Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vice Ganda to lawmakers: "Mahabag po kayo sa kapwa nyo mga Pilipino."

by Arniel C. Serato
3 days ago
Vice Ganda, Liza Soberano, and Kim Chiu take to social media to ask Congress to approve ABS-CBN franchise renewal.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @lizasoberano / @chinitaprincess on Instagram

Muling nanawagan ng suporta sa Kapamilya viewers ang mga artista at iba pang personalidad ng ABS-CBN para sa inaasam na prangkisa mula sa Kongreso.

Sa joint committee hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Legislative Franchises kahapon, June 29, tinalakay ang tungkol sa ABS-CBN TV Plus, na mas kilala sa tawag na “mahiwagang black box.”

Napag-usapan din ang pag-ere pa rin ng Kapamilya programs sa digital platforms kahit nag-expire na ang prangkisa ng network.

Bunsod nito, nagdesisyon ang National Telecommunications Commission (NTC) na maglabas ng alias cease and desist order laban sa ABS-CBN.

Tinalakay rin ang labor practices ng ABS-CBN, kung saan ilang dating empleyado at talents ng network ang inimbitahan upang magsalita.

VICE GANDA

Pakatapos ng hearing, nag-post si Vice Ganda sa Twitter ng mensahe upang umapela ng suporta mula sa taumbayan para sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho.

Panawagan ng It’s Showtime host, “Kailangan namin ang suporta ninyo mga Kapamilya.

Continue reading below ↓

“Wag nating hayaang magdusa ang mga pamilya ng mga tuluyang mawawalan ng trabaho.”

Kalakip nito ang snippet ng pagtatanong ni Laguna 3rd District Representative Sol Aragones sa Presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.

Si Aragones ay dating reporter ng ABS-CBN News.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa hearing kahapon, tinanong ng mambabatas ang estado ng mga empleyado ng network ngayong nanganganib na tuluyang magsara ang ABS-CBN.

Ayon kay Katigbak, nakakaramdam ng takot at pangamba ang mga empleyado nila dahil sa nakaambang pagsasara ng kumpanya.

Saad niya, “Hirap na hirap po ang empleyado namin.

"Unang-una, sa panahon ng pandemya, mahirap talaga makahanap ng panibagong trabaho.

“If you are retrenched and laid off, you will have to deal with fear and anxiety of not knowing how you will continue to provide for your family.

“Most of our employees are going through this right now, and I wish we could give them the assurance that everything will be okay.”

Continue reading below ↓

"WAG NATING GIPITIN ANG ISA'T ISA"

Sa isa pang tweet, ibinahagi naman ni Vice ang testimonya ni Jon Villanueva, ang presidente ng ABS-CBN rank and file union.

Ibinahagi ni Villanueva ang nararamdaman ng mga emplayedo ng ABS-CBN.

Pahayag niya, “Mababa po ang moral ngayon ng mga manggagawa.

"Marami pong nagpapadala ng mensahe sa akin, maski hindi po miyembro, na talaga pong tuliro po sila, hindi po sila makatulog.

Continue reading below ↓

“Lalo na po’t palapit na palapit na po yung taning na puwedeng magkaroon ng retrenchment sa ABS-CBN.”

Ito naman ang panawagan ni Vice sa mga kongresista: “Pakinggan nyo pa ang boses nya na punong puno ng lungkot, pangamba at pagmamakaawa.

“Mahabag po kayo sa kapwa nyo mga Pilipino. Magkakababayan po tayo. Wag nating gipitin ang isa’t isa.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

KIM CHIU, LIZA SOBERANO

Idinaan naman ng top Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Liza Soberano sa Instagram Stories ang kanilang panawagang "#IbalikAngABSCBN."

Makikita sa kanilang IG Stories ang quote cards mula sa mga sagot ni Katigbak sa hearing ng Kongreso kahapon.

Continue reading below ↓

Bahagi ito ng depensa ng ehekutibo tungkol sa pag-ere pa rin ng ABS-CBN sa digital platforms, sa pamamagitan ng AMCARA Broadcasting Network, kahit nawalan na sila ng prangkisa.

Nagpaalam sa ere ang ABS-CBN noong May 5, 2020 matapos hainan ng NTC ng cease and desist order.

KAREN DAVILA, KIM ATIENZA

Ang News and Current Affairs personalities na sina Karen Davila at Kim Atienza ay idinaan namn sa Twitter ang pagpapakita ng suporta sa kanilang network.

Unang binigyang diin ni Karen na dapat ay mag-digital broadcast na ang bansa dahil masyado nang luma ang analog broadcasting.

Sabi niya sa kanyang dalawang magkasunod na tweets:

"Sana po buksan ang isipan. 2021 na.

"Ang dapat po ninyong tanungin, bakit hindi pa digital ang iba? #ABSCBNFranchiseRenewal"

Continue reading below ↓

"Makaluma na po ang analog. Digital era na po tayo.

"The Filipino deserve better. And that’s digital. #ABSCBNFranchiseRenewal"

Dinepensahan din ni Karen ang ABS-CBN TV Plus.

Saad ng mamamahayag, "No less than NTC said it. Walang paglabag ang 6 programs (others use the word channel) sa ABSCBN TV Plus.

"No need for separate franchises. Sana malinaw. #ABSCBNFranchiseRenewal"

Continue reading below ↓

Isa namang panalangin ang ibinahagi ni Kim Atienza.

Sana raw ay hipuin ng Diyos ang mga puso ng mga mambabatas upang mabigyan na ang ABS-CBN ng panibagong prangkisa.

Saad niya, "Goodnight verse. Lord If it is your will, soften the hearts of those who hate ABS and may Congress and the powers that be give us our franchise.

Continue reading below ↓

"In Jesus name. Luke 11:9-10 “So I say to you: Ask and it will be given to you; seek and you will find."

Nagpapatuloy ngayong araw, June 30, ang ika-siyam na pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Liza Soberano, and Kim Chiu take to social media to ask Congress to approve ABS-CBN franchise renewal.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @lizasoberano / @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results