Ion Perez hits back at bashers calling him gay because of his Instagram photo

by Rachelle Siazon
Jun 30, 2020
It's Showtime mainstay Ion Perez on netizens calling him 'bakla, paminta, next BB Gandanghari': "Upong koreano bakla agad???"
PHOTO/S: @pereziion27 Instagram

Nagpanting ang tainga ni Ion Perez sa sunud-sunod na panghuhusga na siya ay "bakla" nang dahil sa kanyang postura sa isang Instagram photo.

Si Ion ay isa sa mainstays ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime, at karelasyon niya sa totoong buhay si Vice Ganda.

Kahapon, June 29, nag-mirror selfie si Ion matapos magpakulay ng buhok sa isang salon. Makikitang naka-cross legs siya habang nakaupo sa silya.

Sa comments section, lumubas ang kuru-kuro na "bakla" umano si Ion at baka malapit na rin daw mag-out.

Continue reading below ↓

Hindi nagustuhan ni Ion ang malisyosong espekulasyon ng netizens.

"Upong koreano bakla agad??? Mga ul*l hahahahaha," saad ni Ion.


HOT STORIES

ON BEING CALLED "PAMINTA," NEXT "BB GANDANGHARI"

Isa-isa ring sinagot ni Ion ang ibang mga nanghuhusga sa kanyang sexual orientation.

Patutsada ng isang netizen, "Lutoooo naaaa ang adobo... wait! Konting paminta pa nga...."

Continue reading below ↓

Ang "paminta" ay gay lingo na tumutukoy sa gay na lalaki pero mukhang straight.

Buwelta ni Ion, "aba nakapag luto ka ng adobo?? Ubos naba ang basura sa brgy nyo?? Hahahaha."


May nagkomento rin na si Ion daw ang "next BB Gandanghari," na dating kilala bilang '90s matinee idol na si Rustom Padilla.

Continue reading below ↓

Sagot ni Ion sa netizen, "kamuka mo aso mo!! Wag naman sana pati ugali sayang ang aso!"


Hirit ng isa pang netizen, "Sabi kona barbie e." Hango ito sa viral video kunsaan isang batang lalaki ang natuwa nang regaluhan ito ng Barbie doll.

Maanghang na sagot ni Ion: "isa pa tong mukhang tarapal ng moto! Pero wag na ikaw alala ikaw may paki nabang kasi lagi ulan ngayon ok?"

Continue reading below ↓


Sa huli, napagtanto ni Ion na wala siyang mapapala sa mga taong kay bilis humusga ng kapwa.

"Ano wala naba?? Patunaydayo wala pala ako mapapala sa inyohahahahahaha."


Continue reading below ↓

ION'S DEFENDERS

May iba rin namang netizens na dinepensahan si Ion.

Paalala ng isa, hindi dapat gamitin ang salitang "gay" o "soft" para mang-insulto o maging katatawanan ang isang tao.


May nagsabi ring hindi naman isyu kung "bakla or straight" si Ion.

"Maging masaya nalang din tayo para sa kanila. Jusko po, wag masyado bitter mga ate/kuya baka bukas pag gising mo yung BLESSING ang maging bitter sa Inyo," saad ng netizen.

Continue reading below ↓


Dagdag pa ng isa, hindi naman nakabase sa kilos ng tao kung ano ang sexual orientation nito.

"daming hanash ng iba.. TATAY ku ganyan din umup0 per0 di naman sya napagkakamalang bakla! jusk0.. may ma-issue lang mga siztmars??"


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime mainstay Ion Perez on netizens calling him 'bakla, paminta, next BB Gandanghari': "Upong koreano bakla agad???"
PHOTO/S: @pereziion27 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results