Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Rita Avila does not favor artist sketching Angel Locsin as fat Darna; Angel likes Rita’s post

by Bernie V. Franco
4 days ago
Rita Avila close up
angel locsin fat
fat darna
Actress Rita Avila (left) points out that the artist who sketched Angel Locsin as a fat Darna should have consulted Angel first before posting the viral sketch.
PHOTO/S: @msritaavila on Instagram / Facebook (Klayton Ramos)

Respeto.

Ito ang mensahe ni Rita Avila, 52, kaugnay ng nag-viral na sketch ng isang artist kay Angel Locsin bilang matabang Darna.

June 20, ipinost ni Klayton Ramos, isang graphic artist mula sa Bulacan, ang digital painting ni Angel na nakasuot ng Darna costume.

Pero sa halip na sexy Darna, matabang Darna ang illustration.

Ginampanan ni Angel, 35, ang iconic superhero sa Kapuso teleserye noong 2005.

Sinabayan ng controversial sketch ang pag-trending ni Angel matapos kumalat ang mga larawan niya sa social media kung saan kapansin-pansin ang kanyang dagdag na timbang.

fat Darna

Continue reading below ↓

May mga kumutya kay Angel, pero mas marami ang nagtanggol sa kanya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Wala na raw kailangang patunayan pa si Angel, na walang tigil sa pagtulong ngayong may pandemya.

Sabi naman ni Klayton, ipininta niya si Angel bilang matabang Darna para ipahayag na walang pakialam ang aktres sa kanyang hitsura, at ang nais lang nito ay tumulong.

“She is careless about her body as long as she can help other people,” paliwanag ng artist.

RITA AVILA calls out ARTIST

Pero para kay Rita, mali ang ginawa ni Klayton.

Ganito ang katwiran niya: Bagamat maganda ang intensiyon ng artist, dapat ay hiningi muna nito ang permiso ni Angel bago ipinost ang kanyang sketch.

Nakapalitan daw ng mensahe ni Rita ang isang kaibigan ni Klayton.

Ipinost ni Rita ang screenshots ng palitan nila ng mensahe.

Mababasa sa message ni Rita na bagamat walang masamang intensiyon si Klayton, iba ang pananaw rito ng ibang tao.

Continue reading below ↓

Bahagi ng mensahe ni Rita: “…in the Philippines, people have a malicious take on body shapes especially to an actress.

“Best if it was shown first to Angel and was asked if she agrees to have it posted.

“D ba, as respect to a lady, we refuse to say directly na ‘ang taba mo'?"

HOT STORIES

Kapag pumayag daw si Angel, saka na lang sana ipinost ni Klayton ang kanyang obra.

Mababasa namang nagpasalamat ang kaibigan ng artist, at nauunawaan daw nito ang paliwanag ni Rita.

Sa kanyang caption, sinabi ni Rita na wala rin siyang masamang intensiyon sa pagsita sa viral sketch.

“Respect matters,” anang aktres.

Kaya nga raw hindi ni-repost ni Rita ang sketch dahil “I gave respect to Angel and the artist.”

Dugtong ni Rita: “The artist will always have his/her own perception of his work.

“And there will be billions of other perceptions that can bring pain or shame to someone being the subject.”

Continue reading below ↓

Pangwakas na mensahe ni Rita kay Angel: “To you, Angel, we give u respect for what you do and what you are.”

Kabilang sa mga hashtag na ginamit ni Rita: #respect, #women, at #bodyshape.

Ni-like ni Angel ang post na ito ni Rita.

Ito ang tanging indikasyong sinasang-ayunan ng aktres ang pananaw ng kaibigang seasoned actress.

Nananatiling tahimik si Angel pagdating sa isyu ng body shaming.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Rita Avila (left) points out that the artist who sketched Angel Locsin as a fat Darna should have consulted Angel first before posting the viral sketch.
PHOTO/S: @msritaavila on Instagram / Facebook (Klayton Ramos)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results