Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

NTC to issue alias cease and desist order against ABS-CBN; ABS-CBN appeals for fairness

by Arniel C. Serato
4 days ago
The National Telecommunications Commission will issue an alias cease and desist order against ABS-CBN after receiving legal guidance from the Office of the Solicitor General.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Maglalabas ng alias cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN TV Plus dahil sa patuloy na pag-ere ng ilang programa ng Kapamilya network kahit wala na itong prangkisa.

Ang "alias" ay isa pang kautusan upang itulak na masunod ang naunang kautusan.

Ayon sa NTC, dumating na ang kasagutan mula sa Office of the Solicitor General (OSG) ngayong Lunes, June 29, kaugnay sa patuloy pa ring pagbu-broadcast ng network sa digital TV sa pamamagitan ng ABS-CBN TV Plus.

Ang ABS-CBN TV Plus ay tinatawag ding "mahiwagang black box."

Sa ikawalong pagdinig ng Kongreso ukol sa ABS-CBN franchise renewal ngayong araw, kinuwestiyon ni Anak Kalusugan Party-list Representative at Deputy Speaker Mike Defensor ang patuloy na pagbu-broadcast ng mga Kapamilya programs kahit wala na itong prangkisa.

Napaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, 2020.

May 5, naglabas ng cease and desist order laban sa ABS-CBN na naging dahilan ng pagsasara ng lahat ng TV at radio stations ng network sa buong Pilipinas.

Continue reading below ↓

Ayon kay Defensor, vice chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, “Huwag muna nating pag-usapan whether pro or against ka sa prangkisang ito, but the fact that it continues to air using the same frequency, Mr. Chairman, it is not only a violation of a franchise but also a usurpation and infringement on the power of Congress."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon pa kay Defensor, nasa kapangyarihan ng Kongreso kung papayag itong magpatuloy sa pagbu-broadcast ang Kapamilya programs.

Saad niya, “Nung ito po’y unang pinag-usapan ng NTC, sinabi natin sa NTC na kung puwedeng ipagpatuloy nila na magkaroon ng provisional authority habang naghi-hearing tayo.

"Ngayon po, itinigil ng NTC, ni-CDO ang ABS-CBN.

“Ngayon namang naghi-hearing tayo, pinayagan naman niya ang paggamit sa ere, patuloy sa digibox, Mr. Chairman.

“Ako po’y nalilito sa sitwasyong ‘to, pero malinaw sa akin, it is a violation of the powers of Congress.

“It is a violation of our constitutional mandate na tayo lamang ang magbibigay ng prangkisa.

Continue reading below ↓

“Inuulit ko po, hindi po ang binabanggit ko ang violation ang paggamit ng digibox.

"Ang binabanggit ay yung natapos na prangkisa at pinapayagan pa ng NTC na umere ang mga programa gamit ang digibox.”

NTC EXPLAINS

Sinagot naman ito ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

“Tama po si Chairman Mike Defensor na ang Channel 43 po na umeere ngayon ay kasama po sa original na cease and desist order na in-issue ng National Telecommunications Commission,” saad niya sa mga dumalo sa joint committee hearing ng Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability,

Ipinaliwanag din ni Cordoba kung paano nakonsepto ang digital broadcast sa bansa.

Aniya, na-adopt ng Pilipinas ang transition sa digital TV noong taong 2013.

Ang ginamit na modelo ng Pilipinas ay ang Japanese digital technology.

“Pagka-umere na ang digital TV ay merong mga tao na hindi makapanood dahil ang kanilang TV sets ay luma o analog TV, at kung wala kang set-up box.”

Continue reading below ↓

Ang "set-up box" ang generic term ng digital TV boxes.

Mula noon, ginawa ng ABS-CBN ang simulcast airing ng digital at analog o free TV sa ABS-CBN at AMCARA Broadcasting Network.

Sabi pa ni Cordoba, “Ito pong Channel 43 ay naka-assign sa AMCARA Broadcasting.

“Ang AMCARA Broadcasting po ay sister company ng ABS-CBN.

“So, ang nangyari po dito sa Manila, ang ABS-CBN ay umeere ng analog sa Channel 2, at umeere po ng digital sa Channel 43 ng AMCARA.

“Ngayon po, nag-issue po kami ng cease and desist order against ABS-CBN na huwag na silang umere dahil po paso na ang kanilang franchise nung pong May 5, 2020."

Ayon kay Cordoba, kasama ang Channel 43 sa inisyu nilang cease ang desist order noong May 5 "dahil ang ginamit po nila for that digital broadcasting ay yun pong ABS-CBN."

Noong nalaman daw nilang patuloy pa ring nagbu-broadcast ang Kapamilya station, sumulat sila sa Office of the Solicitor General (OSG), na tumatatyong abugado ng pamahalaan.

Continue reading below ↓

Humingi raw ng legal guidance ang NTC sa OSG dahil nagsampa ang ABS-CBN sa Supreme Court, noong May 7, ng petition para makakuha ng temporary restraining order (TRO).

Layon ng petisyon na ipawalang-bisa ang cease and desist order na ipinataw ng NTC noong May 5.

Sabi pa ni Cordoba, “We wanted to be more prudent kaya humingi kami ng guidance sa Office of the Solicitior Generel.

“At ito pong guidance na ito ay natanggap po namin kaninang umaga lang po.

“Ang sabi po ng Office of the Solicitor General is tama nga, kasama nga po ito, at puwede po kami mag-issue ng alias cease and desist order.”

Pinag-aaralan daw mabuti ng kanilang legal department ang susunod na hakbang.

NTC TO ISSUE ALIAS CDO WITHIN THE DAY

Sa patuloy na pagtatanong ng mga kongresista kay Cordoba, sinabi ni Cavite 7th District Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla na ang ginagawa raw ng ABS-CBN ay usufruct, o ang paggamit ng ibang kumpanya sa prangkisa ng iba upang makapag-broadcast.

Continue reading below ↓

Tanong niya, “Bakit pinapayagan ng NTC na mag-operate ang TV Plus kahit na ito ay expired na ang prangkisa ng ABS-CBN at yung programming na ipinapasok nila roon, yung Teleradyo, yung news and public affairs, yung kanilang laman ng kanilang entertainment ay binu-broadcast pa rin over their digital signal?

“Anong prangkisa ang ginagamit ng ABS-CBN dito?"

Sabi naman ni Cordoba, "Dapat ay hindi po nila ginagawa yun, Your Honors, dahil yun pong ABS-CBN franchise na binanggit ninyo ay expired na.

“Mali po yung ginagawa nila. That is a violation po of CDO."

Tanong ulit ni Remulla, "So violation po ng CDO ang ginagawa ng ABS-CBN sa pagpapatakbo ng TV Plus? Am I correct?"

Tugon ni Cordoba, "Correct po, tama po, tama po."

Tinanong ni Remulla kung bakit hindi pinigilan ng NTC ang pagbu-broadcast ng ABS-CBN sa digital.

Paliwanag ng NTC Commissioner, "Ganito po, pagka-issue po namin ng cease and desist order, after a few days ay umakyat po ang ABS-CBN sa Korte Suprema.

Continue reading below ↓

"So, lahat ng aksiyon namin, dahil po iniisip namin yung case na pending sa Supreme Court, ay ayaw po naming magkamali.

“Kaya po ang aming ginagawa ay humingi po kami ng tulong sa Office of the Solicitor General, who is our statutory counsel."

Ano ang payo ng OSG sa NTC?

Binasa ni Cordoba ang huling bahagi ng sulat ng SolGen.

Nakasaad dito: "Nonetheles, given the cicumstances, including Supreme Court’s resolution dated June 23, 2020, in the Republic quo warranto petition, the Supreme Court’s pronouncement that ABS-CBN petition be resolved by July 2020, and the continuing hearing of the House Committee on the Legislative Franchise, the NTC may first issue an alias CDO.

"If and when ABS-CBN still continue to broadcast through Channel 43, the NTC may avail itself of effective means to stop such broadcast."

Sabat ni Remulla, "Hindi naman kayo inaawat a, may awat ba diyan? Wala naman akong awat na nakikita diyan, a."

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Cordoba, ngayon lamang dumating ang sulat ng OSG sa kanilang opisina.

Iminungkahi naman ni Remulla na sampahan ng reklamo sa Ombudsman si Cordoba dahil sinuway raw nito ang kapangyarihan ng Kongreso "to issue franchises and allowing an entity to operate without a franchise and earn money at the same time."

Ikinagulat daw ni Remulla ang mga plabas sa TV Plus ng ABS-CBN kung saan marami raw itong advertisements.

Ibig daw sabihin nito ay kumikita nang malaki ang istasyon kahit wala itong prangkisa.

Idiniin pa ng kongresista ang NTC na tila tinu-tolerate ang pagbu-broadacst ng ABS-CBN sa loob ng walong linggo.

HOT STORIES

ABS-CBN EXECUTIVE CARLO KATIGBAK

Kasunod na binalingan ni Remulla si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Tanong ng kongresista kay Katigbak, “Are you willing to cease and desist from continuing your broadcast over TV Plus while your franchise application is pending before this committee or while you have no franchise?"

Continue reading below ↓

Iginiit naman ni Katigbak na pinayagan noon ng NTC ang ibang kumpanya, na napaso na ang prangkisa ngunit kasalukuyang tinatalakay ang prangkisa sa Kongreso, na magpatuloy ng operasyon hanggang sa panahong aprubahan o tanggihan ang kanilang franchise application.

Pahayag pa ng ABS-CBN president, "So, we would like permission to ask the same privilege be extended sana to ABS-CBN in the spirit of fairness."

Kinontra rin ni Katigbak ang pahayag ni Cordoba na sakop ng cease and desist order ang patuloy na pagpapalabas ng ABS-CBN programs sa Channel 43.

Paliwanag niya, "The reason you still continue to see our channels on TV Plus is we have a block time arrangement with AMCARA.

“A block time arrangement is a standard commercial aggreement where a company is allowed to buy airtime from a duly licensed broadcaster and to air our programs.”

Muling ipinunto ni Remulla ang tungkol sa “usufruct” o ang paggamit ng ABS-CBN sa ibang kumpanya upang makapag-broadcast kahit wala na silang prangkisa.

Continue reading below ↓

Isa raw itong violation ng ABS-CBN.

Isa rin daw “palusot” ang sinabi ni Katigbak na blocktime arrangement.

Saad ni Remulla, “Kasi po ang ginagamit pa rin nila yung public frequency to broadcast ABS-CBN content.

"And no amount of commercial arrangement ay puwedeng maging palusot para po sila ay makapag-broadcast nang legal.

"They are now conducting an illegal operation.

"For the past eight weeks their operation has been illegal, Mr. Chairman."

NTC TO ORDER SHUTDOWN OF ALL TV PLUS CHANNELS

Nilinaw naman ng NTC na kasama sa kanilang cease and desist order noong May 5 ang channels ng TV Plus.

Kabilang sa mga channels na napapanood sa TV Plus ang Asianovela, Yey, KBO, Teleradyo, Cinemo, Knowledge Channel, at Jeepney TV.

Sa huling bahagi ng hearing ay pinapangako ni Congressman Defensor si Commissioner Cordoba na ipahinto ang pagpapalabas ng lahat ng programa ng ABS-CBN sa TV Plus.

Ani Defensor, “At ang commitment mo ay ngayong hapon ihihinto mo lahat ng programa?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Cordoba, "Yes, Your Honor."

Dagdag pa ni Defensor, "At ilalabas mo ang alias na CDO mo na 'yan sa kadahilanang 'yan din ang guidance ng Solicitor Genereal?"

Pagtalima naman ni Cordova, "Tama po, Your Honor."

“WE WILL RESPECT THE REGULATORY AGENCY”

Sa statement naman ng ABS-CBN na ipinadala nila sa media ngayong gabi, ginamit nila ang mga pahayag ni Katigbak sa hearing.

Mariin nilang pinabulaanan na covered ng naunang CDO ang ABS-CBN TV Plus.

Sabi pa Katigbak sa hearing, "Yung hinihingi po lang namin is to make sure that we are given due process, so we have the right venue to express our position on this matter.

"And then whatever decision the NTC comes up with, we will respect the regulatory agency.”

Tungkol naman sa mga tanong ng mga kongresista kung bakit umeere pa rin ang mga programa ng ABS-CBN sa Sky Cable kahit paso na rin ang prangkisa nito, sinabi ni Katigbak na pinayagan ng NTC ang ibang istasyon na magpatuloy sa kanilang broadcast habang dinidinig pa ang kanilang renewal.

Continue reading below ↓

Maaapektuhan din daw ang milyun-milyon nilang mga manonood.

Saad ni Katigbak, “Between TV Plus and SKY, there are about 11 million homes that have access to our service.

"Pag pinutulan po natin 'yan, that's almost 55 million people that will lose access to their entertainment, their news and information.

"So sana po, ang appeal po namin sa Kongreso is, in the spirit of fairness, please consider that you have allowed other companies to operate before even after their franchises have expired for so long as Congress continues to hear their application for a renewal.”

At press time, wala pa ring inilalabas na alias cease and desist order ang NTC.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The National Telecommunications Commission will issue an alias cease and desist order against ABS-CBN after receiving legal guidance from the Office of the Solicitor General.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results