Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angel Locsin stands up to critics saying homosexuality is a sin

by Bernie V. Franco
3 days ago
Angel Locsin argues with netizens who believe homosexuality is a sin: "Ang paulit ulit na binabanggit sa bible is love one another or love your neighbor."
PHOTO/S: @lalaflores16 on Instagram

Ipinagtanggol ni Angel Locsin, 35, ang mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community.

Ito ay matapos mabasa ng aktres ang mga komentong kasalanan sa Diyos ang pagiging homosexual at magkaroon ng same-sex relationship.

Giit ng mga kritiko, nakasaad daw ito sa Bibliya.

Katuwiran naman ni Angel, nakasaad din sa Bibliya na dapat mahalin ang isa’t isa.

ANGEL IS A “PROUD ALLY”

Nagsimula ang pakikipagdiskusyon ni Angel sa ilan niyang followers nang mag-post siya sa Instagram ng pakikiisa sa Pride Month, na kumikilala sa LGBTQIA community.

Sa caption, malinaw ang pagkampi ni Angel sa gay community.

“In a world with so much hatred, everyone should be allowed to feel safe & loved [rainbow emoji],” mensahe ni Angel sa post niya nitong Lunes, June 29.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagsunud-sunod ang argumento sa comments section.

Hati ang opinyon ng netizens.

Ang mga anti-LGBTQIA, ginamit ang Bibliya at pagiging Kristiyano para idiin na mali ang pagiging gay at ang mga gawain nito.

Isang netizen ang nagbanggit sa Bible verse na Roma 1:27, na tinukoy ang "kasuklam-suklam na pagkahumaling ng mga lalaki sa kapwa lalaki at mapaparusahan dahil sa gawaing ito."

Sabi pa ng nagkomento: “repent, save the sinner’s and stop the wickedness.”

Hindi naman ito inurungan ni Angel.

Idiniin ni Angel sa kanyang sagot ang nakasaad sa Bibliya na mahalin natin ang ating kapwa.

Saad niya: “As for my knowledge as a christian, ang paulit ulit na binabanggit sa bible is love one another or love your neighbor.

“Yan ang tungkulin natin sa diyos at kapwa na dapat nating sundin at Diyos lang ang makakahusga [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Inalmahan ng isa pang nagkomento ang katwiran ni Angel.

Pinaalalahanan nito ang aktres na maging mabuting Kristiyano sa pamamagitan ng pagtuwid sa maling gawain ng kapwa.

Panenermon ng netizen kay Angel: “It’s your responsibility as a Christian to enlighten your brethren and malinaw na nasa Bible that the act of homosexuality is a sin.”

Hirit pa niya kay Angel: “Do not cherry-pick the gospel.”

HOT STORIES

Punto naman ng aktres, naniniwala siya sa pantay-pantay na karapatan.

“so what’s your point? I’m all for equal rights. [Why] deny them that dahil tingin mong tama ka?” ani Angel.

Continue reading below ↓

Gumatong ang isa pang nagkomento na idiniing “ang pagiging bakla ay KASALANAN” at sila ang mga taong naliligaw ng landas.

Inalmahan ni Angel ang pagiging judgmental ng netizen.

Ayon sa aktres, maraming miyembro ng LGBTQIA ang nawawalan ng gana sa Simbahan dahil sa ganoong katwiran.

Pahayag niya, “sorry po pero you are judging them.

“That’s not your job.

“Your job in this world is to love your neighbor.

“Kaya marami po ang na-tuturn off magbalik simbahan sa mga LGBTQ+ dahil sa mga ganito [sad emoticon]”

Continue reading below ↓

Ilan sa mga sinagot ni Angel ang nagkomento muli, indikasyong hindi sila magpapatalo sa kanilang paniniwalang masama ang homosexuality.

May iba ring sang-ayon sa paniniwalang kasalanan ang pagiging bakla.

Meron namang panig kay Angel at naniniwalang walang masama sa pagiging miyembro ng LGBTQIA.

Ang panghuling sagot ni Angel sa mga kontra: “si Lord po ang judge at hindi tayo [smile emoticon]”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin argues with netizens who believe homosexuality is a sin: "Ang paulit ulit na binabanggit sa bible is love one another or love your neighbor."
PHOTO/S: @lalaflores16 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results