Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Romnick Sarmenta flicks at troll for calling girlfriend Barbara Ruaro 'Harlene': “Hindi cute yung comment.”

Jun 30, 2020
Indie film actress Barbara Ruaro is mistaken for actor Romnick Sarmenta's ex-wife Harlene Bautista (not in photo). Barbara slams commenter as a troll: “My skin is thick enough for insults. I rarely bite back. But what I can't tolerate are discourteous internet trolls who know nothing yet will say anything for a little social media exposure."
PHOTO/S: @bieruaro on Instagram

Hindi nagustuhan ng aktor na si Romnick Sarmenta ang pagtawag ng isang troll ng “Harlene” sa indie actress na si Barbara Ruaro.

Si Harlene Bautista, actress-film producer, ang nakahiwalayang asawa ni Romnick, 48.

Si Barbara naman ang girlfriend ngayon ng aktor.

Sa Instagram post ni Barbara nitong Sabado, June 27, nagkomento ang troll.

Tampok sa post ng indie actress ang litrato nila ni Romnick.

Magkadikit ang mukha habang parehong ngiting-ngiti sina Romnick at Barbara sa picture.

Caption ni Barbara: “Guess it’s safe to say you’re my favorite person.”

Continue reading below ↓

Pawang pagpapaabot ng kilig at saya para kina Romnick at Barbara ang mababasa sa comments section.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Namumukod-tangi ang komento ng troll, na malinaw na para kay Romnick.

Comment ng netizen (published as is): “Yan nb ngaun c harlene?

“Bakit parang nag iba ang mukha”

Pinalalabas ng troll na si Harlene ang inaasahan niyang kasama ni Romnick sa litrato.

At dahil sweet sina Romnick at Barbara sa picture, napagkamalan umano ng nagkomento na si Barbara ay si Harlene.

Ito ay kahit obvious namang batid nitong wala si Harlene sa litrato, at si Barbara ang kasama ng aktor.

Paano nga kasi magagawi ang netizen sa Instagram account ni Barbara kung hindi nito kilala ang indie actress?

ROMNICK: “NAGPAPATAWA KAYO O DI KAYO NAGBABASA?”

May bahid ng sarcasm tuloy ang naging sagot ni Romnick sa troll.

Reply ni Romnick: “Hindi ko po alam kung nagpapatawa kayo o di kayo nagbabasa... iba po ang pangalan.

Continue reading below ↓

“At hindi po cute yung comment.”

Sinabi pa ng aktor na malaya ang Instagram user paniwalaan ang gusto nito.

Pero ipinaalala ni Romnick na hindi dapat nakikisawsaw ang mga tao sa mga isyung hindi nila naiintindihan.

“Pwede nyo namang i-search, at paniwalaan ang gusto ninyong paniwalaan,” dagdag ni Romnick.

“Pero di dapat magsalita hanggang walang alam na katotohanan.”

HOT STORIES

BARBARA: “I CAN’T TOLERATE DISCOURTEOUS INTERNET TROLLS”

Kung kalmado lang ang tono ni Romnick sa troll, matapang itong hinarap ni Barbara.

Sa suspetsa pa ring may bahid ng biro ang comment, minaliit ng aktres ang kakayahan ng troll magpatawa.

Sagot ni Barbara: “is this your best attempt at humor?”

“Sana magbasa po muna tayo bago manghusga.”

Dagdag ni Barbara, hindi na bago sa kanya ang tumanggap ng insulto.

Hindi rin daw siya mapagpatol.

Pero ayon sa aktres, hindi niya kayang magsawalang-kibo sa mga walang respetong “internet trolls.”

Paglalarawan ni Barbara, kahit walang alam sa issue ay nagsasalita ng kahit ano ang mga trolls “for a little social media exposure.”

Continue reading below ↓

Mababasa sa komento ni Barbara: “My skin is thick enough for insults.

“I rarely bite back.

“But what I can't tolerate are discourteous internet trolls who know nothing yet will say anything for a little social media exposure.

“Please know better next time...”

Ang Internet trolls ay gumagamit ng mga pekeng social media accounts upang magkomento ng negatibo, o magsimula ng debate o away, tungkol sa isang personalidad o kumpanya, depende sa misyon nito.

May mga patunay nang binabayaran ang mga troll upang gawin ang mga nabanggit.

Continue reading below ↓

Hindi na sumagot pa ang troll.

ROMNICK AND HARLENE

Ngayong June lang lumutang ang isyu tungkol sa pagkakaroon ng romantic relationship sa pagitan nina Romnick at Barbara.

Sa open letter ng aktor sa Facebook nitong June 15, itinanggi niyang may kinalaman si Barbara sa hiwalayan nila ni Harlene.

Nitong June 17, sa isang radio interview, sinabi ni Harlene na masaya siyang may bago nang karelasyon ang nakahiwalayang mister.

Continue reading below ↓

May sarili na ring boyfriend si Harlene sa kasalukuyan.

October 2018 nang ianunsiyo nina Romnick at Harlene ang kanilang paghihiwalay makalipas ng 19 taong pagsasama.

Mayroon silang limang anak.

Samantala, ang dating gitarista ng sikat na '90s OPM band na Eraserheads na si Marcus Adoro ang huling nakarelasyon ni Barbara.

September 2019 nang napaulat ang hiwalayan nina Marcus at Barbara.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie film actress Barbara Ruaro is mistaken for actor Romnick Sarmenta's ex-wife Harlene Bautista (not in photo). Barbara slams commenter as a troll: “My skin is thick enough for insults. I rarely bite back. But what I can't tolerate are discourteous internet trolls who know nothing yet will say anything for a little social media exposure."
PHOTO/S: @bieruaro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results