa nila ay hindi sila naniniwala.”

Hindi naman daw dahil walang nasaktan sa insidente ay nangangahulagan nang gimik ang pag-ambush sa kanyang sinasakyan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad ni Kim, “Yung, paano nila naiisip yun?

“Porke’t walang namatay, walang natamaan.

“Porke’t nakabangon ako, nakapunta ako ng taping, e, ganito ako.

“Ang dami nang nangyari sa akin.

“And hindi naman ako natatakot kasi wala naman akong ginagawang masama.

“So, alam kong hindi sa akin yun.”

Hanggang ngayon ay wala pang resulta sa imbestigasyon ng pulisya tungkol sa pag-ambush sa van ni Kim.

Continue reading below ↓

“SOBRANG BOBO KO NA?”

Makalipas ang halos dalawang buwan matapos ang insidente, muling naging laman ng balita ang Kapamilya star dahil sa kanyang pahayag sa Laban Kapamilya online protest ng mga artista ng ABS-CBN noong May 8, 2020.

Ang online protest ay kaugnay sa pagsasara ng ABS-CBN dahil sa cease and desist order na inihain ng National Telecommunications Commission laban sa network noong May 5.

Isang araw bago nito, noong May 4, napaso ang 25-year legislative franchise ng Kapamilya network.

Sa nasabing online protest, ikinumpara ni Kim ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN sa mga alituntuning ipinaiiral sa mga eskuwelahan.

Pero hindi niya masyadong naipaliwanag ang kanyang punto.

Pahayag ni Kim noon: “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas...

"Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay,puwede na pala ikaw lumabas."

Continue reading below ↓

Dahil dito, umani ang aktres ng batikos at pang-aalipusta mula sa trolls at bashers.

Noong una raw ay tinatawanan lamang niya ang kaliwa’t kanang bashing.

Pero kalaunan, tinablan na siya sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

Saad ni Kim, “Umaga hanggang hapon siguro parang natatawa pa ako, e.

“Pero nung inuulit-ulit na sa 'yo, yung inuulit na ng mga tao yung pagkakamali mo, tapos sasabihan ka nila kung ano yung dapat mong gawin.

“Na, ‘Mag-aral ka, balik ka eskuwela.’

“Talaga ba? Sa maliit na pagkakamali na yun, sobrang bobo ko na?

“Sobrang baba na ng tingin niyo sa akin?”

HOT STORIES

“LORD, AKO NA NAMAN?”

Pagkatapos mag-sink in sa kanya ang mga pangyayari, pakiramdam ni Kim ay sinusukat ng Panginoon ang kanyang paniniwala.

Umabot din daw sa puntong pinanghinaan na siya ng kalooban.

Pahayag ni Kim, “Minsan, nati-test lang na, ‘Ano ba yan? Lord, ako na naman?’

“So, parang mapapatanong ka na lang, ‘Bakit ako lagi?’

Continue reading below ↓

“Siguro, siyempre mapanghihinaan ka ng loob.

“Titigil ka sandali kasi nakakapagod din.

“So, wala, tumigil ako sandali, mga dalawang araw.

“Pero hindi ako tumigil mag-rosary.

“Pero, hindi… tumigil lang ako makipag-usap.”

Sumagi na rin daw sa isipan ni Kim na umalis ng bansa upang takasan ang walang katapusang panglalait sa kanya.

Sabi niya, “Di ba, parang sunud-sunod? Walang hingahan.

“So wala, naisip ko, punta na lang ako Canada. ‘Okay na tayo, tara na, alis na tayo sa mundong… sa Pilipinas, ang gulu-gulo,' ganyan-ganyan.”

Sa sunud-sunod na batikos at banat sa kanya, naramdaman daw ni Kim na tila dinaluyong siya ng delubyong hindi niya kayang labanan.

“So, andun na ako sa point na yun, 'Ok na, tara na. Hindi ko sila kayang talunin.’

“Paano ba? Wala, e. Ang lakas lakas nilang lahat.

“Tapos ako lang mag-isa.”

“BAWAL LUMABAS”

Ilang linggong nag-viral ang classroom analogy ni Kim at naging bukambibig ng marami ang "bawal lumabas."

Continue reading below ↓

Hanggang ginawan ito ng iba’t ibang memes, kanta, at sayaw ng maraming netizens.

Dahil sa pagiging laman ni Kim sa social media, isang netizen ang gumawa ng open letter para sa aktres—si Adrian Crisanto.

Bahagi ng nakasulat sa post ni Adrian sa Facebook noong May 14: “If it's of any consolation to you, I want you to know that I'm on your side.

“Pareho tayo. We don't condone bullying.

“And I think this is not the first time you've experienced being trolled and bashed.

“Siguro may mas malala pang chismis or intriga, but you came out stronger.

“Kaya nalungkot ako nung napanood ko yung (Laban Kapamilya) video mo.

“For me, you shouldn't have done that. Or not that way.

“Sana nag-sorry ka because it was just an honest mistake.

“Ikaw na nga rin mismo nagsabi na kahit ikaw hindi mo naintindihan ang sinabi mo.

“Sana hindi ka umiyak sa video.

Continue reading below ↓

“Sana walang drama.”

Pinayuhan din ni Adrian si Kim na imbes na gawing negatibo ang lahat, labanan niya ito sa pamamagitan ng pag-record ng kanta.

Ginawa naman ito ni Kim, at kaagad naging usap-usapan ang kanyang “Bawal Lumabas” song.

Mukhang ito ang nagbangon sa pagkakalugmok ni Kim sa kontrobersiya.

Masayang sabi ni Kim, “Kaya ko nang mag-hello everybody.

Continue reading below ↓

“Maraming nagalit. Maraming natuwa.

“Iba’t ibang klase ng emosyon.

“But at the end of the day, bumalik yung tiwala ko sa sarili ko.

“Kasi lahat naman sa buhay natin, trials.

“Wala namang buhay na puro sarap lang.

“So, yun, it’s a sweet victory. “

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu hints that she almost quit after non-stop bashing: “Di ba, parang sunud-sunod? Walang hingahan. So wala, naisip ko, punta na lang ako Canada, ‘Okay na tayo, tara na, alis na tayo sa mundong… sa Pilipinas, ang gulu-gulo,' ganyan-ganyan.”
PHOTO/S: Courtesy: Paano Kita Mapapasalamatan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results