Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Heart Evangelista helps rescue dog left tied up in the rain

by Jet Hitosis
4 days ago
Actress-fashion icon Heart Evangelista is the celebrity spokesperson of Philippine Animal Welfare Society (PAWS) and has several times partnered with animal rescue group Pawssion Project.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Tumulong ang actress at animal welfare advocate na si Heart Evangelista sa pagligtas sa isang inabandonang aso nitong Linggo, June 28.

Ibinahagi ng 35-year-old fashion icon-visual artist ang kuwento ng pagkaka-rescue sa aso, sa kanyang Instagram Stories nitong Linggo.

Ang babaeng aso, na nagmula sa white dog breeds, ay pinangalanan ni Heart ng “Cloud.”

Sa una sa serye ng Stories ni Heart, makikita ang screenshot ng Facebook post ng isang concerned citizen tungkol sa kaawa-awang kalagayan ni Cloud.

Maikli ang tali ng aso na nasa gilid ng halamanan ng isang park sa Bonifacio Global City sa Taguig, sa gitna ng ulan.

Sa caption ni Heart, kinondena niya ang limang tao “who left her there to die.”

Pinuna ng aktres ang maikling pagkakatali kay Cloud kaya “di man makahiga o upo” ito.

Nagpasalamat din si Heart sa concerned citizens na nagparating sa kanya tungkol sa kalagayan ng inabandonang aso, dahilan upang ma-rescue ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

HOT STORIES

PAWSSION PROJECT GROUP HELPS OUT

Mga tauhan ng animal rescue group na Pawssion Project ang sumundo kay Cloud.

Matagal nang partner ng Pawssion Project si Heart sa pagre-rescue sa mga asong minaltrato, may sakit, o inabandona.

Continue reading below ↓

Ayon sa post ni Heart, kaagad na binigyan ng tubig at pagkain si Cloud bago ito dinala sa veterinary clinic para masuri.

“I will make sure she goes to school and have the best life,” sabi pa ni Heart tungkol sa aso.

Ang “school” na tinukoy ng aktres ay ang pagsasailalim kay Cloud sa masusing rehabilitasyon.

Continue reading below ↓

Karaniwan nang dumaraan sa ilang buwang rehabilitasyon ang mga rescued animals.

Dadaan muna sa fostering—o pansamantalang pagkupkop—si Cloud bago ito tuluyang ipa-adopt, ayon kay Heart.

“KARMA IS REAL”

Kasabay nito, nag-iwan ng mensahe si Heart sa mga taong nag-abandona kay Cloud.

“Good luck karma is real people,” caption ni Heart sa video ni Cloud ilang oras matapos itong ma-rescue.

Continue reading below ↓

Sarkastiko ring nagpasalamat si Heart sa mga taong naglagay ng aniya’y “extra tight” na tali sa leeg ni Cloud, bago ito inabandona sa ulanan.

Sa huli, hinimok ni Heart ang sinumang interesadong ampunin si Cloud na magpadala ng direct message sa kanya.

“She’ll be ready for you after she goes to school,” pagtitiyak ni Heart.

Continue reading below ↓

Ang pagmamalupit at pagpapabaya sa hayop ay labag sa Section 6 ng Republic Act 8485, o ang Animal Welfare Act.

Ang lalabag ay may parusang anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong, at pagmumultahin ng PHP100,000-PHP500,000, o pareho, depende sa pasya ng korte.

Ilang taon nang tumutulong si Heart sa pagre-rescue ng mga hayop.

Nang sumabog ang Bulkan Taal noong January 2020, isa si Heart sa mga tumulong sa pagliligtas sa mga aso, pusa, at kabayo na naiwan ng mga nagsilikas na residente.

Continue reading below ↓

Si Heart ang celebrity spokesperson ng non-profit animal welfare organization na Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-fashion icon Heart Evangelista is the celebrity spokesperson of Philippine Animal Welfare Society (PAWS) and has several times partnered with animal rescue group Pawssion Project.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results