Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Netizens lecture Xian Lim about proper wear of face mask, dangers of sniffing grocery items

by Jet Hitosis
3 days ago
Actor Xian Lim posts on June 27 a video of himself while shopping for ingredients for his cooking vlog.
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

Nakatikim ng lecture mula sa netizens ang aktor na si Xian Lim tungkol sa tamang paraan ng pagsusuot ng face mask.

Ito ay matapos mapakomento ang netizens sa video ng 30-year-old Kapamilya actor habang namimili sa supermarket.

Ipinost ni Xian ang video sa Instagram nitong Sabado, June 27.

Nakasuot siya ng black shirt, black cap, disposable face mask, at may dalang black body bag.

Ayon sa caption ng Love Thy Woman actor, namimili siya ng ingredients para sa susunod niyang cooking vlog.

Caption ni Xian (published as is): “Shopping for ingredients be like... [smiling face with open mouth and cold sweat emoji]

Makikita sa video na matiyagang pinagkukumpara ni Xian ang presyo ng mga bilihin.

Sa huli, pinili niyang bilhin ang pangkaraniwan at pinakamurang asin kaysa healthier version nito.

Napakalaki kasi ng kaibahan ng presyo ng dalawa.

“It's a numbers game for me. [smiling face with sunglasses]

“Real talk though...prices all the way up to the roof [face with raised eyebrow, face with monocle emojis]” ani Xian.

Continue reading below ↓

XIAN PULLS DOWN FACE MASK WHILE SHOPPING FOR SPICES

Kapansin-pansin sa video na habang namimili ng spices ay nakababa ang face mask ni Xian sa bandang ilong.

Ang bibig at baba lang ng aktor ang natatakpan ng mask.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May paliwanag naman si Xian sa caption kung bakit ganoon ang pagkakasuot ng kanyang face mask.

Sabi ni Xian: “Apologies for the mask ya'll...

“I was smelling my ingredients at the same time,” aniya, kasunod ang smiling face with open mouth and cold sweat emoji.

Continue reading below ↓

Bagamat may maagap siyang paliwanag sa caption, pinansin pa rin ng ilan sa 1.5 million Instagram followers ni Xian ang pagsusuot niya ng face mask.

Continue reading below ↓

Pabirong komento ng isang kaibigan, bibigyan nga raw sana niya ng “tutorial” ang aktor tungkol sa tamang paggamit ng face mask.

Sa reply ni Xian, inulit niya ang naisulat na niya sa caption.

Sinadya raw niyang ibaba ang mask sa bahagi ng kanyang ilong dahil “I was smelling the herbs and spices for my dish.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NETIZEN WARNS XIAN AGAINST “RISK OF INHALING THE VIRUS”

Isang netizen ang kumontra sa katwiran ni Xian.

Delikado raw ang ginagawa ng aktor dahil sa “risk of inhaling the virus.”

Paliwanag ng netizen, ang mga grocery items na nakasalansan sa mga shelf sa supermarket ay “not being sanitized regularly.”

Ibig sabihin, kung dinapuan ng virus ang mga iyon sa pagkakalantad sa shelf, diretsong masisinghot ng aktor ang virus.

Continue reading below ↓

Sinegundahan ito ng isa pang Instagram user.

Sinaway nito si Xian sa pag-amoy sa mga pinapamili upang makaiwas sa coronavirus disease o COVID-19.

Ang isa pang netizen, nagbabala na nasawi sa COVID-19 ang isang kaanak, matapos raw makuha ang virus “from doing groceries.”

Continue reading below ↓

Sinabihan si Xian ng iba pa niyang Instagram followers na tiyaking natatakpan ng mask ang kanyang ilong at bibig.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ito raw ang paraan upang maprotektahan ng aktor ang sarili laban sa virus, na ilang buwan nang nananalasa sa mundo bilang pandemic.

Continue reading below ↓

Hindi na sinagot ni Xian ang iba pang nagkomento sa kanyang video.

MORE THAN 36,000 COVID-19 CASES IN PH

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang pagsusuot ng face mask ang isa sa mga pinakaepektibong paraan upang maproteksyunan ang sarili laban sa COVID-19.

Mabisang proteksiyon din ngayong may pandemic ang physical distancing at pagpapanatiling malusog ang pangangatawan.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, obligadong magsuot ng face mask ang lahat kapag lumalabas ng bahay.

Ayon ito sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases.

As of June 29, 36,438 na ang kabuuang dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa DOH.

Halos sampung libo, o 9,956 sa bilang na ito ang gumaling, habang 1,255 na ang nasawi.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Xian Lim posts on June 27 a video of himself while shopping for ingredients for his cooking vlog.
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results