Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vic Sotto jokingly plays matchmaker to son Vico, Tarlac Mayor Donya Tesoro

by Rachelle Siazon
4 days ago
On Eat Bulaga's "Bawal Judgmental," Vic Sotto (center) makes like he is calling son Pasig Mayor Vico Sotto (left) when he learns that Tarlac Mayor Donya Tesoro (right) is still single and has no suitor right now.
PHOTO/S: Vico Sotto Facebook / Noel Orsal for PEP.ph / Donya Tesoro Instagram

Pabirong napatawag kunwari si Vic Sotto sa anak na si Vico Sotto nang malamang walang manliligaw si Donya Tesoro.

Si Vico, 31, ay mayor ng Pasig City.

Anak siya ni Vic sa dating partner na si Coney Reyes.

Si Donya, 29, ay mayor ng San Manuel, Tarlac.

Ang ama niyang si Bening Tesoro ay dating mayor ng San Manuel at kasalukuyang nagsisilbing vice mayor.

Parehong single sina Vico at Donya.

Parehong nagtapos ng master's degree sa Public Management sa Ateneo, at halos magkalapit ang edad.

Tiyempong kabilang si Donya sa mayors na sumalang sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! noong Sabado, June 27.

Todo sa pang-uusisa ang Dabarkads na sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros sa love life ni Donya Tesoro.

Base sa Q&A sa loob ng Eat Bulaga! studio, tila nais nina Jose at Paolo na tuksuhin si Donya Tesoro kay Vico.

Nakahalata naman si Vic na noon ay nasa bahay pero kasali sa virtual split screen.

Continue reading below ↓

Sabi ni Vic kina Jose at Paolo, "Diretsuhin mo na kaya! Andami mong paliku-liko.

"Nakikinig ako rito, e. Parang may pinupuntahan kayo."

Sabay tanong ni Vic kay Donya, "Mayor, may nanliligaw ba sa inyo?"

Sagot ni Donya, "Hi, Bossing! Parang wala. Parang ayaw nila sa akin."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa puntong iyon ay pabirong dumukot kunwari ng cell phone si Vic at saka tinawagan ang anak na si Vico.

"Hello, Vico?! Hello? Diniretso ko na!" natatawang saad ni Vic.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NO TIME FOR LOVE

Biro naman nina Paolo at Jose, hindi sila naniniwalang single pa si Donya. Baka raw may nakaka-text ang dalaga at inililihim lang nito sa publiko.

Pero wala raw talaga siyang nobyo o kahit manliligaw sa ngayon, ani Donya.

Komento ni Jose, "Kasi sa tingin namin, Ma'am, sorry, ha, parang yung iba matatakot na manligaw, e. Kasi mayor kayo, e."

Paliwanag naman ni Donya, hindi niya priority ang love life sa ngayon dahil abala siya sa tungkulin bilang alkalde.

Kaya raw ginagamit din niya ang hashtag na "#notimeforlove."

Inalam pa rin nina Jose at Paolo ang hinahanap ng 28-year-old mayor sa isang potential boyfriend.

Sagot ni Donya, "Hindi ako particular sa looks, e. Basta hindi babaero, siyempre yung maiinintindihan yung trabaho ko, maka-Diyos."

Hirit ni Jose, "Kailangan mayor din mapangasawa mo, para mas magkaintindihan kayo."

Continue reading below ↓

JOSE RECOMMENDS "BIKO" FOR MERIENDA

Sunod na inusisa ni Jose kung ano ang paboritong merienda ni Donya para magkaroon daw ng ideya ang potential suitor nito kung ano ang ipapadala sa kanyang pagkain.

"Tinapay, pansit, at puto" ang ilan sa mga isinagot ng dalaga.

Sa puntong ito, nakahalata si Vic sa nais tumbukin ni Jose na baka puwedeng sina Vico at Donya na lang.

Sa huli, sinabi ni Jose na padadalhan niya ng "biko" si Donya.

Ani Jose, "Dalhan kita ng biko may latik. Masarap yung biko may latik."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Eat Bulaga's "Bawal Judgmental," Vic Sotto (center) makes like he is calling son Pasig Mayor Vico Sotto (left) when he learns that Tarlac Mayor Donya Tesoro (right) is still single and has no suitor right now.
PHOTO/S: Vico Sotto Facebook / Noel Orsal for PEP.ph / Donya Tesoro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results